7

1791 Words
Kasalukuyan akong nakikinig sa aming professor. Biology kasi ang subject namin ngayon. Sa kalagitnaan ng klase ay may pumasok sa tatlong lalaki. Hindi ko iyon kilala— Diretso lang silang umupo sa likuran ko. "Class, mayroon kayong quiz. Get one whole sheet of paper." Ani prof. Mabuti na lang at mayroon akong isang pad paper. "Miss.. Pwedeng makahingi ng tatlo?" Napabaling ang paningin ko sa lalaking ngayon lang pumasok. Hindi naman ako madamot kaya binigyan ko na ng tatlo. Madali lang naman ang exam, eh. Kaya nasagutan ko iyon ng mabilis. Sabi ng professor sa amin ay kapag natapos na. Ipasa na lang daw sa kanya ang answer sheet namin at pagkatapos ay pwede na kaming mag breaktime. Paglabas ko ng classroom ay marami ng mga kapwa ko estudyante na nagkalat. Pansin ko rin na panay ang tinginan ng karamihan sa akin pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Pagdating ko sa canteen ay saka ako bumili ng pagkain ko. Burger lang and fries, bumili rin ako ng softdrinks ko. Gusto ko sanang puntahan sa dorm ang mga kaibigan ko pero naalala kong may klase nga pala sila ngayon. Bitbit ko ang mga pagkain at softdrinks na nabili ko, naglalakad ako patungo sa isang upuan nang biglang may bumangga sa akin. Tumapon tuloy yung ilang fries, at softdrinks sa akin. "Oopps, sorry." Si Chloe pala. May kasama siyang tatlong babae na nakangisi sa akin. Kung hindi lang ako tatakbo bilang president ng Ford U ay babanatan ko na ang mga ito. Ano naman kaya ang dahilan nila para banggain ako? Maluwag kaya ang daan. Mabuti na lang at nilubayan na ako ng grupo ni Chloe. Ako naman ay naglakad na patungo sa napili kong pwesto. "b***h!" Napakunot ang noo ko nang biglang may sumampal sa akin, Nang tingnan ko kung sino iyon ay hindi ko naman kilala. "Bakit mo ako sinampal?" Nagtitimpi sa galit na sabi ko. What the f**k? Ano bang mga estudyante mayroon ang eskwelahang ito? Ako na lang yata pati ng mga kaibigan ko ang natitirang normal dito. Tinarayan lang ako ng babae. Nagulat ako nang bigla niya akong sabunutan. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi na ako nakapalag. Ewan ko ba kung bakit niya ako sinabunutan, wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Ni-hindi ko nga kilala ang babaeng ito. "b***h! b***h! b***h!" Alam kong marami ng tao ang nanunuod sa amin. Nasa canteen kasi kami, "Yan ang napapala ng malanding yan!" "Buti nga sa kanya!" Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang sinasabunutan at pinagsisipa ako ng hindi ko mabilang na babae. Wala naman akong naaalala na kasalanang nagawa ko sa nga ito. "What is this?" Nang marinig ko ang boses na iyon ay parang nabuhayan ako ng loob. Tumigil na rin ang mga babae sa p*******t sa akin. Seryoso ang tingin ni Alonzo sa akin, kasama niya rin yung mga kaibigan niya. Lumapit siya sa akin bago niya balingan ng masamang tingin ang mga babaeng kanina lang ay kinakawawa ako. "Ibigay n'yo ang mga pangalan n'yo sa akin." Maotoridad na sabi niya. Napayuko naman ang mga babae, "A—Alonzo.. Sorry.." Ani ng babaeng kulot na nangunguna sa pagsabunot sa akin kanina. Umiling si Alonzo, "Walang sino man ang dapat na manakit sa babaeng ito." Seryosong sabi niya. Lahat ng mata ay nakatingin sa amin. Binigyan ako ng tubig ng mga kaibigan ni Alonzo at tinulungang makatayo. "Gutom ka ba? Ibibili ka namin ng pagkain." Sambit ng isang kaibigan ni Alonzo. Hindi ko sila kilala, pero natatandaan ko sila ang kasama ni Alonzo