15

1234 Words
"Walanjo naman kasi eh! Patay tayong lahat nito kay Bossing!" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang maaugong na mga bulungang iyon sa tabi ng hinihigaan ko. Nasa clinic pala ako, at makita ko kung sino ang mga kasama ko ay si William. Angelo at Harold, "Buti at gising ka na, Heaven!" Ani William nang makita akong umupo mula sa kinahihigaan. "Kinabahan kami sa'yo, mabuti na lang at maayos na ang lagay mo." Sabi maman ni Angelo. Lumapit silang lahat sa akin. "Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanila na tila naguguluhan, "Sa pagkakatanda ko kanina ay nahihirapan lang akong huminga." Saad ko pa. Tumango naman si William, "Tama ka, Nawalan ka ng malay kanina. Mabuti na lang at naroon ako, kinabahan nga ako sa'yo...." Sabi niya. "Buti na lang at walang nakapansin sa nangyari sa'yo kanina dahil kung hindi, tiyak ako na pagpepyestahan ka ng mga balita.." "Eh teka muna.... Bakit ka naman biglang nahirapang huminga at nahimatay?" Tanong naman ni Angelo. Sasagot na sana ako sa tanong niya nang magsalita si William, Kinuha niya ang isang plastic cup na naglalaman ng mango shake na ininom ko kanina, na ipinatong niya pala malapit sa kinaroroonan nilang tatlo. "Walang duda, nang dahil dito sa shake na ito—Kaya nahirapan kang huminga at nahimatay ka.." Sabi niya. Sa isip-isip ko ay may katotohanan din naman ang sinabi ni William. Totoo ang sinabi niya. "May inilagay na lason sa shake mo, Iba ang amoy eh..." Aniya at saka iniabot kina Angelo at Harold, "Amuyin n'yo..." "Oo nga! Iba ang amoy!" Ani Harold na masuka-suka nang maamoy ang mango shake. "s**t! Hindi naman ganyan ang amoy ng mango shake ah?" Ani Angelo. Napatigil sila sa pagsasalita at sa usapan nang pumasok sa kwarto si Nurse Chin, "Okay ka na pala Miss Asistio, pa-record na lang ng name mo sa log book." Sabi niya at saka umalis na. Noong maka-alis si Nurse Chin ay muli silang nagsalita, "Bakit kaya hindi natin itanong kay Nurse Chin kung ano ang kemikal na inilagay sa mango shake? Siguro naman ay may alam siya sa gano'on?" Tanong ni Angelo ngunit agad naman siyang binatukan ni William. "Gago ka ba?! Kapag ipinaalam natin sa kanya na may lason ang shake ni Heaven, Siguradong kakalat ang balitang iyon sa University!" Sagot niya pagkatapos batukan si Angelo, "Idinahilan ko na nga lang kay Nurse Chin na masakit ang ulo ni Heaven, para hindi na umusbong ang balita... Kapag nalaman ng lahat lalo na ni Alonzo na may nangyaring masama kay Heaven ay patay na patay tayo! Hindi lang bugbog ang aabutin natin mga ugok!" Dagdag pa ni William. Napakunot ang noo ko sa sinabi ni William. "Isa lang ang nakaka-alam nang lahat ng ito." Ani Harold. Tumango ako, "Ang tindera mg shake. Kailangan ko siyang maka-usap." Sabi ko at saka tumayo na. "Teka, sasama kami!" Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa canteen, pero bago pa kami makalapit ng husto sa canteen ay may nagtatakbuhan ng mga estudyante papasok sa canteen. Tinawag ni Angelo ang isang babae na tumatakbo patungo sa canteen, "Miss? Ano meron sa loob?" Tanong ni Angelo. Napalunok ako nang makita ko ang balisa n'yang itsura, "Pinatay daw po 'yung tindera ng shake!" Sabi nito at muli ay nagtatakbo patungo sa canteen para maki-usyoso. Pinatay? "Paano natin ngayon makaka-usap ang tindera ng shake?" Nag-aalalang tanong ko, "Siya lang naman ang may alam kung sino ang may pakana nang lason na iyon!" "Anong lason?" Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Alonzo, Napalingon ako at nakita ko siyang nakakunot noo habang salit-salitang tinitignan sina Angelo, William at Harold. Nakita kong pakamot-kamot silang tatlo, "Ah—Eh.... Hehehe Boss... Nakita lang namin si Heaven, kaya sinamahan na namin. Gusto niya yatang tignan 'yung nangyayari sa canteen.." Sabi ni Harold. Muli napako ang tingin sa akin ni Alonzo, "May klase ka 'di ba?" Tanong niya. Tumango ako. Oo nga pala! "Uhmm.. Oo, papasok na rin ako, eh." Sabi ko sa kanya, pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin sina Harold, William at Angelo, sana naman ay nakuha nila ang nais kong iparating. Sila na sana ang bahala sa problemang kinasangkutan ko kanina, "Bye! Bye!" Paalam ko sa kanila at nagtatakbo na patungo sa klase ko. Whew! Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa akin kanina! Sino naman kaya ang walang puso na magtatangka sa aking manlason? Gayong wala naman akong ginagawang masama sa lahat. "Hi Heaven!" Bati sa akin ng isa kong ka-department bago ako makapasok sa classroom. Mabuti na lang at hindi ako napagalitan ni Professor Isaac, Guro namin sa Social Science. Naging normal na naman ang takbo ng araw ko, nakinig ako sa Professor at nang mag-quiz kami ay nakakuha pa ako ng 87% grade. Pagkatapos ng klase ay nagplano na kaagad akong umuwi sa dorm namin, pero bago ako maka-uwi sa dorm ay nadaanan ko na muna ang canteen. Napansin kong normal na rin ang kalagayn ng canteen, may mga kumakaing mga estudyante, 'yon nga lang ay wala na talagang nagtitinda ng shake, at ang dahilan kung bakit namatay ang tindera ay hindi ko na alam pero malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ang nangyari sa akin kanina sa babaeng tindera. Pag-uwi ko sa dorm, ay naabutan ko sina Henzy at Denise na nagpe-prepara ng pagkain para sa hapunan kaya kahit na hindi pa ako nakakapagpalit ng damit ay nakitulong na rin ako sa kanila. "Nasan nga pala sila Zander at Luis?" Tanong ko sa kanila. "Birthday ng tropa nila sa dorm nung tropa nila, sabi naman nilang dalawa ay babalik naman sila agad dito sa dorm natin bago mag-black out." I nodded, "Kinakabahan na talaga ako bukas." Sabi ko sa kanila. Ngayon pa lang ay kinakabahan na talaga ako dahil bukas na ang election day. Ibig sabihin ay magluluklok ulit ng panibagong Ford University Student Government, sabi kasi sa mga naritinig kong chismis ay nauuna sa survey si Chloe. "Mananalo ka niyan, tiwala lang." Sabi ni Henzy, "Oo nga pala, suspended din ang klase natin bukas dahil sa eleksyon." Dagdag pa niya. "H'wag kang mag-alala, Mananalo ka niyan, at kung hindi man ang papalarin ay ikaw pa rin ang President namin no matter what." Sabi naman ni Denise. "Salamat, pinapalakas niyo talaga ang loob ko." Bukas na ang araw na pinakahihintay ko, sana lang ay magkaroon ng katotohanan at kapani-paniwalang mga resulta ang eleksyon na gaganapin bukas. Hindi namin namalayan ang oras, alas-otso na pala ng gabi at simula na ng black out kaya pati mga ilaw ay namatay na rin. "Wala pa rin sila Luis at Zander!" Naaalarmang sabi ni Denise. Tulad ng dalawang kaibigan ko ay kinakabahan ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Zander at Luis, Ilang beses akong napapalunok at hindi mapakali. "Ano naman kayang nangyari sa dalawang iyon?" Halos wala sa sariling tanong ko. Lumapit kami sa bintana at tinignan ang paligid, napa-kunot na lamang ang noo ko nang may makita akong mga tumatakbong lalaki na naka-suot ng maskara, may hawak silang patay na lalaki na pamilyar sa akin. "Si Zander at Luis ba iyon?" Turo ni Henzy sa dalawang lalaki na may suot ng maskara habang may bitbit na bangkay ng isang lalaking naka-suot ng pang nursing student uniform, duguan iyon at sa tingin ko ay wala nang buhay. Napalunok muli ako habang tinitignan ang dalawa, sa pagkakataong ito ay siguradong-sigurado ako sa nakikita ko. "S—Si Zander at Luis nga.." "K—Kailan pa sila natutong pumatay....."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD