CHAPTER 1

1683 Words
"Sigurado ka na ba sa pasya mo, anak?" tanong ni Emmanuel kay Bettina, isang hapon habang nasa may hardin sila ng bahay nito. "I do not have a choice, papa," magalang na tugon ni Bettina dito. "Kailangan ko na umuwi ng San Sebastian para kay Lola Corazon." Muli ay nagkaroon ng lungkot ang kanyang tinig nang mabanggit niya ang pangalan ng kanyang abuela. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang pinsan na si Gino at ibinalita nito sa kanya ang isa sa pinakamasamang balitang kanyang narinig sa buong buhay niya--- her Lola Corazon died because of heart attack just yesterday afternoon. Corazon Garcia is her grandmother from her mother side. Nakatira ito sa San Sebastian, isang maliit na bayan na matatagpuan lamang sa probinsya ng Quezon. Katunayan ay sa kanyang Lola Corazon siya lumaki hanggang sa tumuntong siya sa gulang na labing-walo. Dahilan iyon para maging lubos na malapit siya dito. When she turned eighteen years old, she decided to go to Manila and looked for her biological father, Emmanuel. Bagay na hindi naman siya nahirapan gawin sapagkat bago pa man mamatay ang kanyang ina ay sinabi na nito sa kanya ang totoo--- ang totoo tungkol sa kanyang ama at kung saan ito matatagpuan. And when she met Emmanuel for the very first time in her life ay hindi siya nahirapang ipakilala dito ang kanyang sarili, na siya ang anak nito kay Romina Garcia. Emmanuel believed her at once. Siguro ay dahil na rin sa para silang pinagbiyak na bunga ni Emmanuel at hindi maitatangging anak siya nito. Idagdag pa ang katotohanan na alam nitong may anak ito sa kanyang ina na si Romina. Simula nang magkita silang mag-ama ay sa poder na ni Emmannuel siya nanirahan. Sa tulong na rin nito ay naipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at ngayon nga ay nakapagtapos na. Everything was going smoothly in her life. May trabaho siya at natutustusan niya ang pangangailangan nila ng kanyang anak na si Jaime. Until she learned about what happened to her Lola Corazon. Labis siyang nasasaktan sa kaalamang wala na ito. Hindi niya matanggap na tuluyan na itong namaalam. At halos kainin pa siya ng labis na usig ng kanyang konsensiya sapagkat mula nang umalis siya ng bayan ng San Sebastian at magtungo sa Manila ay hindi pa siya kailan man nakauwi sa kanilang probinsiya. And that was six years ago. Anim na taon siyang hindi umuwi ng San Sebastian. Anim na taon niyang hindi nakita ang kanyang Lola Corazon. At ngayon ay mababalitaan niyang wala na ito. Wala na ang taong siyang nagpalaki sa kanya at nakasama niya ng ilang taon sa buhay niya. Napatingala si Bettina upang pigilan ang mga luhang gusto na namang kumawala mula sa kanyang mga mata. Kagabi pa siya umiiyak mula nang matanggap niya ang tawag ni Gino ngunit wari ba ay hindi maubos-ubos ang kanyang mga luha sa tuwing naaalala niya pa rin ang kanyang abuela. She loves her so much. At hindi niya matanggap na wala na ito ngayon. "Sigurado ka ba na kaya mong magbiyahe nang mag-isa, hija?" nag-aalalang tanong ng kanyang ama. "Kaya ko, papa. Huwag ho kayong mag-alala. Ang hinihiling ko lang ay kayo na muna ang bahala kay Jaime habang wala ako rito," tukoy niya sa kanyang anim na taong gulang na anak. "Talaga ba na hindi mo siya isasama sa pag-uwi mo ng San Sebastian?" nananantiyang tanong ni Emmanuel sa kanya. "Ongoing ang kanilang pasok sa escuela. They have an exam next week, papa," tugon niya dito. "Iyon ba talaga ang dahilan mo? O iniiwas mo lamang si Jaime sa kanyang ama?" Marahas na nag-iwas ng mukha si Bettina sa kanyang ama. Itinuon niya ang kanyang mga mata sa mga namumulaklak na halaman sa kanilang hardin. Her eyes were on the plant but her mind was on her father's question. "Tama ako, Bettina. Hindi ba?" susog pa nito sa mga sinabi kanina. At sa muli ay hindi makuhang sumagot ni Bettina sa kanyang ama. Because the truth is, he was right. Kung tutuusin ay pwede niya namang isama si Jaime sa pag-uwi niya sa San Sebastian. Lola din nito ang kanyang Lola Corazon at siguro nga ay iyon na ang tamang pagkakataon para maiuwi niya ang kanyang anak sa bayan na kanyang kinalakihan. But she refused to do so. Hindi niya nais na gawin iyon. Hanggang maaari ay hindi niya gustong makarating si Jaime sa San Sebastian. At tama ang kanyang papa sa hinuha nito. Iyon nga ang kanyang rason. Oo, hindi niya gustong makita si Jaime ng totoong ama nito. Hanggang maaari ay hindi na niya nais pang magtagpo ang landas ng dalawa. Ang parteng iyon ng buhay niya ay isa nang saradong kabanata. Matagal nang natapos iyon. After six years, she has moved on. Matagal na niyang nakalimutan iyon. Nakabangon na siya at maayos na ang kanyang buhay. Maging si Jaime ay maayos naman ang kalagayan sa piling niya. Naibibigay niya ang lahat ng pangangailangan nito. Kaya para sa kanya ay wala ng dahilan para makilala pa nito ang totoo nitong ama--- ama na umpisa pa lang ay wala namang pakialam sa kanya. "Hanggang kailan mo itatago ang totoo kay Jaime, Bettina? Higit kanino man ay ikaw ang nakaaalam kung ano ang pakiramdam ng lumaking hindi agad nakilala ang tunay na ama. Huwag mong iparanas din iyon sa iyong anak," wika ni Emmanuel sa kanya. Muli ay namuo ang mga luha sa mga mata ni Bettina nang marinig niya ang nga sinabi ng kanyang ama. Luhang hindi na dahil sa pagdadalamhati niya sa pagkawala ng kanyang abuela, kung hindi dahil na sa pagkaalala niya sa mga nangyari sa nakaraan. It has been six years. She has moved on. Iyon ang pilit na isinisiksik niya sa kaibuturan ng kanyang isip. Ngunit bakit ngayong pinag-uusapan nila ng kanyang ama ang tungkol dito ay biglang bumabalik sa kanya ang sakit na nadama niya nang gabing iyon? Nakalimot na nga ba siya? O iyon lang ang nais niyang paniwalaan? "Kung hindi mo nais na isama ang iyong anak sa pag-uwi ng San Sebastian ay ikaw ang bahala," saad na ng kanyang ama nang mapansin nito ang pananahimik niya. Narinig niya pa ang malalim na buntong-hiningang pinakawalan nito. "Wala kang dapat ipangamba kung maiiwan man siya dito sa akin. Alam mo na hindi ko pababayaan ang aking apo." "I know, papa. And thank you so much," saad niya dito sa mahinang tinig. Isang ngiti pa ang iginawad niya dito. ***** "HINDI kita masasamahan sa pag-uwi mo sa inyong probinsiya. Gustuhin ko man ay kasalukuyang inuumpisahan na ang pagdinig sa kaso ni Mrs. Benitez," wika ni James kay Bettina. Ang Mrs. Benitez na tinutukoy nito ay ang bago nitong kliyente. James Sallena is a lawyer. Hindi na rin mga birong kaso ang nahawakan nito sa loob ng ilang taon nito sa propesyong iyon. Ang ilan ay walang kahirap-hirap nitong naipanalo. Aminado siya na magaling na abogado ang kanyang kaharap ngayon. Nakilala niya si James ilang buwan pa lamang mula nang una siyang dumating sa bahay ng kanyang totoong ama. Nag-aaral pa lamang ito ng abogasya nang mga panahong iyon. His father, Atty. Jesus Sallena, was her father's lawyer. At dahil sa magkakilala ang kanilang mga ama kaya nakilala niya rin ito. Una pa lang ay nagpakita na ito sa kanya ng interes. She knew that James likes her. Ni hindi man lang nito itinanggi iyon. That was despite the idea that she was pregnant with Jaime when she first met him. Ngunit hindi iyon alintana ng binata. Inamin nito sa kanya ang nararamdaman nito sa kabila ng katotohanang may anak na siya. At first, she refused to give him a chance. Una na ay dahil sa hindi siya nararapat para dito. James deserved someone better. Iyong dalaga pa at wala pang anak. Hindi katulad niya na disgrasyada sa murang edad pa lamang. But he was persistent. Pinatunayan nito na totoo ang nararamdaman nito para sa kanya. Hindi ito tumitigil sa panliligaw sa kanya kahit pa pinapahinto na niya ito noon. Ilang ulit na rin niya itong tinanggihan ngunit patuloy pa rin ito sa panunuyo sa kanya. And so Bettina tried to give him a chance. Tatlong taon na ang kanyang anak nang unti-unti ay pahintulutan na niya itong maging parte ng buhay niya. At ngayon nga ay magtatatlong taon na niya itong nobyo. Sinagot niya ang binata kahit pa alam niyang hindi siya magiging patas dito. She knew deep inside her that her heart still belongs to someone else. At hindi man lang iyon nagmaliw kahit lumipas na ang ilang taon. "Naiintindihan ko naman, James. I can manage to go there alone," wika niya sa binata. Kasalukuyan pa silang nasa restaurant na pag-aari ng ama ni Bettina. Mula nang makapagtapos siya ng pag-aaral ay sa kanya na binigay ng kanyang ama ang karapatan na mamahala roon. Siya ay nag-iisang anak ni Emmanuel at ayon pa dito ay wala itong ibang mapag-iiwanan ng negosyong iyon kung hindi siya lamang. Kaya naman nang makapagtapos si Bettina ng pag-aaral ay agad na siya nitong sinanay at tinuruan ng pasikot-sikot sa pamamahala sa kanilang negosyo. "Anyway, hindi naman ako magtatagal roon," dagdag niya pa sa kanyang mga sinabi. "Remember, hindi ko naman kasama si Jaime. So, kailangan ay makauwi rin ako agad dito." "Just call me if anything happens. Pupuntahan kita agad." "Ano naman ang mangyayari sa akin sa San Sebastian, James?" natatawa niyang tanong dito. Nagkibit-balikat na lamang ang binata bago siya inakay na lumabas na ng restaurant. Bukas ang nakatakda niyang biyahe patungong San Sebastian. Ngayon ay kinailangan niya munang pumasok sa trabaho para masiguro na maayos niya itong maiiwan bago siya umuwi ng probinsya. Tahimik na lamang siyang sumakay sa sasakyan ng kanyang nobyo. Lagi na ay sinusundo siya nito at ihahatid sa kanilang bahay. Habang nakaupo sa may passenger's seat ay hindi niya maiwasang mahulog sa malalim na pag-iisip. Ano nga ba ang mangyayari ngayong pauwi siya ng San Sebastian? Ano ang naghihintay sa kanya sa lugar na anim na taon na niyang hindi napupuntahan? At sa pag-uwi niya, is there a chance that she would meet him again?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD