Akmang paliko na si Bettina sa daan na patungo sa may basement nang matigil siya sa kanyang paglalakad. Nagulat pa siya nang sakto namang paliko na rin si James at akmang pabalik na rin sa loob ng gusali. Muntik pa silang magkabungguan ng kanyang kasintahan. "Bettina!" gulat na bulalas ni James. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla. "W-What... What are you doing here, hon?" Nagdikit ang mga kilay niya dahil sa naging tanong nito. Ipinagtataka niya rin ang pagkagulat na nakarehistro sa mukha ng binata. "Ikaw ang ano ang ginagawa dito, James," saad niya dito. "Kanina ka pa hinahanap ng daddy mo. May ilang bisita na rin ang naghihintay sa iyo sa loob." Agad na nagkaroon ng isang ngiti ang mga labi nito. Hinugot din nito ang cell phone mula sa bulsa ng suot na pantalon at ipinakita pa sa kan