noong hinahanap ko ang faculty. Engineering ang course nilang magkakaibigan base sa kulay ng ID lace na suot nila. "Ibigay n'yo na sa akin ang mga ID n'yo," sabi pa ni Alonzo sa mga babae. Isa-isang binigay ng nga babae ang ID nila kay Alonzo, madami iyon. Sa tingin ko ah may hindi bababa sa sampo ang bilang. Nakita ko rin mula sa gilid ng aking mata ang grupo nila Chloe na mataray ang tingin sa akin. "May klase ka pa ba?" Halos mapatalon ako sa gulat nang kausapin ako ni Alonzo. "Tumango ako." "Excuse ka muna. Hindi ka pwedeng pumasok nang ganyan ang lagay mo." Aniya Wala ako sa sariling napatango, at hindi ko namalayang sumasabay na pala ako sa grupo nila Alonzo. "Holly Heaven.. Nice name." Sabi sa akin ng maputing lalaki na katabi kong naglalakad sa kaliwa ko, "Ako nga pala si Harold." Ngumiti ako, "Hello." Nahihiya pa rin ako, naalala ko kasi noong tinarayan ko siya. Tinuro niya ang isa pa nilang kaibigan na kumaway sa akin, "Siya si William." Sabi ni Harold. "Mayroon pa kaming isang kaibigan kaso may klase pa siya ngayon, 'yun naman si Angelo." Tumango ako at bahagyang ngumiti. Dama ko pa rin kasi ang sakit mula sa pagkakabugbog sa akin ng mga kababaihan kanina. Tahimik pa rin si Alonzo na naglalakad sa tabi ko. Nahihiya naman ako na kausapin siya dahil ang seryoso talaga ng mukha niya. Habang naglalakad kami sa hallway ay napapakunot ang noo ko lalo na nang masaksihan ko na bawat taong madadaanan namin ay tumutungo sa amin. Parang nagbibigay galang ba? "A—Anong meron? Bakit gano'on?" Tanong ko kay Harold. Ngumiti naman siya at nagkibit-balikat. Sa dorm pala ni Alonzo ang diretso namin. "Dude, anong gagawin natin sa mga nanakit kay Heaven?" Tanong ni William kay Alonzo. "Hindi ko alam." Kibit-balikat niya. Napatikhim ako, "Alonzo, bakit mo ba ako sinama rito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin, "Gagamutin ko na muna 'yang mga sugat mo, bago ka umuwi." Mabilis akong umiling. "Kaya ko namang gamutin itong mga sugat ko," at isa pa, nurse ang kinukuha ko. May alam naman ako tungkol don, kaya ko naman ang sarili ko. "Nurse ang course ko. Kaya ko na ang sarili ko." "Ako na muna ang Nurse sa ating dalawa ngayon." Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Baka kasi mamaya ay bigla na naman siyang magalit. Ilang minuto lang ang nakalipas, natapos rin naman ni Alonzo ang paggamot niya sa sugat ko. Ang seryoso niya rin pala kahit gano'on. Habang ginagamot niya kasi ako ay seryoso lang siya sa ginagawa niya. "Alonzo, bumaba sa Rank 15 si Chloe." Sabi ni William. Agad na nanlaki ang mata ko, Rank 15? Parang ang bilis naman yatang bumaba ng Ranggo ni Chloe? "I don't care." Sagot ni Alonzo. Mas namilog ang mata ko sa gulat. Alam ko naman na nag-break na sila ni Chloe pero tama bang walang pakialam si Alonzo sa kaniya? Kahit papaano naman ay mayroon silang pinagsamahan. Tumawa lamang si William at Harold. "Sabagay. Nandiyan naman si Holly Heaven of your life.." Halakhak ng mga ito. "f**k you! Ano bang mga sinasabi n'yo?!" Galit na usal ni Alonzo sa mga kaibigan niya. Napailing na lamang ako, Malalakas din pala ang trip ng mga ito. "Eh di, bakante pala 'yung Rank 8 ngayon?" Tanong ko sa kanila. Timikhim naman si William, "Yup." "Ano bang Rank n'yong dalawa?" Tanong ko sa kanila. "Rank 4 ako." Sabi ni Harold kaya agad na nanlaki ang mata ko. Rank 4?! "Ako naman, 5." Sabi ni William. Unti-unting bumilis ang paghinga ko. Kaya naman pala habang naglalakad kami sa hallway kanina ay panay ang pagbigay ng galang ng nga tao sa mga kasama ko. "'Yung isa pa naming tropa na si Angelo, TOP 6." Napalunok ako. Kinakabahan din ako dahil ang tataas pala ng mga ranggo ng kasama ko. Matatas ang posisyon nila dito. "Alonzo. 