8

1655 Words
"Sigurado ka ba talaga sa naiisip mo?" Natatawang sabi ni Henzy kay Luis. It's already six am in the morning at gising na nga kaming magkakaibigan, Kasalukuyan kami ngayong nasa aming kwarto. Magkakasama kaming lima, dahil gumagawa ang mga kaibigan ko ng plano. Pakulo nila, para sa darating na kampanyahan. Natutuwa nga ako sa naiisip ni Luis at Zander, eh. "Sa gwapo naming 'to. Malamang pipilahan kami ng mga kababaihan." Pagmamahabang naman ni Luis. Tuluyan na akong napatawa. Paano ba naman kasi ay may binabalak sila para sa darating na election period. Free hugs daw para sa kanilang dalawa ni Zander, kapalit ng pagsuporta sa akin. Mga loko-loko talaga. "Ayaw n'yo na lang maging supportive sa amin ni Luis." Ani Zander. Tumunghay ako mula sa pwesto ko. "Alam n'yo. Hindi naman kayo dapat na magpaka-focus ng husto sa election, ano." Pagpupukaw ko ng atensyon sa kanila, "Ang importante lang naman ay kung paano tayo mananatiling ligtas sa paaralang 'to." Sabi ko pa. Tumango si Henzy, "Sabagay, pero mas malaki pa rin ang advantage natin kung mananalo ka nga bilang President." Aniya pa. "Hindi n'yo ba napapansin ang pagbabago?" Ani Henzy. "'Yung parang, wala nang nananakit sa 'yo nitong mga nakalipas na araw... I mean... Hindi ka na pinagpepyestahang saktan ng mga war freak na girls, parang takot na nga sila sa 'yo." Sabi ni Henzy. Limang araw na ang nakalilipas nang mapagtulungan ako ng mga kababaihan sa Canteen. Nakakapagtaka lang dahil sa tuwing nag-iisa ako ay parang iniiwasan ako ng lahat. Hindi ko nga maisip kung bakit at paanong mangyayari iyon. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Hindi naman ako nakakatakot. "Napapansin ko nga." "Well, that's good." Sabi ni Denise, "Mas maganda na nga 'yung hindi ka pinagtutulungang saktan ng mga tourism na students na iyon." "Wala naman kasi silang dapat na ikagalit kay Holly." Ani Zander. Napatingin ako sa kanya. He looks so serious, "Dahil kapag naulit na naman yung ginawa nila kay Heaven, Baka kung ano na ang gawin ko sa kanila. Baka hindi ko na sila matantiya." Kinuha ko ang bag ko mula sa likuran ng pintuan at inayos ito. "Ano na nga palang balak natin para maka-alis dito? Mayroon na ba kayong nasagap na any information?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Luis. Saglit na napatahimik ang lahat. Ako nga ay napatigil sa ginagawa ko. "Kapag tina-try namin ni Denise na kausapin si Miss Clara from Admission. Hindi naman niya kami sinasagot sa tuwing tinatanong namin siya." Ani Henzy, "Sa classmates namin, Hindi naman daw din nila alam." I cleared my throat, "Nabalitaan n'yo ba 'yung namatay na accountancy student last friday? Dahil nagtangka siyang lumabas ng Ford University." Sabi ko. Kahapon ko nga lang nalaman ang tungkol doon. Ikinwento sa akin ng classmate ko na si Rhea. Hindi ko naman alam na may gano'on na pangyayari. Ilang araw na rin kasi ang nakalilipas noong manahimik ang mga night killers. Wala nga akong nababalitaan na pinapatay nila sa tuwing black out— Itong friday lang ang huli. "Sabi sa akin ng Classmate ko, may natagpuan na chop-chop na body sa may south park ng Ford University noong friday. Nagbalak daw itong tumakas.. Tapos, siguro, nahuli? Black out kasi nang magtangka siyang tumakas." "Ibig sabihin. Alam niya ang daan palabas? Tatakas siya, eh." Sabi ni Zander. "...at pinatay siya dahil lang tatakas siya?" Naguguluhang tanong niya. I quickly nodded, "Ayan din ang naiisip ko." "Ibig sabihin ay may mga estudyante rin na nakakaalam ng daan palabas dito?" Tanong ni Denise, "Dahil imposibleng wala maski isa sa kanila." Napahinga ako ng malalim. Tama ang naiisip ni Denise. Sa dinarami-rami ng estudyante sa Ford University. Imposible namang wala maski isa sa aming lahat ang nakaka-alam ng daan palabas ng paaralan. Sa tingin ko ay kahit si Miss Clara from  Admission ay alam ang daan palabas ng University pero hindi lang nito sinasabi sa amin. 'Yan din ang isa sa dahilan kung bakit nahihirapan kaming makakuha ng informations about sa gate lalabas dito. Mahirap makahanap ng impormasyon. Kung may nakakaalam man ay ayaw namang magsalita, nananatiling tikom lang ang bibig nila. "Sa ngayon, manahimik na lang muna tayo tungkol sa bagay na iyan." Ani Luis, "Mas mabuti kung pagpaplanuhan natin ng maayos ang pag-alis dito." "Paano natin magagawang maka-alis, eh delikado nga." Sabi ni Henzy. "Hindi naman natin kailangang magmadali." Sabi ko. Ibinaba ko ang inaayos kong bag sa lapag, "Ang mas kailangan natin ay kung paano natin mapapanatiling safe ang bawat isa sa atin.." Mas mabuti kasi kung safe kaming lahat na magkakaibigan dito hangga't hindi pa rin namin nalalaman ang daan palabas. Kapag nalaman namin ang daan ay saka kami magpaplano ng aming hakbang. Sa ngayon ay kailangan na lang muna naming makisakay sa nakakatakot na mga nangyayari dito sa Loob ng Ford University, ayaw kasi naming mapalagay sa peligro at mapanganib ang buhay naming lahat. Isa-isa silang tumango, "At kailangan din nating malaman kung anu-anong mga grupo ang nagkakalat tuwing black out—Sila ang mga pumapatay tuwing black out." At 'yun ang misyon ko.  Kailangan kong malaman kung sino ang mga nasa likod ng mga pagpatay sa mga kapwa ko estudyante ng Ford University.  ——— Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Nagprepara kasi ako dahil ngayon ang unang araw ng kampanyahan. Hindi ko naman maiwasang kabahan, dahil malakas at marami rin namang supporters ang kalaban ko na si Chloe. It's already 7 o'clock in the morning. Gising na rin ang mga kaibigan ko dahil tutulungan pa nila ako na mangampanya. Mamaya pa naman ang pasok nila sa klase nila kaya napagpasyahan nila akong tulungan. Paglabas namin ng dorm ay bumungad na agad sa amin ang poster nila Chloe. Nakapaskil iyon sa sa harap ng unit naming magkakaibigan. VOTE STRAIGHT! VOTE BLACK PARTYLIST! Chloe Mari Madrigal for PRESIDENT  (BS TOURISM) Michelle Buenaventura for VICE PRESIDENT (BS COMPUTER SCIENCE) Nathan Allan Castro for SECRETARY (BS EDUCATION) Slyvia Marquez for TREASURER (BS TOURISM) VOTE WISELY! VOTE BLACK PARTYLIST! "Guys, Tara na! Maglalagay pa tayo ng mga tarpaulin sa gilid ng building." Malakas na sabi ni Zander. Naglakad kami pababa. Sa bawat makakasalubong ko ay nakikipag-shake hands ako. Ngumingiti rin ako sa kanila. "Holly Heaven Assistio for President po, United Party." Sabi ko sa isang babae na naka-uniform ng pang nurse. Ka-course ko siya for sure. Ngumiti siya, "Ikaw pala 'yung representative namin. Good luck sa 'yo." She said. "Salamat." Paglabas namin ng building ay pinagtulungan naming isabit ang tarpaulin na ipinagawa nila Zander noong isang araw pa. Napangiti ako nang makita ko ang nakasulat. FORD UNIVERSITY! LET'S UNITE!  LET'S VOTE UNITED PARTY! PRESIDENT: Holly Heaven Assistio  (BS NURSING) VICE PRESIDENT: Arthur De Leon  (AB COMMUNICATION) SECRETARY: Angelika Mae Manalo  (BS COMPUTER ENGINEERING) TREASURER: Theon Cristobal (BS ACCOUNTANCY) LET'S UNITE!  LET'S MAKE FORD UNIVERSITY GREAT AGAIN! UNITED PARTY! Nakita ko ang mga ka-partido ko na sina Arthur, Angelika at Theon. Lahat sila ay may suot-suot na t-shirt na kulay white na may naka-print na "UNITED, WE STAND TOGETHER!" Binigyan nila ako at pati na ang mga kaibigan ko. "Isuot n'yo na 'yan at sabay sabay na tayong mangampanya. Wala pa rin naman kasi kaming klase." Sabi ni Arthur, kasama niya sina Angelika at Theon na kapwa may mga bitbit na mga flyers. Pumunta kami nina Henzy at Denise sa comfort room habang sina Luis at Zander ay sa labas na lang nagpalit ng damit. Mga loko-loko talaga ang mga kaibigan kong iyon. Pinagtitinginan tuloy sila ng karamihan sa labas at tinotoo nga nila ang free hugs pero may kapalit sa tuwing yayakapin si Zander at Luis. Kailangan ay humingi sila ng flyers para mayakap nila ang mga kaibigan ko at ang mga lokong kaibigan ko naman ay tuwang-tuwa sa kalokohang ginagawa. Paglabas namin ng comfort room ay tama nga ako, pinipilahan nga sila Zander. Marami silang hawak na flyers. "Oh sige na po, hug na tayo. H'wag mong kalilimutan ang kaibigan ko, ah? Holly heaven." Ani Zander nang maibigay ang flyers sa isang babae, gayundin si Luis. "Oh my gosh!" Tili ng babae. Napa-iling na lamang ako. "Zander! Luis! Mamaya na 'yan! Mag-iikot pa tayo nina Heaven!" Sigaw ni Denise sa kanila. Mahaba pa naman ang oras two hours pa ang hihintayin ko bago mag-start ang klase ko. Naglalakad-lakad kami sa Park ng Ford University. Maraming mga pakalat-kalat na estudyante. Siguro ay wala pa silang mga klase. "Hi, Heaven!" Bati sa akin ng isang babae na hindi ko naman kilala. I smiled to her, "Hello." "I'll vote for you! Gusto ko na nang pagbabago!" Aniya at napapangiti na lamang ako. Nilibot namin ang buong Park. Enjoy din naman dahil maraming nagsasabi na iboboto daw nila ako. Hindi naman ako gano'ong ka-confident na mananalo ako. Hindi ko rin kasi masasabi kung mananalo nga ako. Marami rin kasi akong nakikita na supporters ni Chloe. Hindi nga ako pinapansin, eh. Nilalagpasan lang nila ako. Mas maganda na rin naman yun, parang walang g**o. "Heaven! Si Alonzo 'yun, ah?" Sabi ni Henzy sa akin habang may itinuturo sa hindi kalayuan mula sa amin. Napakunot ang noo ko nang makita kong may akbay-akbay siyang babae— at kung hindi nga ako nagkakamali ay si Chloe iyon. Naka-suot silang pareho ng kulay black na damit na may naka-print na, "Vote Black." "Akala ko ba, break na sila nung Chloe na 'yun?" Bulong sa akin ni Denise. Kibit-balikat ako, "Hindi ko alam." Ilang araw ko nang hindi nakikita si Alonzo, nakalipas nga rin ang sabado at linggo ay hindi ko siya nakikita— Wala naman akong pakialam kung hindi ko siya nakita. Hindi lang ako makapaniwala na nagkabalikan na pala silang dalawa ni Chloe? Pero kailan pa? Pero in the first place, inakala ko talaga na susuportahan ako ni Alonzo. 'Yun kasi ang bali-balita ng karamihan. Sabi na nga ba, eh. Huwag umasa sa sabi-sabi kung hindi naman ito lehitimo. "Tara sa College of Education! Doon naman tayo mangampanya." Sabi ni Luis. Wala na tuloy. Parang nawawalan na ako ng ganang mangampanya. Wala na. Talo na, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD