"Bettina..." untag ni Luis sa pananahimik niya. Sa kanya nakatutok ang mga mata nito. She was not sure if he saw the tears in her eyes. Kung oo man, baka ang inaakala nito ay ang pinagdadaanan niyang problema sa kanyang pamilya ang dahilan.
He would never know na ang dahilan ng panunubig ng kanyang mga mata ay ang mga nangyari sa kanila noon. Hindi na niya nais na malaman pa nitong hanggang sa ngayon ay iniinda pa niya ang sakit sa kanyang dibdib dulot ng gabing namagitan sa kanilang dalawa.
Pagak siyang natawa dahil sa mga naisip. Pilit niyang pinatatag ang kanyang sarili sa harap ng binata bago muling nagsalita.
"Wala naman kailangan sabihin, Luis," saad niya dito. "Ang mga nangyari sa pamilya ko ay halos naging isang bukas na aklat na sa lahat. At alam ko na alam mo ang kwento tungkol roon, tungkol sa nanay ko."
Narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntong-hininga. "Siguro nga, Bettina. Pero lagi na ay may iba't ibang bersyon ang mga kwento at nais ko---"
"Hindi natin kailangan pag-usapan ang tungkol dito," putol niya sa mga sinasabi pa sana nito.
It is true. Hindi niya nais na pag-usapan pa ang tungkol sa iskandalong nangyari sa kanyang pamilya. As much as possible, she wanted it to be private. Hindi dahil sa nahihiya siya sa lahat. Ngunit para kay Bettina, ang ganoong mga bagay ay dapat na sa pagitan na lamang niya at ng kanyang mga kapamilya.
Hindi nakapagsalita si Luis. Mataman lamang itong nakatitig sa kanyang mukha. Wari pa ay tinitimbang nito ang saloobin niya.
Nang manatili itong tahimik ay tumayo na si Bettina nang tuwid at nagpaalam na dito. "Babalik na ako sa bahay. Marami ang kailangan gawin para sa libing mamaya ni Lola Corazon."
Akmang pipihit na siya paalis nang muli ay marinig niya ang tinig ni Luis. He spoke so seriously. His words were spoken with so much firmness that it made her looked up at him again.
"Kung hindi mo nais magkwento ng tungkol sa pamilya mo, bakit hindi na lang ang tungkol sa nangyari sa ating dalawa ang pag-usapan natin, Bettina?"
Agad umusbong ang kakaibang kaba mula sa kanyang dibdib nang marinig niya ang mga sinabi nito. She can't help it. Iyon ang pinakainiiwasan niya sa kanyang pag-uwi sa bayan ng San Sebastian. Iniiwasan niya na muling mabuksan ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya nais pag-usapan. Hindi niya nais na maungkat pa.
"Ano ang kailangan pag-usapan, Luis? Walang---"
"Nakainom ako noon, Bettina. Pero alam ko na may nangyari sa ating dalawa," wika nito sa kanya sa matatag na tinig
Alam nito? Alam din kaya nito na ibang pangalan ang binabanggit nito habang inaangkin siya? Does he also know that she almost die that night because, after everything that they have shared, another woman's name slipped out from his lips? Alam din ba nito iyon?
"Para saan pa ang pag-uusap natin tungkol diyan, Luis? It has been six years since then. Ang dami nang nangyari."
Bettina almost wanted to praise herself. She wanted to break down. God knows, she wanted to. Pero heto siya at nakatayo pa rin sa harap ng lalaking labis na nanakit sa kanyang damdamin. She can still manage to answer him and talk to him. Kung saan niya nakukuha ang lakas ng loob para gawin iyon ay hindi niya rin alam.
"You were so young when it happened. Bettina, I am---"
"Don't, Luis," awat niya sa mga nais pa sana nitong sabihin. "Don't say sorry."
She said the last sentence in a barest whisper. Hindi niya yata kakayanin kung maririnig niya na humihingi ito ng patawad. Was he sorry because he was regretting that it happened? Humihingi ba ito ng tawad dahil hindi nito sinasadya ang mga nangyari? Ganoon ba talaga ito kawalang gusto sa kanya?
"Bettina, that was not what I wanted to say---"
"Kailangan ko nang umuwi."
Magkapanabay silang nagsalita ng binata. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang mga sasabihin pa nito. Hanggang maaari ay nais niyang maglagay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa ni Luis.
Iyon naman ang gusto niya. Ang plano niya ay makabalik din agad sa Quezon City. Isang rason ay dahil kay Jaime. But more than that, hindi niya kayang tagalan ang presensiya ni Luis sa araw-araw.
Agad na siyang pumihit pabalik sa kanilang bahay. Medyo may distansiya na iyon mula sa koral ng mga hayop ng mga Olvidares. Sa lalim ng iniisip niya kanina ay hindi na niya namalayan pa ang kanyang paglalakad.
Ni hindi na siya lumingon pa sa direksiyon ni Luis kahit pa narinig niya itong tumawag sa kanyang pangalan. It was as if a devil was after her that she walked so fast just to be away from him.
Pagdating ng bahay ay inabala na lamang niya ang kanyang sarili sa pagtulong sa mga kailangan gawin para sa libing ng kanyang abuela. Naghanda sila ng meryenda para sa mga makikidalamhati sa kanilang pamilya. Iyon ay kahit pa halos hindi rin siya makakilos nang maayos dahil sa malamig na pakikitungo ng kanyang Tatay Reynaldo sa kanya.
Nang dalhin nila sa huling hantungan ang kanyang Lola Corazon ay bumuhos ang emosyon ng mga tao. Maging siya ay hindi maiwasan ang pag-iyak dahil sa kaalaman na hindi na niya kailanman makikita pa ang taong siyang kasa-kasama niya noon.
Her Lola Corazon was there when she needed her the most. Ito na ang tumayong magulang niya mula nang mawala ang kanyang ina. Somehow, she wanted to think that she lived longer because of her.
Alam niya na iniisip nito ang kanyang kapakanan lagi, lalo pa at hindi kailanman naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang Tatay Reynaldo. Iyon din ang nakikita niyang rason kung bakit nang mawala ang kanyang ina ay nagpasya itong isama siya na manirahan na lamang sa bahay ng mga Olvidares.
Gusto niyang isipin na ngayon ay panatag na kahit papaano ang isipan ng kanyang abuela sa kaalaman na nasa poder na siya ng kanyang totoong ama.
Hindi niya lang maiwasan na manghinayang. Sana man lang ay naipakilala niya dito ang kanyang anak. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nito na nagkaanak siya sa murang edad. And how she wished na sana ay nagkaroon ng pagkakataon si Jaime na makilala ang kanyang Lola Corazon.
Bandang alas-singko na ng hapon nang unti-unti ay magpaalam ang mga taong nakiramay sa kanila. Naiwan na lamang ang dalawa niyang pinsan na sina Claudette at Gino na tumulong sa pagligpit ng mga pinagkainan ng mga tao. Naroon pa din ang dalawang matandang babae na tauhan ng mga Olvidares upang tulungan din sila. Ang kanyang Kuya Ricky ay nagtungo sa bahay ng mga Olvidares upang ibalik ang ilang monoblock chair na ginamit sa burol ng kanilang lola.
Nang matapos ang lahat ng gawain ay kinuha niya ang kanyang cell phone upang tawagan ang kanyang amang si Emmanuel. Naglakad siya ilang hakbang palayo mula sa kanilang bahay upang magkaroon ng distansiya mula sa mga taong naroon.
She wanted to talk privately to her son. Kaya naman naglakad siya patungo sa maliit na hardin na noon ay alaga ng kanyang inang si Romina. Maging ang kanyang Lola Corazon ay mahilig din sa mga namumulaklak na halaman.
Ilang hakbang din ang layo niyon mula sa entrada ng kanilang bahay. Doon ay binalingan niya ang kanyang cell phone at nagtipa ng numero. She dialled her father's number. Hindi pa natatagalan nang may sumagot sa kanyang tawag.
"Hi, pa," marahan niyang bati dito.
"How are you, hija?" tanong agad sa kanya ng nasa kabilang linya.
Alam ng kanyang ama na ngayon ang libing ng kanyang abuela. Naringgan niya pa ng pag-aalala ang tinig nito nang magtanong sa kanya. Alam niya na iniisip nito ang nararamdaman niya ngayong nailibing na ang kanyang Lola Corazon. Her father knew very well how much she loved her grandmother.
"I am fine, pa," saad niya dito.
Nagkaroon pa ng bara sa kanyang lalamunan nang sumagot sa kanyang ama. Deep inside ay alam niyang masakit pa rin ang pagkawala ng kanyang abuela. Para bang gusto niya pang isipin na panaginip lamang iyon at may tiyansa pa na magkita sila ng kanyang Lola Corazon.
"You are a strong woman, Bettina. Malalampasan mo rin iyan," pagbibigay ng lakas ng loob ni Emmanuel sa kanya.
Napangiti si Bettina dahil sa mga sinabi nito. "Si Jaime ho?" aniya dito. Pilit na niyang pinasigla ang kanyang tinig nang mabanggit ang pangalan ng kanyang anak.
Narinig niya mula sa kabilang linya ang marahan na pagtawag ng kanyang ama sa kanyang anak. She even heard her father telling Jaime to be careful and just walk. Marahil ay napatakbo si Jaime sa lolo nito nang malaman na nasa telepono siya.
"Mommy!" masiglang bati sa kanya ni Jaime. Bakas sa tinig nito ang saya at excitement nang makausap siya. "When are you coming home?"
"Baka sa susunod na araw pa, love," wika niya dito.
"Why not now?" tanong nito sa inosenteng tinig. Halos nakikinita niya pa ang pagsimangot ng mukha nito.
Marahan na natawa si Bettina dahil sa tinuran ng kanyang anak. "May kailangan lang akong ayusin pa. Maybe by Saturday ay nariyan na ako."
"I miss you, mom."
"I miss you more, love. I love you so much. You know that, don't you?"
Malakas na napaigtad si Bettina nang marinig niya ang marahas na pagbagsak ng kung ano sa kanyang likuran. Nang pumihit siya upang tingnan iyon ay nakita niya si Luis na nakatayo ilang dipa mula sa kanya.
Sa paanan nito ay naroon ang ilang bunga ng niyog at ilang buko na sa hinuha niya ay ang siyang sanhi ng ingay na kanyang narinig kanina. Marahil ay pabalya nitong ibinaba ang mga bunga sa may paanan nito.
Then, Luis turned to look at her. Nasa mukha nito ang isang emosyon na hindi niya magawang bigyan ng pangalan. Kung ano man ang iniisip nito ay wala siyang ideya.
Hindi mahirap hulaan na narinig nito ang pakikipag-usap niya sa kanyang cell phone. Ilang hakbang lamang ang distansiya nito mula sa kanya at hindi na siya magtataka kung narinig man nito ang mga sinabi niya sa kanyang anak.
Nang muli ay binalingan niya ang kanyang kausap at agad na rin na nagpaalam sa mga ito.
""Hello, Jaime. I will just call you later," masuyo niyang saad sa kanyang anak.
"But, mom---"
"I will see you on Saturday, okay? I love you." Hindi na niya ito hinintay pa na makatugon. Agad na rin niyang pinutol ang tawag at ibinaba na ang kanyang cell phone.
Then, she looked at Luis again. She swallowed an imaginary lump on her throat before she decided to walk towards their house. Wala siyang ibang dadaanan kung hindi ang kinatatayuan ng binata. Gustuhin niya man na umiwas dito ay wala siyang pagpipilian kung hindi ang dumaan sa harap ng lalaking siyang gumugulo sa isipan niya.
Lakas-loob na humakbang siya palapit dito para makabalik na sa kanilang bahay. Hustong nasa tapat na siya nito nang magsalita ang binata dahilan para matigilan siya.
"So, his name is Jaime?"
Agad ang pag-ahon ng kaba sa kanyang dibdib kasabay ng paglingon niya dito. "W-What... What do you mean?"
"A boyfriend? Kaya ba sa loob ng ilang taon ay ngayon ka lamang nakabalik sa San Sebastian?"