0.5 lang ang puntos na lamang mo kay Iñigo sa pagiging Rank 1." Sabi ni William. Umiling naman si Alonzo, "Wala akong pakialam sa gagong iyon." Naguguluhan ako sa mga naririnig ko. Wala pa kasi akong masyadong alam tungkol sa mga naririnig ko sa kanila. Bago lang kasi ako sa eskwelahang ito. Hindi ko rin kilala kung sino ang Iñigo na tinutukoy nila. Sa laki at sa dami kasi ng mga nag-aaral sa Ford University ay mahirap hagilapin ang tinutukoy nila. ---------- NANG makauwi ako sa dorm naming magkakaibigan ay pinagtulungan nila akong tanungin. Nalaman kasi nila na may mga nanakit sa akin sa canteen kanina. Sinabi ko na sa kanila ang totoo. Galit na galit tuloy sila sa mga nalaman nila. "Di bale.. kapag naging president ka na, hindi ka na nila magaganiyan." Ani Denise. "Di 'ba, Henzy?" Tumango naman si Henzy, "At isa pa, kapag naging mataas ang Ranggo mo. Mananatili kang safe sa paaralang ito— at siyempre, dahil kaibigan mo kami. Dapat hindi mo kami iiwanan sa ere." Natatawang sabi niya. "Bakit ko naman kayo iiwanan?" Kibit-balikat sila, "At isa pa, hindi ko nga alam kung mananalo ako dahil maraming galit sa akin. Malakas din ang kalaban ko," "Alam mo, pakiramdam ko— Si Chloe ang may pakana ng lahat ng ito. Siguro ay inutusan niya ang mga babaeng nanakit sa 'yo." Ani Denise Alam kong maraming galit sa akin. Ramdam ko iyon. Hindi ko nga alam kung ano ang dahilan nila kung bakit galit na galit sila sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang nagawa ko kay Chloe. Pakiramdam ko nga ay nawawalan na ako ng pag-asa sa presidency. Malakas kasi si Chloe sa karamihan. Sikat na at nasa League pa. "Malakas ang hatak mo sa mga IT students. Maraming nagkakagusto sa 'yo don." Natatawang sabi ni Henzy. Sila Luis at Zander ay wala sa Dorm. Bumili kasi sila ng makakain namin. Napa-iling na lamang ako, "Hindi nga ako nakakarating sa Building n'yo tapos maraming nagkakagusto sa akin?" Natatawang tanong ko. "Basta ayun ang naririnig ko, at saka suportado ka na ng mga kablockmates namin, eh." Sabi ni Denise, "May naririnig din ako na susuportahan ka din daw ng mga engineering students." Napalunok ako sa gulat, "Engineering? Bakit naman? Hindi ba, Sikat si Chloe 'don." "Ewan ko.." Kibit balikat ni Denise, "Bakit hindi mo tanungin si Alonzo? Hindi ba, Engineering 'yon? Eh alam mo naman na malakas ang hatak 'non." Sabi pa niya. Napatahimik na lamang ako. Ang inaasahan ko na susuportahan ni Alonzo ay si Chloe dahil kilala na niya si Chloe. Hindi ko inaasahan na ako ang susuporthan niya. Wala namang nabanggit sa akin si Alonzo na susuportahan niya ako; basta ngayon, ay hindi na muna ako aasa na mananalo ako. "Sa Tourism ka lang siguro matatalo niyan, Heaven.. Tourism si Chloe, di 'ba?" Tumango ako, "Sa Monday na ang start ng kampanya." Tatlong-araw mula ngayon. "Gumagawa na kami ng mga flyers ni Denise." Sabi ni Henzy, "Tapos, sila Zander at Luis naman ay nagpapagawa ng mga tarpaulin, Kukuhanin na nga nila ngayon don sa book store.." Wala ako sa sariling napangiti. Nagtutubig din ang gilid ng mata ko. "Kakayanin mo 'yan, Heaven! Kaibigan ka namin! Sigurado kami na mananalo ka!" Ani Denise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD