FEW YEARS AGO: Malungkot na nakatanaw lamang sa kawalan si Bettina. Kasalukuyan siyang nakaupo sa may kawayang bangko na nakalagay sa harapan ng mismong bahay nila. Kanina lamang nang ihatid nila sa huling hantungan ang kanyang ina na si Romina. Nitong mga huling buwan ay tuluyan na ngang humina ang katawan ni Romina dahil sa sakit na tuberculosis na naging sanhi ng maaga nitong pagkawala sa kanila. Hanggang nang mga oras na iyon ay hindi pa rin matanggap ng kanyang isipan na wala na ito, na kailan man ay hindi na niya ito makikita pang muli. She heaved out a deep sigh. She was only fifteen years old, ngunit hayun at ulila na sa kanyang ina. Hindi niya maiwasang makadama ng labis na kalungkutan lalo pa at kamakailan lamang nang malaman niya na hindi niya pala totoong ama ang asawa ng k