May ilang saglit din na hindi nakagalaw si Bettina. Naroon lamang siya at nakatayo habang nakapaloob pa rin sa mga bisig ni Luis. She wanted to savour that moment--- her inside his arms. Hindi niya mawari kung bakit ang sarap sa pakiramdam na mayakap nito. Nang umpisa ay nag-alangan pa siyang lumapit kay Luis. Gusto niya pang isipin na baka nakaringgan niya lamang ang mga sinabi nito kanina. But his waiting arms and the longing in his voice made her walked towards him. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na humahakbang palapit sa binata. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang mga labi ni Luis sa tuktok ng kanyang ulo. Doon ay ginawaran siya ng binata ng isang banayad na halik. Out of instinct, Bettina raised her head to look at him. Gusto niya pang pagsisihan ang kanyang ginawa sapa