"Ang lalim yata ng tinatakbo ng isipan mo, hija." Agad na napalingon si Bettina sa kanyang likuran nang mula roon ay narinig niya ang tinig ng kanyang ama. Emmanuel was walking slowly towards her. Sa mga kamay nito ay tig-isang tasa ng kape. Nang makalapit sa kinaroroonan niya ang kanyang ama ay iniabot nito sa kanya ang isang tasa. Kinuha niya iyon at agad siyang nagpasalamat dito bago inilapag muna ang tasa sa ibabaw ng mesang nasa kanilang harapan. Samantalang ang kanyang ama naman ay uminom muna mula sa tasang nasa kamay nito bago naupo sa silyang malapit lamang dito. "Nakita kita kanina habang patungo rito," wika pa ni Emmanuel sa kanya. "I decided to make coffee for us." "Thanks, pa," nakangiti niyang saad dito bago sumimsim din sa kapeng dinala nito para sa kanya. Pasado alas-n