Kanina pa nakamasid si Bettina sa bubong ng silid na kinaroroonan niya. Gawa sa nipa ang bubong niyon na halos may mga tumatagos nang sikat ng araw dahil sa labis na kalumaan. Kanina pa siya gising ngunit nanatili lamang siyang nakahiga sa pang-isahang papag na kinaroroonan niya ngayon.
Ito ang naging silid niya nang dito pa siya nakatira. She shared the same room with her Lola Corazon. Samantalang ang isa namang kwarto ay laan para sa kanyang ina at asawa nito. Ang kuya niya na si Ricky ay may maliit na papag malapit lamang sa kanilang kusina.
Nang dumating siya kahapon ay hindi niya inaasahan na magagamit niya pa ang dati niyang silid. She was expecting for her Kuya Ricky to use it. Ngunit nang matapos siyang lumapit sa kabaong ng kanyang Lola Corazon at doon ay umiyak ng ilang saglit ay naramdaman niya ang paglapit sa kanya ng isa pa niyang pinsan na si Claudette. Kapatid ito ni Gino.
Claudette was worried to her. Inaya siya nito sa kusina at pinaghain upang makakain muna. Then, she told her to go to her room first and take a rest.
Ang totoo ay talagang napagod siya sa pagmamanehong ginawa niya mula sa Quezon City patungong bayan ng San Sebastian. Ngunit mistula ba ay naging doble iyon nang makaharap niya ang kanyang Tatay Reynaldo kahapon. Marahil ay dahil na rin sa uri ng pakikiharap nito sa kanya.
Matapos siyang samahan ni Claudette papasok sa kanyang dating silid na inookupa ay hinayaan na siya nitong makapagpahinga roon. Hindi na niya namalayan pang nakatulog siya. She woke up at around seven in the evening.
Gustuhin niya man na makisalamuha sa mga taong nakikiramay sa kanilang pamilya ay hindi niya magawa. Hindi niya alam kung paano siya pakikiharapan ng mga ito. Kung ang Tatay Reynaldo nga niya ay malamig ang pakikitungo sa kanya, paano pa kaya ang ibang tao? Ano kaya ang iniisip ng mga ito tungkol sa kanya?
Bettina heaved out a deep sigh. Maliban sa kanyang ina na si Romina ay ang kanyang Lola Corazon lamang ang maganda ang trato sa kanya. Pati na rin ang magkapatid na sina Claudette at Gino.
Tanging ang mga ito lamang ang pakiramdam niya ay tanggap siya bilang kamag-anak. Pero ang kinalakihan niyang ama na si Reynaldo, maging ang kapatid niyang si Ricky, ay lagi nang malamig sa kanya. They never hurt her physically, yes. Pero kailanman ay hindi niya rin ramdam ang pagtanggap ng mga ito.
Kaya naman sa halip na lumabas pa siya kagabi ay mas pinili na lamang niya na mamalagi sa loob ng kanyang silid.
At ngayon nga ay halos pasado alas-sais pa lamang ng umaga. Mamayang hapon na ang libing ng kanyang Lola Corazon. Masakit para sa kanya na hindi man lang muna niya ito nakita nang nabubuhay pa.
Isang marahan na pagbuntong-hininga pa ang kanyang pinakawalan bago nagpasya nang tumayo. Nagsuklay muna siya ng buhok at inayos ang kanyang sarili. Nagpalit din siya ng damit.
Isang kulay asul na sleeveless blouse ang kanyang piniling isuot na sadyang pinaresan niya lamang ng maong na short. Nang masiguro na maayos na ang kanyang hitsura ay lumabas na siya mula sa kanyang kwarto.
Pagkalabas ay agad nang bubungad ang patungo sa may sala. Doon nakaburol ang kanyang Lola Corazon. Napansin niya ang isang matandang babae na kilala niyang tauhan din ng mga Olvidares. Nakaupo ito sa silyang malapit lamang sa kabaong ng kanyang lola.
She stepped closer. Saglit niya munang sinilip ang kanyang abuela at kinausap ito sa kanyang isipan.
She looked so peaceful. Nanghihinayang lamang siya na hindi man lang nito nakilala ang kanyang anak. In fact, no one knew from San Sebastian that she already has a child.
Mayamaya pa ay nagpasya siyang magtungo sa kanilang kusina. Doon ay naabutan niya sina Claudette at Gino na magkatulong sa paghahanda ng mga lulutuin. Kasama pa ng mga ito ang dalawang matandang babae na alam niyang tauhan din ng mga Olvidares.
"Magandang umaga ho," bati niya sa mga ito.
Sabay-sabay na napalingon sa kanya ang mga tao sa loob ng kusina. Isang ngiti ang sumilay sa labi ng bawat isa.
"Magandang araw din, Bettina. Nakapagpahinga ka ba nang maigi?" tanong sa kanya ni Gino. Saglit pa itong huminto sa ginagawang paggayat ng gulay.
"Oo naman. Salamat nga pala sa pagpapaayos ng sasakyan ko," wika niya dito na sinuklian lamang ni Gino ng isang ngiti. "M-May... May maitutulong ba ako sa inyo?"
"Hindi na kailangan, Bettina. Kaya na namin dito."
Agad siyang napalingon sa direksyon ng isang pintuan. Patungo iyon sa pinakakusina kung saan naroon ang dalawang lutuan na ginagamitan lamang ng kahoy. Doon na rin nakaimbak ang mga pinutol na kahoy na siyang ginagamit nila upang panggatong.
Mula roon ay lumabas ang kanyang Tatay Reynaldo. Kung pagbabasehan ay halata na may iniluluto ito sa kanilang pugon. Kasalukuyan pa itong nagpupunas ng kamay sa hawak-hawak na maliit na tuwalya habang nagsasalita.
Naglakad ito palapit sa mesang naroon upang abutin ang isang buong kalabasa at iyon ay balatan.
"Kaya na namin ang mga gawain dito," saad pa nitong muli.
"A-Ayos lang ho, 'tay. Sanay ho ako sa mga gawain."
"Pero hindi ka na sanay sa ganitong lutuan. Pupusta akong hindi ganito ang kusina sa bahay ang iyong ama," wika pa nito na patuloy lamang sa ginagawa.
She could almost feel the awkwardness on their surroundings. Walang sino man sa mga naroon ang nagsalita. Alam niya na ramdam ng mga ito ang napakataas na pader na pumapagitna sa pagitan nila ng kanyang amain.
Hanggang sa mayamaya ay tumayo si Claudette sa kinauupuan nito at binalingan siya. "May itinabi na nga pala akong agahan para sa iyo. Gusto mo na bang kumain, Bettina?"
"Naku, ako na lang, Claudette," nahihiya niyang saad dito. Napasulyap pa siya sa direksyon ng kanyang Tatay Reynaldo sa takot na baka may masabi na naman ito sa mistula ay pagsisilbi sa kanya ni Claudette. "M-Mamaya na lang ho siguro ako kakain."
Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang biglang paghinto ni Reynaldo sa ginagawa nito. Agad itong napalingon sa kanya nang marinig ang huling pangungusap na sinabi niya.
Hindi man ito nagtanong ngunit natagpuan niya ang kanyang sarili na nagpapaliwanag dito. "N-Nais ko ho sana munang maglakad-lakad."
Hindi ito nagbigay ng komento, sa halip ay itinuloy na lamang ang ginagawa. Lumingon na lamang siya sa kanyang mga pinsan at ginawaran ang mga ito ng isang nagpapaintinding tingin. Then, she walked out from the kitchen.
Ang totoo ay nais niya munang dumistansiya mula sa kanyang Tatay Reynaldo. Alam niya na walang patutunguhan kung magkasama silang dalawa. Walang mangyayari kung magkalapit sila nito.
Naglakad na siya patungo sa may entrada ng kusina nang muli ay marinig niya na magsalita ang asawa ng kanyang ina.
"Huwag kang tumuloy sa may niyugan. Kasalukuyang nagkokopra roon at makakaistorbo ka lang," paasik nitong saad sa kanya bago naglakad pabalik sa loob ng pinakakusina. Sa wari niya ay titingnan nito ang nakasalang roon.
