CHAPTER 2

1702 Words
Maagang gumayak si Bettina upang umalis patungo sa bayan ng San Sebastian. Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na siya at handa na sa kanyang pag-alis. Dala niya ang kanyang sariling sasakyan at nagpasya na magmaneho na lamang pauwi sa kanilang probinsiya--- bagay na mariing tinutulan ng kanyang ama. Ayon dito ay hindi ito mapapanatag na magmamaneho siya nang mag-isa patungo sa malayong lugar, lalo pa at ang San Sebastian ay halos ilang oras din na biyahe mula sa bahay nila sa may Quezon City. But Bettina assured her father that it would be fine. Matapos niyang manganak kay Jaime noon ay pumasok siya sa driving lesson at natuto agad na magmaneho. Sa mga taon na nasa kolehiyo siya ay personal siyang nagmamaneho patungo sa unibersidad na pinapasukan niya. Kahit ngayong nagtatrabaho na siya sa restaurant na pag-aari nito, maliban na lang nitong mga panahon na kasintahan na niya si James sapagkat hatid-sundo na siya ng kanyang nobyo. Sa kabila ng pag-aalala ng kanyang ama ay natuloy pa rin ang kanyang pag-alis. Halos bilang lamang ang mga damit na dala ni Bettina. Isang rason ay hindi niya nais magtagal sa kanilang probinsiya dahil na rin sa kanyang anak. Hindi siya sanay na mawalay dito. Hangga't maaari ay nais niya itong makasama lagi. But Bettina knew better why she does not want to stay longer at San Sebastian. Hindi niya nais na magtagpo muli ang landas nila ng totoong ama ni Jaime. Bagay na hindi malayong mangyari sapagkat magkadikit lamang ang mga rancho na pinagtatrabahuan ng kanilang mga pamilya. Dahil sa pahinto-hinto niyang pagmamaneho ay pasado ala-una na ng hapon nakarating si Bettina sa bayan ng San Sebastian. Samu't saring emosyon ang bumalot sa kanya nang makapasok ang sasakyan na kanyang minamaneho sa naturang bayan. Maraming alaala ang unti-unti ay bumalik sa kanyang isipan dahil sa pag-uwi niyang iyon--- ang kanyang kabataan, ang mga panahong kapiling niya pa ang kanyang ina, ang malamig na pakikitungo sa kanya ng kanyang Tatay Reynaldo na halos kinalakhan na niya, ang masasayang araw na kapiling niya ang kanyang Lola Corazon. At higit sa lahat ay ang mga nangyari sa kanila ni Luis. Agad siyang napalunok nang muli ay maalala niya ang gabing iyon. That was the most unforgettable night of her life. Iyon ang gabing sa unang pagkakataon ay ipinagkaloob niya ang kanyang sarili sa isang lalaki--- lalaking kanyang iniibig. But at the same time, that was the most heartbreaking night of her life. Ipinagkaloob niya ang kanyang sarili sa lalaking inaangkin siya ngunit ibang babae ang nasa puso at isipan. Hindi niya kayang kalimutan ang sakit na nadama niya nang matapos ang lahat ay ibang pangalan ang namutawi mula sa bibig nito. Labis siyang nasaktan nang malaman na ibang babae ang nakikita nito habang ang katawan niya ang inaangkin ng binata. That maybe he was thinking someone else while she was the one under him. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago hinamig nang marahan ang kanyang sarili. Pilit niyang iwinaksi ang mga bagay na bigla ay pumasok sa kanyang isipan. Hindi siya nagtungo sa lugar na iyon upang balikan pa ang mga nangyari sa nakaraan. She has a new life. She has moved on. Dapat na niya iyon ibaon sa limot. Pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang kanyang pagmamaneho. Mayamaya pa ay tinatalunton na ng kanyang sasakyan ang daan na patungo sa dalawang magkatabing lupain--- ang Rancho Estrella at ang Rancho Olvidares. Isang pribadong daan iyon na tanging sa dalawang rancho lamang ang tungo. Walang pumapasok na sasakyan doon kung hindi lang din sa dalawang lupain ang sadya. Malapit na siyang makarating sa parte kung saan nagsasanga ang kalsada--- ang kaliwa ay patungo sa Rancho Olvidares at ang kanan naman ay patungo sa lupain kung saan namamasukan ang pamilya ni Luis. Just when she was about to turn her car to the left, her wheels bumped into something. Agad niyang nakabig ang manibela ng kanyang kotse at itinabi iyon sa daan. Pinatay niya ang makina at saka marahan na bumaba ng kanyang sasakyan. Naglakad si Bettina patungo sa unahang parte ng kanyang sasakyan at sinilip ang mga gulong niyon sa harapan. Agad siyang nanlumo nang makitang flat ang kaliwang gulong nito sa unahan. "What the---" aniya sa nadidismayang tono. Agad niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid sa pag-asam na baka may makita siyang maaaring mahingan ng tulong. Naglakad pa siya sa parte kung saan dumaan ang kanyang kotse at inalam kung ano ba ang nataman ng kanyang gulong. She saw rusted nails on the way. Nakakabit ang mga iyon sa katamtamang laking kahoy na sa wari niya ay nagmula sa tinanggal na parte ng isang bahay. Sa kabila ng kalawangin na ang mga iyon ay may tulis pa rin dahilan para mabutas ang kanyang gulong nang tamaan ang mga iyon. She heaved out a deep sigh. Kung tutuusin ay malapit na lamang doon ang Rancho Olvidares. Sa loob ng mga lupain ng mga Olvidares nakatayo ang maliit na bahay ng kanyang abuela. Nang nabubuhay pa ang matandang Olvidares ay nagbigay ito ng kapirasong lupain sa matatagal nang katiwala ng rancho. At isa na nga roon ang kanyang abuela. Maaari na sana niyang lakarin ang patungo sa bahay nito ngunit hindi niya maiwan ang kanyang sasakyan. In the end, she tried calling her cousin, Gino. "Gino," aniya nang sinagot nito ang kanyang tawag. "Maaari mo ba akong puntahan dito sa bukana ng rancho?" Saglit siyang huminto sa pagsasalita upang pakinggan ang mga sinasabi nito. "Yes, nasiraan ang sasakyan ko... Okay, salamat, Gino." Binaba niya ang kanyang cell phone at matiyagang naghintay sa kanyang pinsan. Hindi pa naglipat sandali ay dumating ito sakay ng isang pick-up truck. Masaya itong sumalubong sa kanya at katulad niya ay nagagalak din itong nagkita silang muli. "Kumusta, Bettina? Ilang taon din tayong hindi nagkita," masaya nitong saad sa kanya. Hindi rin naitago sa kanyang mukha ang kagalakan na makita ito. Nang kabataan niya ay isa ito sa pinakamalapit sa kanya. Mas malapit pa siya dito kumpara sa kanyang kapatid na si Ricky. Matapos magkumustahan ay sinuri nito ang kanyang sasakyan. "May malapit na talyer dito. Ako na lang ang bahala sa sasakyan mo," suhestiyon pa nito sa kanya. "Maraming salamat, Gino," nakangiti niyang wika dito. "Lalakarin ko na lang ang---" Agad siyang nahinto sa kanyang pagsasalita nang mamataan ang isang paparating na sasakyan. Isa iyong owner-type jeep na patungo sa kanilang kinaroroonan. Sabay pa silang napalingon ni Gino sa bagong dating na sasakyan na sa wari ay sa Rancho Olvidares din ang tungo. Tumigil iyon sa harap mismo ng kanyang kotse at halos mapigil ni Bettina ang kanyang hininga nang mapagsino niya ang lalaking sakay niyon. "Gino, may problema ba sa sasakyan---" Ang pagsasalita nito ay agad ding natigil nang mapabaling sa kanya ang mga mata nito. Those darks eyes that she wished would look at her with so much love. Yaong mga mata na sa maraming pagkakataon ay hinihiling niyang mapansin din siya. Si Luis--- ang lalaking sa paglipas ng maraming taon ay umuokopa pa rin sa kanyang puso. Sa loob ng ilang saglit ay naroon lamang sila, kapwa nakatitig sa isa't isa. Hindi pa nakaligtas sa kanyang mga mata ang pagkagulat na rumihestro sa mukha nito nang makilala siya. Hanggang sa mayamaya ay bumaba ito sa owner at lumapit sa kanila ni Gino. Naglalakad ito habang ang mga mata ay nanatiling nakahinang sa kanyang mukha. "Nasiraan lang ng gulong ang sasakyan ni Bettina, Luis," basag ni Gino sa katahimikan. Duda pa siya kung napansin ng kanyang pinsan ang nakaiilang na tagpo sa kanilang dalawa ng binata. Napalingon si Luis sa itinuro ng kanyang pinsan bago muli ay humarap sa kanya. "Nakikiramay ako," sinsero nitong wika sa kanya. Hindi makaapuhap ng isasagot si Bettina dito. After everything that happened between them, paano nga ba dapat kumilos sa harap nito? Paano nga ba siya makikipag-usap dito? Dahil sa walang mahagilap na sasabihin sa binata ay isang tipid na ngiti na lamang ang iginanti ni Bettina dito. "Dadalhin ko na lang ito sa talyer," muling wika ni Gino bago hinarap si Luis. "Patungo ka ba sa Rancho Olvidares, Luis?" "Oo, balak kong dumaan sa burol ni Nana Corazon," anito sabay sulyap sa kanya. "Dumating din sina Ysabella at Vincent kanina galing sa Manila. Balak ko din sanang kumustahin." "Sakto," saad ni Gino. "Isabay mo na lamang si Bettina at nang makatuloy na ako sa talyer." Agad nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa naging suhestiyon ng kanyang pinsan. Napatayo siya nang tuwid at hinarap ang mga ito. "H-Hindi... Hindi na kailangan," wika niya sa nauutal na tinig. "Malapit na lang din naman. Maglalakad na lang ako." "Patungo din naman doon si Luis, Bettina. Maigi pang sumabay ka na lamang." "Nakakahiya lang, Gino. At saka, baka nakakaistorbo---" "I won't mind, Bettina," agap sa kanya ng binata. Napatitig pa siya sa mukha ni Luis nang mabanggit nito ang kanyang pangalan, bagay na sana ay nagawa din nito nang gabing iyon. "Tama si Gino," patuloy pa ni Luis sa pagsasalita. "Doon din naman ang sadya ko. Mas maigi pa kung sasabay ka na lang sa akin." Hindi pa man siya nakakasagot ay naglakad na si Gino patungo sa kanyang sasakyan upang kunin ang kanyang mga gamit sa backseat niyon. Marahan nitong inilagay ang mga iyon sa likod ng owner-type jeep ni Luis. "Ako na ang bahala sa sasakyan mo, Bettina. Sumama ka na kay Luis at nang makapagpahinga ka na rin," saad ng kanyang pinsan sa kanya. Wala nang nagawa pa si Bettina kung hindi ang umayon na lamang sa mga ito. Alam niya na magtataka si Gino kung ipipilit niya pang tanggihan ang pagsama kay Luis. Wala itong alam sa namagitan sa kanilang dalawa ng binata noon. Kaya naman sa huli ay naglakad na rin siya palapit sa sasakyan ni Luis. Alam niyang nakasunod pa ang mga mata nito sa kanya habang lumalapit siya patungo sa sasakyan nito. Hindi niya maiwasang magpakawala ng isang buntong-hininga. Ito ang bagay na kinakatakot niya sa kanyang pag-uwi sa bayan ng San Sebastian--- ang muling mag-krus ang kanilang mga landas ni Luis. Paano niya pa ito maiiwasan gayong sa unang araw niya pa lamang sa lugar na iyon ay nagtagpo na silang muli?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD