16

1589 Words
Para na nga akong aatakihin sa puso dahil sa sobrang kaba at alam kong kahit na hindi ko na tanungin sila Denise at Henzy ay katulad ko din naman silang kinakabahan. Nang marinig namin ang malalakas at sunod-sunod na katok sa pintuan ng aming dorm ay mas lalong sumibol ang kaba sa dibdib ko. Nananatili akong nakatayo sa bintana habang nakatitig sa kawalan, gayon din sila Henzy at Denise na hanggang ngayon ay tila hindi makapaniwala sa nasaksihan. "Henzy? Heaven? Denise? Buksan n'yo ang pinto!" Boses iyon ni Luis at siguradong-sigurado ako. Parang magigiba na ang pintuan sa sobrang lakas kaya naman nagpasya na ako na lumapit sa pinto at dahan-dahang buksan ang pintuan. Doon sumalubong sa akin si Zander at Luis na kasalukuyang tinatanggal ang kanilang maskara habang may akay-akay na lalaki, kaya lubos na nanlaki ang mata ko sa gulat at sa kaba. Ang lalaking iyon ang nakita namin kanina! Agad silang pumasok sa kwarto bitbit ang duguang lalaki, Nang mapagmasdan ko siyang mabuti ay hindi naman pala ito patay, "Pauwi kami ni Zander galing sa dorm ng tropa naming si Felix nang makita namin 'tong Nursing Student na ito. Duguan siya at walang malay sa sa labas ng dormitory building nila Felix kaya nagpasya kami ni Zander na tulungan at dalhin sa dorm natin ang lalaking ito.." Ani Luis pagkatapos uminom ng tubig. Si Zander naman ay inihiga sa malambot na sofa ang estudyanteng hindi namin kakilala, Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gising, kaya ako hilang nursing student rin ay nagbigay ng first aid sa kanya. Nakatulog naman ang lalaki dahil sa sobrang pagod at sakit na naramdaman niya dulot ng pagbugbog sa kanya. Napakarami kasi talagang sugat ang natamo niya. "Kinabahan kami sa inyo, promise.." Ani Denise matapos hampasin si Denise at Zander ng notebook na hawak niya. "Akala namin ay nagbagong buhay kayo at sumanib sa mga mamamatay tao sa labas!" Natawa naman ang dalawang lalaki, "Ayaw naming malagay sa mas mapanganib ang buhay namin noh. Kaya paano kaming sasanib sa mga mamatay na iyon?" Napatigil ako sa paggamot sa sugat ng walang malay na mlalaki nang may maalala ako, "Saan n'yo naman nakiha ang maskara niyo?" May pagtatakha sa tanong ko. "Eh diba, binigyan tayo ni Harold noong nakaraan? Tig-isa nga tayong lahat para incase of emergency ay may magamit naman tayo sa tuwing aabutin tayo ng black out sa labas." Sagot ni Zander, "Pero ang maskarang ibinigay sa atin ay gamit ng mga miyembro ng Black Mask Org." Tumango ako, "Kilala n'yo na ba ang mga iyon?" "Alam namin ang grupong iyon, pero hindi pa namin nakikilala ni Luis kung sino ang tunay na lider doon. Wala naman kasing nagbabalak na magsabi sa amin ng mga katotohanan. Kapag kasi tinatanong namin 'yung mga classmate namin tungkol doon ay hindi naman sila umiimik." Sabi pa ni Zander. Halos buong gabi rin kaming hindi nakatulog na apat dahil sa pagbabantay sa lalaking hanggang ngayon ay wala pa rin ang malay na natutulog sa sofa. Kaalukuyan akong umiinom ng kape, habang ang mga kaibigan ko naman ay tila nilulukubam na ang mga pilikmata marahil ay sa dala ng antok. Ipipikit ko na sama ang mata ko nang marinig kong magsalita ang lalaki. "A—Ahhh..." Daing niya kaya agad akong napatayo mula sa pagkaka-upo, Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siya. "H'wag mo na munang igalaw ng masyado ang sarili mo dahil hindi mo pa kaya.. Magpahinga ka na muna.." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na tila hindi makapaniwala, "S—Salamat at tinulungan mo ako.... Akala ko ay katapusan ko na." Sabi niya sa akin na may hirap sa boses. Napangiti ako at itinuro ang mga kaibigan kong nakahiga na sa kama, "Sila ang tunay na tumulong sa'yo," Sabi ko sabay turo kay Zander at Luis, "Nakita ka ng dalawang kaibigan ko sa labas ng dormitory building. Duguan ka at walang malay, sino ba ang may gawa sa'yo niyan?" Tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang isang baso ng tubig na nakapatong sa mesa at iniabot sa kanya iyon, "Uminom ka muna.." Sabi ko pa. Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay doon siya nagsalita, "Alam kong marami ka nang nalalaman tungkol sa eskwelahang ito..." Mahinang sabi niya ngunit sa pagkakataong iyon ay parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya, "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang girlfriend ko." Sabi pa niya. I was shocked, "Sinong girlfriend? At paano mo nasabing ako ang dahilan ng pagkamatay ng girlfriend mo? Sinong girlfriend?" Paulit-ulit na tanong ko. Napalunok ako nang makita ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha niya, "Si Rhea.... Si Rhea ang girlfriend ko at ang babaeng mahal na mahal ko, Natatandaan mo ba noong ini-nominate ka ni Rhea bilang FUSG President?" Tanong niya sa akin. Agad akong tumango ng maalala ko ang pangyayaring iyon, Si Rhea nga ang nag-nominate sa akin bilang maging President. "Hindi niya dapat ginawa iyon, Inilagay niya sa panganib ang buhay niya..." Mahinang sabi niya. Napakunot ang noo ko, "Ano bang ibig mong sabihin?" "Ninominate ka niya bilang FUSG President, at hindi niya alam ang kapalit.... Ikaw dapat ang papatayin nila pero mas inuna nila ang girlfriend ko.." Sabi pa niya, "Walang sinuman ang dapat na makalaban ng nag-iisang tagapagmana ng isang malaking mafia organization sa labas ng bansa. Iyon ay walang iba kung hindi si Chloe.." Muli akong napalunok sa aking narinig. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na sabihin ko sa mga nalaman ko, "H—Hindi ko sinasadya, Hindi ko naman alam na ganon pala ang mangyayari kay Rhea... Eh di sana pala, nagpumilit na lang ako na umatras sa pagtakbo nilang FUSG President." "Wala nang dahilan para umatras ka sa laban mo mamaya. Ang kailangan mo na lang ay manalo, dahil hindi biro ang makakalaban mo." Tumango ako, "Hindi ko na inaasahan ang pagkapanalo ko.." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Wala kang magagawa kung puro negatibo ang lumalabas sa isip mo." Sabi niya at mayamaya ay muli na naman siyang nagsalita, "Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi mo pa pala ako kilala.... Ako si Rios." Bahagya ako ngumiti at nakipag-kamay sa kanya. "Heaven.." Dahil hindi na ako tuluyan pang dinalaw ng antok ay nagtanong na lamang akong muli sa kanya, "Simula ba noong pumasok si Chloe dito ay siya na talaga ang FUSG President?" Tanong ko. Pero ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko. Mukhang tikom ang bibig niya tungkol doon. "Gusto ko lang linawin kung totoo bang nang dahil sa akin kung bakit namatay si Rhea?" "Ikaw lang ang naiisip kong dahilan kung bakit siya namatay," Napabuntong hininga ako,p. "Rios, Hindi ko alam kung tama bang pagbintangan ako, pero sa pagkakatanda ko ay kusang sumama ang pakiramdam niya. Bumula niya ang bibig niya sa hindi malamang dahilan, pero bago siya mawalan ng buhay ay sinabi niya sa akin na huwag na huwag magtitiwala sa iba.." Sabi ko sa kanya at nang may maalala ako ay agad rin akong nagsalita, "Oo nga pala, may binigay rin siyang susi sa akin! Kaso hindi ko na alam kung saan ko nailagay.." Dagdag ko pa. Napamura siya sa gulat, "Shít!" Ako naman ay nagtakha sa reaksyon niya, "May mali ba sa nasabi ko?" "Alam ko na ang dahilan kung bakit siya namatay!" Halos wala sa sariling sabi niya habang hawak ang sariling buhok, "Nagtangka siyang tumakas nang mapasakanya ang susi palabas ng Ford University!" "Oh my god!" I muttered. "Saan mo nailagay ang susi?" Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung saan ko inilagay ang susi na ibinigay sa akin ni Rhea. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ang susi na binigay sa akin ni Rhea bago siya bawian ng buhay ay susi pala palabas ng Ford University! Magsasalita pa sana ako nang makita ko si Luis na tumayo mula sa pagkakahiga at lumapit sa kinape-pwestuhan ni Rios, "Oh bro, okay ka na pala?" "Oo pre. Salamat sa inyong lahat.." Binalingan naman ako ng tingin ni Luis, "Wala ka pang pahinga, Heaven. Maaga pa ang eleksyon na gaganapin bukas. Matulog ka na, dahil kailangan mo ng pahinga." Sabi niya. Hindi na rin ako umimik pa. Sa halip ay dumiretso ako sa kama at saka humiga. Mariin kong ipinikit ang mata ko pero kahit na anong pikit ang gawin ko ay hindi ako dalawin ng antok. Hanggang ngayon kasi ay naiisip ko pa rin kung sang parte ko ba nailagay ang susi na ibingay sa akin ni Rhea bago siya bawian ng buhay. Kung alam ko lang na napaka-importante pala ng bagay na iyon ay sana'y iningatan ko iyon ng mabuti. Bukas, panibagong-araw na naman ang dadating. Hindi ko alam kung a Sino ang mawawala o sino pa ang mabibiktima. Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin kung sino ang mga taong tunay na gumagawa ng karahasan sa paaralan. Kanina ay kausap ko na si Rios, sana pala ay tinanong ko na sa kanya kung sino ang nanakit at muntik nang makapatay sa kanya, Hanggang ngayon ay no-lead pa rin kasi ako sa pagkatao ng mga killers, kaya bukas ay panibagong pag-iingat na naman ang gagawin ko kasama ng mga kaibigan ko, lalo na ngayong nalaman ko na ang kalaban ko pala sa pagka-presidente ng Ford University Student Government na si Chloe ay hindi basta-basta. Hindi ko talaga dapat siyang pagkatiwalaan. Ang isang tulad niya ay hindi dapat na pagkatiwalaan. Sana lang ay manalo ako bukas, dahil kung hindi ay hindi ko na alam ang kahihinatnan ko sa loob ng paaralang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD