Pasado alas-kwatro pa lamang ng hapon nang magpasya si Bettina na umuwi na mula sa kanilang restaurant. Sinadya niyang tapusin ang lahat ng mga kailangan niyang gawin sa Villamor Italian Cuisine upang makauwi siya agad at magkaroon pa ng oras para sa kanyang anak. Bakasyon na at wala nang pasok sa eskwela sina Jaime. Madalas ay naglalaan sila ng oras para mamasyal kapag ganitong bakante na ang kanyang anak sa mga gawain sa paaralan. Ngunit dahil sa kasong kinasangkutan ni Luis ay ilang araw din na hindi niya naka-bonding ang kanyang anak. Kaya naman ngayon ay siniguro ni Bettina na maaga siyang makakauwi mula sa kanyang trabaho. Ipinarada niya ang kanyang sariling sasakyan sa loob ng kanilang bakuran. Bago lumabas sa kanyang kotse ay kinuha niya muna ang supot ng pagkain na nasa may pass