"L-Luis..." sambit ni Bettina habang nakatitig kay Luis. Unti-unti ay humakbang pa ang binata upang tuluyang makalapit sa kinaroroonan nila. Ang mga mata nito ay mariin pa rin na nakatunghay kay James. Nasa mga mata nito ang galit at ni hindi man lamang iyon itinago ng binata. "Ano ba ang karapatan mo para mangialam sa usapan namin? Huh, Salvador? Dahil ba sa ikaw ang totoong ama ni Jaime?" paasik na wika ni James dito. Then, in a very sarcastic way, James added, "Baka nakakalimutan mo na ako ang kasintahan ni Bettina? Nakaraan ka lang niya, Salvador." "Siguro ay kailangan kong itama ang mga sinabi mo, Attorney. As far as I have heard a while ago, Bettina wants to break up with you. Dating kasintahan ang mas tamang termino, hindi ba?" "Damn you!" James hissed at him. Akmang hahakbang