Saglit siyang naitulos sa kanyang kinatatayuan. Ilang minuto din na prinoseso ng kanyang isipan ang mga sinabi nito. Hanggang sa mayamaya ay marahan na naglakad palapit sa kanya si Gino at kunwa'y bumulong.
"Huwag ka raw pupunta sa may niyugan. Alam mong basta lang nagbabagsak ang mga trabahador ng bunga ng niyog kapag ganitong panahon ng pagkokopra. Baka ka raw mahulugan," nakangiting wika sa kanya ng pinsan niya.
Sumilay ang isang tipid na ngiti mula sa kanyang mga labi. Hindi man tuwiran ngunit parang gusto niyang isipin na ganoon nga ang ibig sabihin ng kanyang amain.
Somehow, she wanted to believe na ganoon nga ang ibig nitong ipahiwatig. Na kahit papaano ay may malasakit din talaga ito sa kanya.
*****
MULA sa kanilang bahay ay natagpuan ni Bettina ang kanyang sarili na naglalakad patungo sa may koral ng mga kabayo. Sa loob ng ilang taong panunuluyan niya sa lupain ng mga Olvidares ay makailang ulit na rin siyang nakapunta sa parteng iyon ng rancho.
Nang tumulong siya sa pamamasukan roon ng kanyang Lola Corazon ay madalas niyang akuin ang pagdala ng tanghalian para sa mga tauhan ng rancho. Isang rason ay dahil gustong-gusto niyang makita ang mga ito sa pag-aalagang ginagawa sa mga kabayo. Kaya naman kapag may pagkakataon ay siya ang nagdadala ng pagkain sa kwadra para sa mga tauhan ng Rancho Olvidares.
Minsan na rin siyang nakakita ng pinapaanak na kabayo. Those are some of the experience that she really loved as she was staying on that ranch. Iyon din ang ilan sa mga pagkakataon na nagpapalimot sa kanya sa kung paano siya tratuhin ng kanyang Tatay Reynaldo.
Somehow, she enjoyed staying at Olvidares' house rather than staying at her parent's house.
Marahan siyang napatingala sa kalangitan. Maaliwalas iyon at kulay asul na asul. Kabaligtaran iyon ng pag-uulap sa kanyang dibdib. Kabaligtaran iyon sa kaguluhan na nananahay sa kanyang puso.
Labis siyang nasasaktan sa pagkawala ng kanyang Lola Corazon at higit pa na nadadagdagan ang sakit na kanyang nadarama dahil sa kaalaman na hindi pa rin maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ng kanyang Tatay Reynaldo.
Pakiramdam niya ay mas tumaas pa ang pader na pumapagitna sa kanilang dalawa dahil sa kanyang pag-alis. Kung alam lang ng kanyang amain ang tunay na dahilan.
Totoo na nais niya rin makilala ang kanyang totoong ama. She would not deny that. Nang malaman niya na hindi si Reynaldo ang totoo niyang ama ay hiniling niya sa kanyang ina na ipaalam sa kanya ang lahat ng impormasyon tungkol sa biological niyang ama. And Romina did.
She wanted to meet Emmanuel ever since she learned about him. Naging dahilan lamang ang mga nangyari sa kanila ni Luis upang tuluyan niyang puntahan sa Quezon City ang totoo niyang ama.
But it was never true that she chose to live with Emmanuel because of the luxury that he could give to her. Hindi totoong ang maalwan na buhay ang pinili niya. She was so contented with her life in San Sebastian with her Lola Corazon. Kung tutuusin ay kaya niyang mamalagi at mamuhay nang simple sa lugar na iyon.
But one thing made her decide to leave. Isang bagay ang nangyari na naging dahilan para piliin niya ang iwan ang lugar na iyon, ang iwan ang kanyang abuela at naging dahilan para pilitin niyang hanapin ang kanyang ama.
Isang bagay... Isang bagay iyon na hanggang sa mga sandaling iyon ay baon niya pa rin sa kanyang isipan.... at kanyang puso.
"Bettina..."
Agad siyang napaigtad nang mula sa kung saan ay marinig niya ang tinig ng lalaking siyang kasalukuyang laman ng kanyang isipan--- si Luis.
Naglalakad ito palapit sa kanya habang ang mga mata ay mataman na nakatitig sa kanyang mukha. Nakatayo si Bettina malapit sa kahoy na siyang nagsisilbing bakod ng malawak na koral ng mga hayop sa Rancho Olvidares.
Sa kanyang tabi mismo tumigil si Luis nang makalapit ito. "Ano ang ginagawa mo dito nang mag-isa?"
Ipinatong muna ni Bettina ang kanyang dalawang siko sa bakod ng koral bago sinagot ang binata. "Naglakad-lakad lang, Luis."
"Nakita ko ang pagtungo mo rito. I followed you," pag-amin nito sa kanya.
Marahas siyang napalingon dito. Sa kanyang ginawa ay agad niyang nasalubong ang mga mata ng binata. Hindi niya alam kung bakit binabalot siya ng kakaibang damdamin sa tuwing napapalapit sila nito.
"I am not into eavesdropping. Pumunta ako sa inyo para ihatid ang munting nalikom ng mga tauhan mula sa Rancho Estrella para sa pagkawala ni Nana Corazon. Balak ko sanang iabot iyon kay Mang Reynaldo. Hindi ko sinasadyang marinig ang palitan ninyo ng usapan sa may kusina."
Hindi siya nakaapuhap ng isasagot dito. Ang totoo ay hindi niya ito napansin kanina. Marahil ay dahil na rin sa labis niyang kagustuhan na makalayo agad sa kanyang Tatay Reynaldo.
"I am sorry kung narinig mo pa ang---"
"Alam mo na walang kailangan ihingi ng tawad sa akin. Halos isang pamilya na rin ang mga taga-rancho Olvidares at Rancho Estrella mula nang ikasal sina Vincent at Ysabella."
Agad siyang napalunok nang marinig niya ang mga sinabi nito. Ano na nga ba ang nararamdaman nito ngayong ilang taon nang kasal sina Vincent at Ysabella? Nasasaktan pa rin ba ito? May nadarama pa kaya ito para sa kababata?
Hindi ba at sa kanya ito naglabas ng sama ng loob nang malaman na engaged na ang dalawa? Na matiyaga siyang nakikinig sa hinanakit nito habang nadudurog naman ang puso niya sa kaalaman na may pagtingin ito kay Ysabella?
What now? Ganoon pa rin kaya ang nadarama nito?
"Sanay na ako sa pakikitungo ni Tatay. Ganoon talaga kami," katwiran niya dito habang pilit na iwinawaksi ang mga katanungan sa kanyang isipan.
"Care to tell me about it?" wika nito sa kanya.
"Ang alin?" pagmamaang-maangan niya pa dito.
"Ang tungkol sa pamilya mo."
"It would never interest you, Luis." Kailan nga ba ito naging interesado sa kanya?
Tumanaw pa muna ito sa loob ng koral kahit pa wala namang hayop sa loob niyon. Doon ito nakatingin nang magsalita muli.
"Naging magkaibigan din naman tayo noon, hindi ba? Hindi mo ba magagawang sabihin sa akin ang kung ano man ang nakapagpapabigat sa kalooban mo?"
Kaibigan--- yeah. Iyon lang naman ang talagang tingin nito sa kanya noon.
"Luis---"
Hindi niya naituloy ang nais sanang sabihin dito nang muling magsalita ang binata. Sa kanya na ito nakatingin sa pagkakataon na iyon. "You can open up to me, Bettina. Makikinig ako... katulad nang kung paano mo pinakinggan noon ang paglabas ko ng sama ng loob."
She gasped as she heard what he has said. Naaalala pa nito ang gabing iyon? Ang gabing naglasing ito nang malaman na ikakasal na si Ysabella? Ang gabing naglabas ito ng hinanakit sa kanya?
So, he remembers that night. Hindi ba at iyon din ang gabing may nangyari sa kanila? Pati kaya iyon ay naalala din ng binata?
"Bettina...." untag nito sa pananahimik niya.
She swallowed hard. Hindi niya alam kung bakit nanubig ang kanyang mga mata. For sure it was not because of what is happening between her and her Tatay Reynaldo. Rather it was because of what happened before between her and Luis.