14

2267 Words
Pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang segundo mula ngayon. Kung wala lang siguro si Alonzo sa tabi ko, tiyak ako na kanina pa ako hinimatay sa kaba. Itinikom ni Alonzo ang bibig ko gamit ang palad niya. Hindi rin siya nagsasalita sa tabi ko, at nang balingan ko siya ng tingin ay pawang nangungusap ang mga mata n'yang nakatingin din sa'kin. Ibinuka niya ang bibig niya pero hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi niya. "May tao ba diyan?!" Nang marinig ko ang boses na iyon ay binalot na naman ako ng kaba. Sa pagkakataong ito, para na talaga akong mawawalan ng malay. Tinignan ko ang paligid — Madilim naman dahil walang ilaw, mayroon mga lamesa at sa ilalim no'n ay may nakita akong mga chemical tube. "Pare?! May tao yata dito sa loob ng classroom!" Rinig kong sigaw ng boses ng isang lalaki sa labas. Sa tingin ko ay may dumating nang panibago, kaya tiyak ako, anumang oras ay pwede nilang buksan ang classroom na ito. Sobra ang kaba ko dahil hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang tunog ng chainsaw. Nakakapangilabot. Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Alonzo sa tainga ko, "Dito ka lang...." Ani Alonzo at pagkatapos ay dahan-dahang umalis sa pwesto namin. Hindi ko siya nilubayan ng tingin, Nakita kong may kinuha siyang makapal na stick na pwedeng ihalintulad sa isang paddle, at nang saktong pagkuha n'ya ng stick na iyon ay may natamaan naman siyang isang graduated cylinder sanhi para mabasag iyon. "Shít!" Hindi na mapigilang mapamura ni Alonzo, Wala na rin akong nagawa kaya kinuha ko na rin ang isa pang makapal na paddle sa tabi niya at agad kaming pumwesto sa likuran ng pintuan. "May tao nga, Pare!" Kitang-kita ko kung paano pihitin ng mga tao sa labas ang seradura ng pinto, at kung  gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko ay hindi ko na alam. Naramdaman kong hinawakan ni Alonzo ang kamay ko, at saka niya ako ipinwesto sa likuran niya. Siya ngayon ang nasa harapan ko, may hawak siyang isang paddle stick na handa na para makapamalo nang kung sino mang makakalaban namin, samantalang ako ay nangiginig habang hawak-hawak ang paddle stick na kinuha ko kanina. Saglit akong napapikit nang tuluyang bumukas ang pintuan. Mabuti na lang at nang bumukas ang pintuan ay nananatiling nasa likuran pa rin kami ni Alonzo.  "Ano na Pre? Nasaan na 'yung sinasabi mo? Wala naman yata?" Mariin akong napakagat sa labi ko, Pakiramdam ko ay tinitignan nilang mabuti ang bawat sulok nang classroom. "May narinig talaga ako dito, Tol!" Sabi ng isa pang lalaki. Mabilis na namilog ang mata ko sa gulat nang biglang umalis si Alonzo sa harapan ko, at nang balingan ko siya ng tingin, pinagpapalo na niya ang isa habang 'yung isa naman na may hawak ng chainsaw ay papalapit na rin sa kanya. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng pagkakataon, Habang walang tigil na pinapalo ni Alonzo ang isang lalaking naka-maskara ay saka ko naman nilapitan ang isa pang lalaki na may hawak ng chainsaw, tamang-tama dahil nakatalikod siya mula sa pwesto ko. "Shít! Heaven!" Napamura si Alonzo nang makita niya ako na walang tigil sa pagpalo sa lalaking may hawak ng chainsaw. Lahat na nga yata ng naipong lakas ko ay ibinigay ko ng todo, "Heaven, Tama na! Tama na!" Napatigil lamang ako nang awatin na ako ni Alonzo, Muli kong tinignan ang dalawang lalaki, pawang mga walang malay na sila. Hingal na hingal kong binalingan si Alonzo, "P—Patay na ba sila?" Lumapit si Alonzo at pinulsuhan niya ang dalawa. "Buhay pa ang dalawang 'to." Aniya, "Kunin mo 'yung lubid na malapit sa second chair." Sabi niya habang nakaturo ang isang kamay sa may haraoan ng classroom. Mabilis ko namang kinuha ang lubid, at ang ginawa ni Alonzo ay tinalian na agad ang isa habang ako naman ang nag-ga-gapos sa isa pa. Hingal nanhingal pa rin ako, hanggang ngayon ay may kaba pa rin akong nararamdaman, hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos naming itali ng lubid ang dalawa ay saka naman sila tinanggalan ng maskara at napamura ako sa isip ko nang makilala ko ang isa sa kanila. "S—Si Michael 'yan, ah?" Gulat na gulat na sabi ko habang nakatingin sa classmate ko na si Michael. Natatandaan ko pa noong unang beses na nanghingi siya ng papel sa akin, Wala naman sa itsura niya na pumapatay ng tao kaya laging pagtataka ko. "Paano mo nakilala ang isang 'yan?" Ani Alonzo. "Kaklase ko siya sa dalawang subjet.." Sagot ko sa kanya, "Wala naman akong napapansin na kakaiba sa kanya kaya hindi ako makapaniwala na siya pala ang isang sa mga killers." 'Yung isang lalaki naman ay pamilyar din sa akin ang mukha, hindi ko lang matandaan kung kailan at saan ko siya nakita. Habang nakatitig sa dalawang lalaking duguan at walang malay ay may iniabot sa akin si Alonzo, Bottled water na ipinainom niya rin sa akin kanina. "Uminom ka muna ulit." Sabi niya. Uhaw na uhaw na rin naman ako kaya uminom na ako. Habang umiinom ako ay narinig ko ang pagdaing ni Michael, nakagising na pala. Nagulat ako nang biglang suntukin ni Alonzo sa mukha si Michael, "Balak mo pa kaming patayin?!" Asik niya, at saka kinwelyuhan si Michael, "Sinong nag-utos sa inyo na pumatay?!" Nakaramdam ako ng takot sa kanya, Hindi ko alam pero parang may kakaiba talaga sa kanya, na hindi ko matukoy kung ano. "W—Wala..." Napa-upo na lang ako sa isa sa mga silya, Hindi ko na rin inawat pa si Alonzo para mapigil ang pambugbog niya kay Michael, dahil ano pa ba ang dahilan para mabuhay siya? Sa tantiya ko nga ay ilang mga tao na ang napatay ni Michael? Wala siyang puso! "Sabihin mo sa akin, Kung sino ang nag-uutos sa inyo!" Nakakatakot ang boses ni Alonzo, kahit ako na nasa gilid ay nakakaramdam ng takot sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pagsuntok kay Michael, kaya sa pagkakataong iyon ay nakisali na talaga ako sa kanila, "Kung ayaw niyang magsalita.. Tuluyan mo na." Mariing sabi ko. Hindi na nakapagsalita si Alonzo, marahil ay nakakaramdam na talaga ng panghihina, "H—Heaven! T—Tulungan mo ako! P—Papatayin ako ni Alonzo!" I raised my eyebrows, "Well, that's good." Sabi ko kasabay ng pagpalakpak ko, "Mabulok ka sa impyerno, Asshole!" "Tang ina n'yo! Mamamatay rin naman kayo dito! Walang mabubuhay sa inyo! Wala! Wala!" Sigaw niya. Muli kong narinig ang tunog ng chainsaw at namilog ang mata ko nang makita ko 'yung isang lalaki na kanina lang ay iginapos namin. "Heaven! Umalis ka diyan!" Sigaw ni Alonzo, Shét! Sigurado akong matibay ang pagkakagapos naming dalawa ni Alonzo sa lalaking iyon, "Heaven, Tara!"  Mabilis kaming tumakbo ni Alonzo papalabas ng classroom pero bago pa kami makalabas ay may narinig akong putok ng b***l at awtomatikong bumagsak ang lalaking nagtangka sa buhay namin. "Bakit ngayon lang kayo?!" Ani Alonzo sabay batok kay Harold, kasama din niya si William at Angelo. Parang nabawasan tuloy ang kabang nararamdaman ko.. Nakahandusay na 'yung lalaking may hawak ng chainsaw pati na rin si Michael, at habang nag-uusap si Alonzo at sila Angelo ay napatingin ako sa mga kamay nilang may hawak na mga b***l. Sa puntong ito ay nagulo na talaga ang isipan ko, Paanong magkakaroon sila ng b***l sa loob ng Paaralan? Dapat oa ba akong magtaka? Gayong ang iba pa nga ay may iba't-ibang mga patalim na naipapasok sa Ford University? "Okay ka lang, Heaven?" Mabilis akong napalingon kay Henzy, at nang makita ko ang mga kaibigan ko ay agad akong tumakbo papalapit sa kanila. Hindi ko mapigilang hindi mapa-iyak,Kanina ay sobrang nag-aalala ako sa mga kaibigan ko, pero ngayong nakita ko sila ay nakuntento na rin ako. Naglakad na kami papaalis sa building na iyon, at nang makalabas sa building ay doon ko lang naalala na hindi pala ako nakapag-paalam kay Alonzo. "Heaven? Okay ka lang ba talaga?" Tanong sa akin ni Zander. Tumango naman ako at ngumiti, napapatigil kami sa paglalakad sa tuwing may makikita kaming mga bangkay ng tao. Marami sila, pawang mga duguan at 'yong iba pa ay putol ang katawan pati ang ulo. Sa senaryong iyon ay unti-unti na ring nasanay ang pagkatao ko, gabi-gabi na lang na may pinapatay sa eskwelahan, at araw-araw na may nawawala. Hindi ko alam kung saan dinadala ng mga Cleaner ang bangkay na natatagpuan sa School, Hindi ko rin alam kung bakit parang kulang sa aksyon ang Ford H iversith sa mga nangyayari. Sa bawat umaga na paggising ko ay may mababalitaan na lang ako na namatay na pala ang ilan sa amin, 'yung iba pa nga ay hindi na talaga nakikita pa. Maraming araw rin ang lumipas matapos ang pangyayaring hindi ko rin makakalimutan sa tanang buhay ko. 'Yon din ang huling araw na nakita ko si Alonzo, Hindi ko alam pero parang nagi-guilty ako nang hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Kasalukuyan akong nasa cafeteria, mag-isa dahil ang mga kaibigan ko ay nasa kani-kanilang mga klase. Ngayong araw din natapos ang campaign period dahil bukas na ang araw ng eleksyon. Hindi rin matanggal ang kaba ko, dahil marami akong naririnig na ang iboboto at susuportahan daw nila ay si Chloe. Mayroon din namang sumusuporta sa akin, 'yung iba nga ang isang buong section pa, kaya nakakataba talaga ng puso. Habang kumakain ako ng french fries sa cafeteria ay napansin kong naging matahimik sa loob kaya napatigil ako sa pagkain at napatingin sa paligid. Wala naman ah? "Pwede ba akong sumabay kumain?" Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Alonzo na kasama ang mga kaibigan niyang si Harold, William at Angelo. Hindi pa man din ako nakaka-tango, ay umupo na agad sila sa tabi ko at nilantakas ang big fries ko. Hinayaan ko na lang sila, Habang si Alonzo na nasa tabi ko ay panay ang ngiti sa tabi ko. "Kamusta ang campaign, Miss President?" Tanong n'ya na tila nang-aasar sa akin. Napa-irap na lang ako sa kawalan, "Baligtad na 'yan si Boss! Team Heaven na 'yan!" Ani Harold habang lumalamon ng fries. Hindi ko iyon pinansin, Ewan ko ba... "Eh... Paano ba naman kasing hindi babaligtad ng suporta? Eh na-chansingan na niyan ang loves niya ng many times! Hahahaha!" Si Angelo na makapal ang mukha at wala ring tigil sa paglamon ng french fries ko. "Bakit pa ba kayo nandito mga ulupong, huh?! Umalis na nga kayo." Napatawa na lang ako nang makita kong kakamot-kamot sa ulo ang tatlo, "Good luck sa 'yo, Heaven!" Ani William at pagkatapos ay tumingin sa mga taong nasa loob ng cafeteria, "Mga tsong! H'wag n'yong kakalimutan na iboto si Heaven!" Namilog ang mata ko sa sinabi niya, Hindi naman ako dapat na mahiya pero nakaramdam pa rin talaga ako ng hiya sa lahat. Pag-alis ng tatlo ay kaming dalawa na lang ni Alonzo ang natira, kaya pagkakataon ko na ito para makapagpasalamat sa kanya.... Sa pagtulong n'ya sa akin noong nakaraang linggo. "Salamat nga pala sa'yo." Diretsong sabi ko. Hindi naman ako nakatingin sa kanya, nananatili lang ang tingin ko sa mesa, "Para saan?" "Nakalimutan mo na agad?" Natatawang tanong ko. "Salamat sa pagtulong mo sa akin, noong nakaraang linggo. Kung wala ka, siguro ay pinagpe-pyestahan na ako ng mga uod sa lupa." "Wala naman iyon sa akin." Sabi niya pero agad rin niyang binago ang usapan, "'Yung tungkol sa Eleksyon? Kamusta na?" Kibit-balikat ako, "Ayon sa survey, pumapangalawa lang ako... Seventy six percent ang  survey result na para kay Chloe, at ako naman ay Seventy two percent, mas mababa ng apat na porsyento." Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko, para kasing nag-iisip pa siya. "Pero okay lang... Inilaan ko na rin naman kasi ang sarili ko sa pagkatalo." Tumango naman siya, "Pero kahit na anong mangyari, matalo man o manalo, isipin mo pa rin ang kapakanan mo.." "Oo naman..." Dahil matagal ang breaktime namin ay napag-usapan din namin si Michael, "May ideya ka na ba kung sino ang lider nila Michael?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at kumuha ng isang piraso ng fries, "Wala na akong pakialam 'don, Ang imprtante nakaligtas tayo." Marami din kaming napag-usapan, hanggang sa mag-time na. Si Alonzo ay may klase na sa isang major subject samantalang ako ay thirty minutes pa bago makapasok sa susunod na subject. Dahil thirty minutes pa ang hihintayin ko bago ang susunod na subject ko, ay nagpasya akong bumili ng mango shake. Wala lang, trip ko lang na uminom ng mango shake. Pagbalik ko sa table ko ay nakita ko si William, "Pinapunta ako ni Bossing dito. Sabi niya, 'Kupal, Bantayan mo si Heaven sa cafeteria, Wala ka namang klase 'di ba?' So... Ayun, dahil masunurin ako ay sinunod ko ang halimaw na iyon." Natawa na lamang ako sa sinabi ni William, "Gusto mo?" Alok ko sa kanya ng shake habang hinahalo-halo iyon. "Ayoko, makita pa ni Alonzo na iniinuman ko ang shake mo, isipin pa no'n na nag-indirect kiss tayo. Gago pa naman iyon." Muli akong napatawa, "Loko ka." Habang sumisipsip ng shake, ay kung anu-ano ang kine-kwento ni William, sa akin an puro kalokohan. Hindi ko namalayan na paubos na pala ang mango shake ko. Ilang minuto ang nakalipas ay parang may bumabarang kung ano sa lalamunan ko, I could feel my heart beating so fast. I wanted to speak, I wanted to shout but no words came from my mouth. Hindi ko alam kung anong klase ang nainom ko. Pakiramdam ko ay sobrang sakit talaga ng lalamunan ko. Hindi ko na namalayan ang pagbagsak ng mango shake ko sa sahig, kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD