CHAPTER 32

2267 Words

Inilaan ni Luis ang kanyang maghapon sa ospital upang bantayan ang kanyang anak. Hindi na niya nagawa pang bumalik sa trabaho dahil sa labis na pag-aalala dito. Tumawag na lamang siya sa opisina at sinabing hindi siya makakapunta sa site nila sa may Gulod. Kanina ay nagkamalay na si Jaime. Gustuhin niya man na magpakita dito ay hindi niya ginawa. Tama si Bettina. Mas maiging hintayin nila na gumaling muna ang bata bago siya magpakilala dito. Kung siya lang ang tatanungin ay nanaisin niya na manatili lamang sa tabi ng kanyang anak at doon na lang magpalipas ng gabi. Pero hindi niya rin maiwasan na isaalang-alang si Bettina. Ayon dito ay hindi alam ni James na siya ang ama ng anak nito. Humiling ang dalaga sa kanya ng panahon upang ipaalam sa nobyo nito ang tungkol sa kanya. Hindi niya ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD