18

1738 Words
"Your shaking.." Hinawakan ni Alonzo ang kamay ko nang makalabas kami mula sa classroom. "Kumalma ka nga." Aniya pa niya habang seryosong nakatitig sa akin. Pansin ko ang pagtitinginan ng mga tao sa amin. Halos lahat na yata ng naririto na nakapila sa labas ng precint at nakatingin sa amin. "'Wag kang kabahan. Be positive. Tiwala lang, mananalo ka." Aniya pa niya. Wala ako sa sariling napangiti. "Okay lang ako. Tatanggapin ko na lang kung ano ang magiging resulta." Saad ko pa. "Kumain ka na ba? Do you want to eat for lunch first?" He asked. I shook my head, "Hindi pa, Uhmm. Mamaya na lang siguro." Hinawakan na naman niya ang kamay ko at hinila palayo sa lugar kung nasaan kami naroroon, "Ngayon na tayo kumain. I-relax mo lang ang sarili mo. Chill okay? Chill." Wala na akong nagawa pa kundi sumama sa kanya papunta sa food court. He was holding hand while walking. Pakiramdam ko ay unti-unting bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nang makarating kami sa canteen ay siya na rin ang bumili ng makakain namin. Libre naman daw kasi niyang lahat kaya dapat ay wala na akong problemahin pa. "Hi Heaven, nasaan pala si Boss?" Ani William na kararating lang. "Bumibili lang ng foods..." Sabi ko ngunit nang makita ko si Alonzo na papalapit ay agad ko siyang itinuro, "Ayan na pala siya, eh. Ang bilis naman.." Paglapag ni Alonzo ng pagkain ay saka siya nagsalita, "What's up?" "Uhmm..." Napakamot sa ulo si William na tila ayaw pang sabihin ang dapat na sasabihin kay Alonoz. Pansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Alonzo, "Don't waste my time. May sasabihin ka ba?" "Si Angelo kasi.... Natagpuang duguan sa laboratory room. Nasa clinic siya ngayon, at binabantayan siya ni Harold." Sa gulat ko nang sabihin niya iyon ay napatayo ako, napatingin rin ako kah Alonzo na ngayon ay nakatayo na rin. "Sinong may gawa sa kanya non?" "Wala pa kaming idea. Hindi pa rin kasi nagigising si Angelo hanggang ngayon." "s**t!" Wala naman kaming nagawa kung hindi iwanan na lang ang pagkain. Nasa peligro ang buhay ni Angelo ngayon. Natagpuan siyang naliligo sa sariling dugo sa laboratory? Sino naman kaya ang pwedeng gumawa ng ganoon sa kanya? Nang makarating kami sa clinic, ay natagpuan namin doon si Harold na hinihipan pa ang dalawang palad na tila pinapainit ang mga iyon. "How's Angelo? Sino daw ang may gawa sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ni Alonzo. "He's now fine, pero hindi pa rin siya nagigising. Mabuti na lang at may bago pa lang doctor sa Ford University." Sabi ni Harold. Sa wakas. Mabuti naman at okay lang si Angelo. Pero palaisipan talaga sa akin kung sino ang pwedeng gumawa ng ganoon sa kanya? "Good." Ani Alonzo at umupo sa isang bench, hinila niya rin ako para makaupo. "Mabuti naman at okay si Angelo. Nagulat ako sa pangyayari. Election day pa naman." Sabi ko sa kanila. Tumawa naman si William, "Pinakaba pa kami ni William! Okay na naman pala!" "You two." Napatingin ako kay Alonzo na ngayon ay nakatingin kay Harold at Angelo, "Bantayan niyo si Angelo. Make sure he's okay. Kailangan nating malaman kung si o ang nagtangka sa buhay niya." Sabi nito. He's right. Dahil sigurado ako na nasa panganib ang buhay ni Angelo. Mabuti nga at mayroong mga kaibigan si Angelo na handang umalalay at sumuporta para sa kanya. Mabuti na lang at mayroong Harold, William at si Alonzo. "Gusto ko bang pumunta muna sa mga precint?" Ani Alonzo sa akin. "Bakit? Saan ka pupunta?" Lumunok naman siya, "Ibibili lang kita ng pagkain. Hintayin mo na lang ako sa precint natin." Sabi pa niya. I quicky nod, "Sige." Binalingan ko naman ng tingin sina William at Harold, "Balik muna ako sa precint. Mamaya na lang ulit." Sabi ko sa kanila. Tumango naman sila at ngumiti. "Naiboto ka na namin. Good luck!" Ani Wiliam na ikinagalak ko pa. "Me too.. Good luck, Heaven." Sabi pa ni Harold. "Thanks." Hinila ako ni Alonzo para sabay kaming makapaglakad, hinatid niya ako sa precint na hanggang ngayon ay marami pa ring nakapila. Sa dami ba naman kasi ng estudyante sa Ford University. I'ts almost 7,000 students! Wala pa nga siguro sa kalahati ang bilang ng mga nakakaboto. Tumigil kami sa harap ng precint at saka niya ako hinarap. "Don't do anything stupid okay? H'wag mo ring ipapakita sa lahat na kinakabahan ka. Tandaan mo 'yan." Napangiti naman ako at napasaludo, "Yes, Master." Sabi ko ngunit agad rin akong nagsalita, "And I'm not stupid!" Ngumisi naman siya at saka na niya ako iniwanan. Sabi niya sa akin ay bibili lang diya ng pagkain naming dalawa pero sa tingin ko ay iba ang puountahan niya dahil sa lalim ng iniisip niya kanina habang naglalakad kaming dalawa papunta rito sa precint. Nakita ko naman si Arthur na naglalakad palapit sa akin. Siya 'yung bise presidente ko sa Partido ko. Ngayon ko lang siya ulit nakita after naming mag last meeting noong nakaraang araw, mukha naman siyang masaya at hindi man lang nakararamdam ng kahit na anong kaba. "Heaven... I have a good news." Sabi niya na ikinanuot naman ng noo ko, "'Yung College of Teacher Education? 'Yung mga CTE students are supporting you! Nag-announce ang head nila kanina." Para bang gusto kong mahimatay sa saya nang marinig ko ang sinabi niya, "Ang akala ko, ang susuportahan nila ay si Chloe? They just announced it in last two days di ba?" "Oo 'yun din ang akala ko. Imagine, 1,200 students mayroon ang College of Teacher Education. What if, lahat ng CTE students ay bumato sa'yo dahil recommendation iyon ng head nila?" I hope so.... Twenty minutes na ang nakararaan nang umalis si Alonzo pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nasaan na kaya siya? Ang akala ko pa naman ay bibili lang siya ng makakain naming dalawa. Umalis na rin si Arthur dahil kailangan pa niyang bantayan ang ibang mga precint. Mahirap na dahil malakas din naman ang kalaban ko lalo na at siya ang namumuno bilang FUSG President ngayon. Ang mga kaibigan ko ay hindi rin mahagilap ng mga mata ko. Malamang, busy siguro ang mga iyon sa pagbabantay sa mga machine. They have to checked kung talagang walang nangyayaring dayaan na nagaganap. I inhaled and then exhaled nang ibaling ko ang paningin ko sa loob ng precint. Nakita ko roon ang ibang mga alipores ni Chloe at ang dalawa naman ay ang ka-partido ko na si Angelika Mae na tumatakbo bilang secretary while Theon na treasurer. Mukhang okay naman, pansin ko na talagang sininigurado din nila Angelika at Theon na magiging maayos ang takbo ng botohan sa precint. "Heyy..." Mariin naman akong napapikit nang marinig ko ang boses ni Alonzo. Nang balingan ko siya ng tingin ay nakangiti siya habang hawak-hawak niya ang paper bags na naglalaman ng mga pagkain. "Tara? Doon na lang tayo kumain." Sabi ni Alonzo at ininguso naman niya ang kabilang room na bakante. Nang makarating kami doon ay umupo kami sa may bandang unahan at sabay na rin kaming kumain. Ooopppps, spicy chicken pala ang in-order ni Alonzo, at paborito ko naman ang isang ito. "Saan ka pala nagpunta? Ang tagal mo?" I asked him. "May kinausap lang.... At pagkatapos ay bumili na rin naman ako ng pagkain natin." Aniya sabay kindat pa. Ewan ko ba, pero napatawa ako sa ginawa niya. "Sino naman ang kinausap mo?" Pinilit ko pang maging normal ang boses ko. "Bakit mo tinatanong?" Nagkibit-balikat ako, "I'm just asking." "Okay.." Tinapos niya ang pagnguya niya bago muling nagsalita, "Kinausap ko si Wayne... 'Yung student head nang College of Teacher Education. Last call. Baka kasi mapapayag ko na siya na ikaw na lang ang i-recommend niya para sa CTE." Napangiti naman ako, "Ikaw ang dahilan?" "Yup." Tumango-tango pa siya na tila proud pa, "He recommended you as a Student President." I nod, "Sinabi na sa akin kanina ni Arthur. Mabilis ngang kumalat ang balita, eh." Sabi ko pa. Kumunot naman ang noo niya kaya muli akong nagsalita, "Arthur! 'Yung Vice President ko! Nakalimutan mo na ba?" "Ah oo nga pala... Siya nga pala 'yung binoto ko rin kanina, eh." "Ano nga palang balita kay Angelo?" Pagbabago ko ng usapan, "Any idea kung sino ang gumawa ng ganoon sa kanya?" Umiling naman siya, "I have to find out who the f**k is that motherfucker." "Chill.." Kumalma naman siya at pagkatapos ay itinuloy na ang pagkain, "Okay, chill." He said. Doon na lang kami magpalipas ng oras hanggang sa mag-alas tres na ng hapon. Narinig namin na may nagsalita na naman sa speakers. "Election voting will close in minutes." "Election voting will close in minutes." "Election voting will close in minutes." "Election voting will close in minutes." "Election voting will close in minutes." Paglabas namin ng room ni Alonzo ay wala nang nakapila sa precint kung saan kami nagbabantay. Nagbabantay nga ba? Eh kanina pa nga ako dinadaldal ni Alonzo kung ano daw ba ang nauna sa dalawa? Itlog daw ba o ang manok? He's weird and....... corny as well. Sa precint naman ay nagbibilang na pala ng boto. Pumunta sa harapan si Alonzo at tinignan ang mga Poll Clerks, o 'yung mga Professors namin na naging tagapagbatay sa lahat. Mayroon namang mga Poll watchers na ang trabaho naman ay bantayan ang mga ka-partido nila, o 'yung boto ng taong sinusupotahan nila. "Precint number 6.." Sabi ni Prof Melendez nang makita ang lumabas sa machine. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at gayundin si Alonzo na tumabi na sa akin. Katabi na rin namin ang ibang mga poll watchers at pati na ang dalawang ka-partido ko. "Partial and unofficial result for Precint number 6 and in presidential race... Holly Heaven Assistio, 373 votes, while Chloe Symons received 501 votes." Sabi ni Prof Melendes, "Again, that is for precint number 6, and a partial and unofficial results." Namilog ang mata ko nang marinig ko iyon. Napatingin tuloy lahat ng mga poll watchers na kasama namin sa room, and even Alonzo ay nakatitig sa akin. I keep myself calm lalo na nang pisilin ni Alonzo ang kamay ko. "Don't be nervous. Remember? Mayroon pang seven precints na hanggang ngayon ay nagbibilang pa rin ng resulta? Nasa 7,000 ang estudyante dito sa Ford University at wala pa naman sa kalahati ang nabibilang, at unofficial pa rin naman ang results dito sa precint kaya 'wag kang kabahan. You will win no matter what."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD