17

1262 Words
"Heaven! Gumising ka na!" Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang napakatinis na boses ni Henzy, "Baka nakakalimutan mo? Ngayon ang araw ng eleksyon! Get up! H'wag tayong magpahuli at babantayan pa namin ang mga precint! Alam mo na, baka madaya tayo ng mga masasamang alipores sa paligid." I cleared my throat, para kasing may bumabarang kung ano sa lalamunan ko. Siguro iyon ay dahil doon sa nainom kong shake. "Good morning, Heaven. Are you okay?" Tanong sa akin ni Zander. I answered him, "Yes." Ngayon ko lang napansin na lahat na pala ng kaibigan ko ay nakaligo na at nakapagpalit na rin ng damit na nakasulat ang pangalan ko pati na rin ang partido ko. Ako na lang pala ang hindi pa nakakapag-ayos ng sarili. Kaya binilisan ko na ang pagkilos, It's almost 9 AM na rin kasi at bandang alas-diyes magsisimula ang bitohan. Dumadagundong ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Kagabi ko pa nararamdaman ang ganitong feeling, pakiramdam ko kasi ay kahit na anong oras ay manghihina ang tuhod ko sa mga posibleng mangyari ngayon. Pagkatapos kong maligo, makapag-toothbrush at makapag-suot ng shirt na may nakasulat na pangalan ko pati ang pangalan ng partido ko ay saka ako lumabas ng banyo. Nakita ko ang mga kaibigan ko na tila may pinag-uusapan at noong marinig ko kung ano ang bagay nanpinag-uusapan nila ay tungkol pala sa gaganaping eleksyon. Nang makita nila ako ay agad naman nila akong pinalapit, "Sabi ng Professor Santos sa amin, 'Yung Department head natin? Pwede pa namang magbigay ng flyers ngayong araw ng eleksyon, basta ay 'wag lang bibili ng boto dahil maaaring idisqualified ang runner." Sabi ni Luis. I nod, "Hindi na naman kailangan ng mga flyers, sapat na siguro 'yung ginawa nating pangangampanya nitong mga nakaraang araw." Sagot ko. "Wala na eh," Sabi ni Denise at ipinakita sanakin ang laman ng malalaking hand bag na gamit nila, punong-puno iyon ng mga flyers. "Nagbigay ang I.T Department ng mga flyers, ipamigay raw natin ito." Sabi pa niya. "Sinusuportahan ka ng mga I.T students." Sabi ni Zander. I smiled curved in my lips, "Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanila.." Paglabas namin ng dormitory ay napansin ko kaagad ang mga kapwa namin students na pakalat-kalat sa kung saan. Oo nga pala, no classes ngayong araw dahil sa gaganaping eleksyon. Habang naglalakad kami patungo sa may park ay maraming bumabati sa akin: doon kasi namin balak mamigay ng mga flyers dahil maraming tumatambay doon.  "Hello, Heaven. Good luck." Sabi sa akin ng mga kumpol ng estudyanteng malapit sa kinaroroonan namin. Ngiti lang ang isinasagot ko. Kinakabahan kasi talaga ako, hindi lang halata pero parang nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kabang nararamdaman ko. "Well... Well... Well..." Napahinto ako pamimigay ng flowers nang may marinig akong boses na nakakatuliro naman sa tainga ko, "Todo campaign ka pa talaga ha? Sa tingin mo ba mananalo ka?" Hindi ko na pinansin pa si Chloe. Ayoko namang makipagtalo dahil wala naman akong oras para doon, marami pa akong kailangang gawin at kung pakikipag-away ang uunahin ko ay talagang mababahiran ng masama ang tingin sa akin ng mga tao. "Hoy babae! 'Wag kang magmayabang diyan ha! Akala mo kung sino kang malakas, eh matatalo ka na nga ni Heaven." Sabi ni Henzy na sa tingin ko'y anytime ay makikipagsabunutan siya kay Chloe. Mabuti na lang at narito sa tabi namin si Luis at si Zander pumapagitna na sa dalawa, nakakapukaw na kasi kami ng atensyon. "Chloe, hindi ka namin ginagalaw. Kapag kami ay naasar sa'yo, hindi takaga kami magdadalawang isip na upakan ka! Gagang 'to!" Sabi naman ni Denise. "Che!" Ani Chloe sabay irap sa akin. Agad naman akong nilapitan nila Henzy at Denise, samantalang si Zander at Luis naman ay nagpatuloy na sa pamimigay ng flyers. "Kapag natapos ang eleksyon at nanalo ka. Sigurado akong mapapahiya 'yang Chloe na 'yan! Imbyerna!" Sabi ni Henzy. Napatawa naman ako, "Hayaan na natin." Patagal ng patagal ang oras ay talagang patindi ng patindi ang kabang nararamdmaan ko, at teka nga?? Bakit parang hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Alonzo? Where the hell is him? Saang lupalop naman kaya nagpunta si Alonzo and friends at hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang lokong iyon? "Mga 'tol! Anong atin?" Speaking of Alonzo and friends, "Hi, Heaven." Bati sa akin ni Harold." "Hey Holly," si William "Hello Holly Heaven." Sabi naman ni Angelo. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong wala si Alonzo. "Nasaan ang kaibigan n'yo?" Tanong ko. Ngumiti naman si Harold at sumipol. "Hindi ko alam, Heaven." Sabi pa niya. Napataas naman ang kilay ko, "Are you sure?" "Bakit? Miss mo na?" Ngumisi siya. Agad akong umiling, "Hindi noh!" Tumulong na din sina Harold, William at Angelo sa pamimigay ng flyers. Kahit papaano naman ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko lalo na't marami naman akong nakikita ma sumusuporta sa akin, pero syempre ay marami rin namang sumusuporta kay Chloe. 10 o'clock "Students! Please go, to your respective precint number. Votings will start in minutes.." "Students! Please go, to your respective precint number. Votings will start in minutes.." "Students! Please go, to your respective precint number. Votings will start in minutes.." "Students! Please go, to your respective precint number. Votings will start in minutes.." Paulit-ulit ang nagsasalita sa speaker at talagang kahit na anong gawin komay hindi na maalis ang kaba sa dibdib ko. "Heaven. Kaya mo 'yan! Nandito lang kami para sa'yo." Sabi sa akin ni Henzy. Nakipag-high five naman sa akin si Denise, Luis at si Zander na yumakap pa sa akin. "Go, Holly Heaven." Pumunta na kami sa sari-sarili naming mga presinto. Si Henzy at Luis ay magkasama sa Precint number 5 samantalang si Zander at Denise naman ay Precint number 8. Sila Willam, Angelo at Harold naman ay nasa Precint number 7 at ako naman ay nasa Precint number 6. Maraming mga taong nakapila katulad ko, at malas pa dahil 'yung mga nakapila sa may likuran ko ay supporters pa ni Chloe. Panay nga ang parinig nila sa akin, pero hindi ko naman sila pinapansin. "Hay nako... Asa pa siyang iboboto siya ni Alonzo? Eh mahal na mahal nga ni Alonzo si Chloe, excuse me!" Tinatawag na kami isa-isa at sa puntong ito anytime ay pwede na akong kainin ng lupa sa sobrang kaba. "Alonzo Ford." Sabi ni Professor Delos Santos na magsisilbing Poll clerk sa amin. "Alonzo Ford? Where is Alonzo Ford?" Ha? Magkaparehas pala kami ng Precint number ni Alonzo, "Alonzo Ford? Time is running!" Minutes passed, mukhang naubos na ang pasyenya ni Professor Delos Santos, "Holly Heaven Assistio." Itinaas ko ang kamay ko, "Ma'am." "Your seat will be on the side of Mr. Alonzo Ford." Sabi sa akin ni Prof, "Good luck." Sabi niya at ngumiti naman sa akin ng matamis. "I'm here." Napalingon ako nang marinig ko ang napakapamilyar na boses ni Alonzo. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Nang maka-upo kami sa upuan ay saka naman ako kinausap ni Alonzo, "Late na ba ako?" Umirap naman ako, "Ewan ko." "Sungit naman." Sabi niya at saka naman kinurot ang pisngi ko. "Kanina pa kita napapansin. Kinakabahan ka.." Napakunot naman ang noo ko. "P—Paanong...." Umiling siya at saka niya pinisil ang kamay ko, "Don't be... Nandito naman ako, H'wag kang kabahan." Sabi niya. "Mr. Ford! H'wag kayong magdaldalan diyan!" Suway ni Professor Delos Santos, "Go and Vote now! Maraming naghihintay sa labas." Pero hindi iyon pinansin ni Alonzo, sa halip ay ngumiti pa siya na tila nang-aasar. Muli siyang bumaling ng tingin sa akin, "My heart is always vote for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD