Ilang segundo muna ang lumipas bago nakahuma sa kanyang kinatatayuan si Bettina. Gusto niyang isipin na nakaringgan lamang niya ang paasik sa tinig ni Luis. Ngunit nang titigan niya si Luis sa mukha nito ay nasilip niya ang yamot na ekspresyon sa mga mata ng binata. Inakala nito na kasintahan niya ang kanyang kausap? Si Jaime, ang kanyang anak? Iyon ba ang akala nito? Napatuwid siya ng kanyang tayo at matapang na sinalubong ang mga titig nito. Halos gusto niya rin mainis sa nais nitong ipakahulugan sa mga sinabi kanina, na ngayon lamang siya nakauwi ng San Sebastian dahil sa pakikipagrelasyon niya sa ibang lalaki sa Manila. "It is none of your business, Luis," wika niya dito sa mahinang tinig. "So, it is true. Kasintahan mo nga ang kausap mo kanina," saad nito sa kanya. Hindi siya aga