6

836 Words
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay na dumadagan sa may bandang tiyan ko. Nang imulat ko ang mata ko ay nanlaki agad ang mata ko lalo na nang makakita ako ng braso. Napakunot ako nang maalala kong kasama ko nga pala si Alonzo. Sa dorm niya ako natulog. Nang tignan ko siya ay tulog pa rin siya. Mahina pa siyang humihilik-hilik, kaya naman dahan-dahan kong tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akin. Umupo muna ako sa kama, at pagkatapos ay saka ako nakigamit ng banyo. Nagmumog lang ako dahil wala naman akong toothbrush dito. Paglabas ko ng banyo ay sumalubong sa akin si Alonzo na kakagising lang. Tumayo siya at dumiretso din sa banyo. Hmp! Ang snob naman niya! Hindi ba niya alam na naririto ako? Gusto ko na sanang bumalik sa dorm ko—Kaso nakakahiya naman kung hindi ako magpapaalam kay Alonzo. Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na rin mula sa banyo si Alonzo.... At namilog ang mata ko nang makita kong topless siya. Wala siyang suot na pang-itaas na damit. Naka-boxers lang siya at may tuwalyang naka-sabit sa balikat niya. "Alonzo, Babalik na ako sa dorm ko." Sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo. "Salamat pala, ah." Bubuksan ko na sana ang pintuan anng bigla siyang magsalita, "Samahan na kita." Aniya. "Hintayin mo na ako," Sabi pa niya. I sighed. "Okay." Pagkatapos niyang magbihis ay muli niya akong tinawag, "Heaven, Halika na." Nang makalabas sila sa Dorm ay sumalubong agad si Chloe na may nanlalaking mata. "Oh my god! What is this?!" "Ahm." Napalunok ako. "B—Black out na kasi kagabi kaya napatuloy ako sa dorm ng boyfriend mo.. Hindi ko naman alam na—" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong sinampal. "Chloe... Mali ka ng iniisip." Ani Alonzo. "You damn girl!" Nanlilisik na sigaw sa akin ni Chloe, "Malandi ka pala! I swear to hell! I will kill you!" Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya, "Mali ka ng iniisip." Sabi ko. Mabilis ang bawat paghinga ko. Kinakabahan ako dahil posible din namang gawin sa akin ni Chloe ang bagay na iyon. "Heaven, Mauna ka na.." Sabi sa akin ni Alonzo. Wala ako sa sariling tumango at mabilis na naglakad paalis sa lugar na iyon. Nang makarating ako sa dorm ay agad akong sinalubungan ng mga tanong ng kaibigan ko. "Anong nangyari? Nasaan ka ba kagabi?! Hindi kami nakatulog kaka-alala sa 'yo!" Naghi-hysterical na sabi sa akin ni Denise habang yakap-yakap ako. "Mabuti na lang at safe kang nakabalik dito." Ani Henzy Nalaman ko na hinahanap pala ako nila Zander at Luis sa labas. Sabi kasi sa akin iyon nila Henzy. "Si Zander, Hindi mapakali kaka-isip sa 'yo, Alam mo naman 'yong lalaking iyon." Sabi ni Denise. Lahat ng nangyari kagabi ay kinwento ko sa kanila. Gulat na gulat sila at alalang-alala. Galit na galit din sila sa ginawa sa akin ni Chloe. "Dapat lumaban ka! Sinampal mo rin siya, kaliwa't-kanan." Nagngingitngit na sabi ni Henzy, "Kung hindi lang siya kabilang sa golden league. Malilintikan sa akin ang bruhang iyon!" Napangiti na lamang ako, "Hayaan n'yo na, mali naman talaga siya ng naiisip niya." Nagpahinga lang ako saglit at pagkatapos ay naligo na, papasok na kasi ako. Nagpaalam na ako sa kanila at akmang bubuksan ko na ang pintuan nang kusang bumukas iyon, sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Zander, pati ni Luis." Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakayakap niya sa akin, "Tang ina! Kinabahan ako! Akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo!" Ani Zander habang yakap-yakap ako. "Ano ka ba naman, Zander." Natatawang sabi ko. "Salamat nga pala sa inyo, ah?" Ani ko at saka binalingan din ng tingin si Luis. "Sa susunod, mag-ingat ka na." Paalala niya. Tumango ako, "Salamat, Luis." Nagpaalam na rin ako sa kanila. Papasok na kasi ako at baka ma-late pa ako ng pasok, "Samahan na kita. Mahirap ang mag-isa." Sabi ni Zander. Hindi na ako nagpa-awat pa sa gusto niyang mangyari. Nag-aalala kasi siya talaga sa akin lalo na nang ikwento ko rin sa kaniya yung nangyari pati yung pagbabanta ni Chloe sa akin. "Kailan na pala pwedeng manganpanya? Tutulungan ka kasi ng section namin, nakausap ko na 'yung mga kaklase ko." Ani Zander habang naglalakad kami patungo sa classroom ko. "Next week pa naman." Sabi ko. "Basta sabihan mo lang ako... Pati sina Denise, Henzy at Luis ay tutulong din. Nakausap na din nila 'yung mga kaklase nila." Pagak akong napangiti. "Thank you talaga sa inyo, ah?" "Wala iyon." Aniya mas lalo akong napatawa nang kurutin niya ang ilong ko, "Ang ganda mo talaga." Napatigil lamang iyon nang may marinig kaming bulong-bulungan. Naglalakad kasi kami sa hallway. "Ang landi pala talaga ng transferee na 'yan!" "Balita ko, tatakbo daw siya for president! Hindi ko boboto 'yan!" "Patay siya kay President Chloe." Hindi ko na lamang pinansin iyon, "Are you okay?" Tanong sa akin ni Zander. Tumango ako. "H'wag kang mag-alala, nandito naman kami ng mga kaibigan mo. Hindi ka namin iiwan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD