Hawak ni Bettina ang isang kamay ng kanyang anak habang naglalakad sila sa may dalampasigan. Hinahayaan lamang nila na abutin ng mumunting alon ang kanilang mga paa. Si Jaime ay maya't maya ang hagikhik kapag naaabutan ito ng tubig-dagat. Hindi niya maiwasang sabayan ang marahan nitong pagtawa. Masaya siyang makita na masaya rin si Jaime. At alam niya ang rason kung bakit ganito na lamang kaligaya ang kanyang anak. Bihira lamang sila makalabas ng katulad ngayon. Madalas kasi ay abala siya sa trabaho sa pag-aari nilang restaurant. At kahit nang mga pagkakataon na iginigiit ni Jaime na dalhin niya ito sa San Sebastian ay talagang tumatanggi siya. Maraming bagay ang idinadahilan niya dito. Kaya naman ngayon na nakalabas ito ng Kamaynilaan ay talagang umaapaw ang saya ng bata--- saya na sad