13

1262 Words
"Heaven!" I almost cried pero nang makita ko si Alonzo na umupo sa tabi ko ay nabawasan ng kaunti ang kabang nararamdaman ko. "Bakit ka nandito? Hindi ba, nasa labas ka kanina?" Sabi ko na kahit papaano ay nawala rin ang kabang nararamdaman ko. Hindi naman siya nagsalita at sa halip ay kinuha na lamang niya ang bottled water niya sa backpack niya at saka iyon iniabot sa akin. "Uminom ka na muna." I suddenly relieved, napatingin ako sa ilang mga kapwa namin estudyante na na naiwan din sa dito sa gymnasium, hindi na ganoo'ng karami ang mga estudyanteng naiwanan rito. Siguro ay nasa mahigit twenty kami. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nang medyo maka-recover ay saka ko muling binalingan ng tingin si Alonzo, "Hindi pa ba tayo pwedeng lumabas?" "Naghahanap pa ako ng paraan para makalabas tayo dito." Tumango na lamang ako, Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa amin at kung bakit kami naiwanan dito sa gymanasium. "May kinalaman ba ang mga department head sa nangyayari ngayon?" Tanong ko kay Alonzo nang maisip ko ang bagay na iyon. Ang mga Department Head, Teachers at Security ay hindi na namin nakita dito sa loob ng gymnaisum kaya nagtaka ako. "Hindi natin masasabi 'yan." Napahinga naman ako ng malalim, "Hindi ba, kayo ang may-ari ng school na ito? Hindi ba dapat ay alam mo ang lahat?" I asked. Hindi naman siya sumagot, sa halip ay tumayo siya at naglakad-lakad sa paligid ng nakasarang gymnasium, na tila naghahanap ng paraan para makalabas kami sa loob nito. "P—Paano kaya tayo makakalabas dito? Kinakabahan na talaga ako...." Narinig kong sabi ng isang babae na halos kalapit ko lang mula sa kinape-pwestuahn ko. Dahil medyo madilim ay halos hindi ko na maaninag ang iba pang mga estudyanteng tulad namin ay na-iwanan din dito, kalimitan ay pawang mga umiiyak at natatakot. Hinanap ng aking tingin si Alonzo, at nakita ko siya sa may dulong bahagi ng gymnasium at may kinaka-usap na iba pang mga lalaki na tulad namin ay na-stuck rin dito. Tumayo ako at lumapit sa kanila, "'Kailangan nating butasin 'yung bintana na malapit sa stage, 'yun na lang siguro ang tanging paraan para makalabas tayo dito." Sabi ni Alonzo na sa tingin ko ay may mga pitong lalaki. 'Yung isa pa ay classmate ko sa isang subject. Tumingin naman sa akin si Alonzo, at naglakad palapit sa akin. Tinanggal niya ang pagkakasukbit ng bag niya at saka iyon ibinigay sa akin, "Dito ka na lang muna, Kailangan lang naming sirain 'yung bintana para makalabas na tayo dito." Wala na akong nagawa kung hindi ang lumapit sa grupo ng mga kababaihan, "H—Heaven... Naririnig mo rin ba 'yung mga nagsisigawan sa labas?" Umiiyak na sabi ni Jennica, na classmate ko din sa Biology Science. Napa-kunot ang noo ko nang may marinig nga akong mga ingay mula sa labas. "Mukhang may nangyayari ngang hindi maganda sa labas." Sabi ng isang babae na katabi ni Jennica. Muli akong napahinga ng malalim at mariing napahawak sa noo ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko para makalabas sa nakasarang gymnasium na ito. Sino naman kaya ang may pakana nito? Wala naman kasi akong ideya kung sino. "Heaven.." Tawag ni Alonzo. "Mayroon na tayong madadaanan papalabas dito, pero sa liit ng butas sa bintana ay dapat isa-isa na lang tayong dumaan don." Ani pa ni Alonzo. Kinuha niya ang bag niya na hawak ko bago niya muling tignan ang mga kasama namin. "Mauna na kayo, bilisan na lang ang kilos para hindi masayang ang oras." Nang makalapit kami sa gilid ng stage, ay doon ko lang din nakita na mayroon palang isang bintana, na sa tingin ko ay dating pinaglagyan ng exhaust fan. "Oh.." Nagulat ako nang abutan ako ni Alonzo ng isang panyo. "Pawis ka na, punasan mo na muna 'yan." Aniya. Kinuha ko ang panyo at hindi na lang ako umimik. Noong kami nalang dalawa ang natitira ay saka niya ako inalalayan para maka-apak sa dulo ng upuan, para maabot namin ang butas ma bintana. "Sige, Ikapit mo 'yang kamay mo sa bakal. Akong bahala sa 'yo dito.." Ani Alonzo. Mayroong isang bakal na kakapitan sa may bandang itaas, kaya doon ko ikinaoit ang kamay ko, habang si Alonzo naman ay hawak-hawak ang dalawang paa ko at inaalalayan ako. Sobrang liit naman pala ng butas — Akala ko pa nga ay hindi ako magkakasya sa liit non, mabuti na lamang at inalalayan din ako ng iba. "Ano 'yung maingay?" Naguguluhang tanong ko sa mga kasama namin. Nakarinig kasi ako ng mga sigawan at tila tunog ng makina. Hindi ko naman masigurado kung sigawan nga ang naririnig ko. "Hindi din namin alam, Heaven. Pero sigurado ako na, hindi maganda ang nangyayari." Unti-unti na namang lumakas ang t***k ng puso ko nang marinig ko na naman ang malalakas na sigawan. Pumasok rin sa isipan ko ang mga kaibigan ko. Ano na kayang nangyari sa kanila? Sana okay lang sila. Nauna na ang ibang mga kasama namin kanina. Ang sabi nila ay pupuntahan na din daw nila ang mga kaibigan nila. Kaya kaming dalawa na lang ni Alonzo ang naiwan dito. Si Alonzo naman ay nasa tabi ko, habang bantay-bantay ang paligid. Nasa Psychology Building pala kami, at wala ni-isang mga estudyante ang narito. "May massive attack na nagaganap ngayon sa labas." Aniya kaya agad na napabaling ang tingin ko sa kanya. "Paano mo nalaman?" Nakita ko ang pag-alon ng Adam's apple niya, "'Yung mga dumating na bisita ng Ford University. Hindi naman talaga seminar ang pakay nila." Mariin akong napapikit, "B—Bakit pa kasi kailangan pa nilang p—pumatay ng mga tao." "Hindi ko alam... 'Yan din ang katanungan sa isip ko." Mahinang sabi niya. Muling napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ba, anak ka ng may-ari ng Ford University?" Kumot-noong tanong ko. Bumuntong hininga naman siya at saka ulit nagsalita, "W—Wala naman akong control sa eskwelahang 'to." "W—Wala? P—Pero may kinalaman ka nga?" Hindi naman siya sumagot sa halip ay pinagdikit niya ang dalawang kamay niya at pinagkuskos iyon. "M—May kinalaman ka ba talaga sa mga nangyayari ngayon, Alonzo?" Nanatiling tikom ang bibig niya habang nakatingin sa sahig. Hindi ko alam kung tama nga ang hinala ko, magsasalita pa sana ako nang may marinig muli kaming sigaw. "Tulong! Tulong! Tulong!" Ang kinape-pwestuhan namin ni Alonzo ay nasa tapat lamang ng hagdanan, kaya namilog ang mata ko nang makita kong may tumatakbong babae pababa sa hagdanan. Lalapitan ko sana ang babae nang bigla akong hilahin ni Alonzo papasok sa isang classroom. Dahan-dahang sinara ni Alonzo ang pintuan at sakto namang nasa harapan na ng classroom ang babaeng nanghihingi ng tulong. "P—Pero nag-iisa siya.." Kinakabahang sabi ko. "Sshhh.." Magsasalita na sana ulit ako nang may marinig akong tila tunog ng makina. Sa puntong ito ay naka-tikom sa bibig ko ang kamay ni Alonzo. "Shít!" Muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang isang naka-maskarang lalaki na may hawak ng chainsaw, nanginig ang katawan ko sa sobrang takot nang makita ko kung paano kinawawa ng lalaki ang babaeng kanina lang ay tumatakbo at nanghihingi ng tulong. Putol na ang katawan, at pugot na rin ang ulo. Puro takot at tensyon lamang ang nararamdaman ko, at sa pagkakataong 'yon ay naalala ko rin ang mga kaibigan ko. Alam kong tulad namin, ay nasa delikado rin ang kalagayan nila. Hinawakan ni Alonzo ang kamay ko at saka pinisil ng marahan, "'Wag kang matakot. Nandito lang ako." Halos mapalundag kami sa gulat nang may kumalabog sa pintuan ng classroom, "May tao ba diyan?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD