12

1486 Words
Ikinuyom ko ang aking kamao nang marinig ko ang sinabi ng jerk na si Alonzo Ford. Walang sali-salita ay sinuntok ko siya sa kanyang mukha. "What the hell do you think you're doing?!" Pabalyaw na sabi niya sa akin. Mabilis ang bawat pagkabog ng dibdib ko. I even don't remember kung bakit ba ganoo'ng kalapit si Alonzo sa akin. Nasa harapan ko lang siya, at talagang inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. "Bakit mo ako sinuntok, ha?!" Mahina ngunit nakaka-panindig balahibo na sabi niya sa akin. Napansin kong biglang sumenyas si Alonzo, at sa isang iglap lamang ay nawala na ang ibang mga taong nakatingin sa amin. Kaya ngayon, kaming dalawa na lang ang narito. "Hindi ka ba talaga magsasalita ha?" Bulong niya sa akin, ramdam ko ang hininga n'yang humahaplos sa gilid ng tainga ko. "Tignan mo ginawa mo. Pinadugo mo ang labi ko." Napadako ang aking tingin sa labi niya. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sobrang lapit talaga namin sa isa't-isa. "Ikaw kasi... Kung anu-ano sinasabi mo kanina, May pa- 'die—dye' ka pang nalalaman." Sabi ko at umatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likuran ko. Pero kahit na anong iwas ko ay talagang lumalapit siya sa akin na tila nang-aasar pa. Nakita ko ang pagngisi niya at paghawak niya sa labi niya. "Di ba, sabi ko. Ako ang magiging security mo." I cleared my throat, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. "Babalik na ako sa dorm ko. Sinira mo lang ang gabi ko." I was about to walk nang hawakan niya ang braso ko, "Hindi ka pwedeng umalis, mainit ang mata sa 'yo ng kalaban." Doon ko lang naalala na, Black out nga pala. Delikado kung maglalakad akong nag-iisa sa labas. "So ano... Dito ako whole night?" Tumango naman niya at ngumisi, "Kamusta na nga pala ang campaign mo? Success ba?" Pagbabago niya ng usapan. "Next day ko pa itutuloy ang pangangampanya. Hindi ba, may mga bisita sa school bukas?" Habang nag-uusap kami ay naglalakad kami patungo sa isang kwarto. Hindi naman talaga ako pamilyar sa lugar na ito, ngayon lang naman kasi ako nakarating rito kaya wala akong nalalaman dito. Pumasok kami sa isang kwarto na wala namang laman kung hindi kama at isang aircon, mayroon din namang banyo. Sa lagay kasi ng lugar na ito ay mukha talagang sinikreto ang pagre-renovate ng lumang building na ito. "Dito ka na lang muna matulog ngayong gabi. H'wag kang mag-alala safe ka dito." Mahinang sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon, kung matutuwa ba ako kung magagalit pa lalo sa lalaking nasa harapan ko. "Eh saan ka matutulog? Iiwanan mo ako?" Agad na tanong ko. Umiling naman siya, "Kwarto ko din 'to. Ikaw na lang muna ang matulog at okay na ako sa labas." Huh? Kwarto niya? "Dormitory ba itong building na ito?" Tanong ko. Muli siyang umiling, "Sige na matulog ka na. Sa labas na lang ako, babatayan kita." Napahinga ako nang malalim nang isara na niya ang pintuan. Naiwan tuloy akong nakatulala at mag-isa sa loob ng tahimik na kwartong ito. Sa puntong ito, naguguluhan ako kung bakit ganoo'n na lamang si Alonzo sa akin. Pansin ko kasi na parang gusto niyang bantayan niya ako, kahit naman wala akong sinasabi ay siya na talaga ang nagpi-presinta. Pala-isipan din sa akin kung bakit narito din si Alonzo sa lugar na ito. May nasabi kasi sa akin si Harold kanina na, Myembro siya ng Black Mask Org. Hindi kaya miyembro rin si Alonzo sa grupong iyon? Kinaumagahan, ala-sais pa lang ng umaga ay mulat na ang mata ko. Ilang minuto pa akong nanatiling nakahiga at pagkatapos ay bumango na rin sa kama. May naka-handang damit at twalya para sa akin, na nakapatong sa may kama ko Sigurado naman ako na si Alonzo ang naglagay ng damit sa kamang hinigaan ko wala nang iba. Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako ng kwarto, at pabungad na pagbungad ko ay nakita ko si Alonzo na naka-upo sa isang silya habang nakapikit ang mga mata. Napa-iling tuloy ako. Hindi ko man lang naisip na sana ay pinapasok ko na siya sa kwarto niya kagabi. Napatawa ako nang bigla niyang hawakan ang labi niya na hanggang ngayon ay namumula pa rin dahil sa pagkakasuntok ko sa kanya kagabi. Ewan ko ba, pero parang humahaba ang nguso niya? Na tila humihingi ng kiss? Eh? Tulog pa ba 'to? Ah.... Owkay, mukhang alam ko na ang kalokohan na naman ng isang 'to. Kaya ang ginawa ko ay binuka ko ang palad ko at idinikit sa nakangusong labi niya. Napatawa ako, "Oh ayan." Sabi ko habang nakadikit ang palad ko sa labi niya. Tuluyang namulat ang mata niya, sabi ko na nga ba at gising ang Alonzo na ito. Loko-loko talaga.  Tumayo siya at saka pumasok sa kwarto. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hubarin ang t-shirt niya. "Hoy Alonzo!" Nanlalaking mata na sabi ko sa kanya, "Anong ginagawa mo?" Ngumisi naman siya, "Maliligo ako. Sama ka?" Iminuwestra ko ang kamao ko sa kanya, "Gusto mong suntukin kita?" Tuluyan na siyang pumasok sa banyo at naligo na. Hindi ko nga alam kung bakit narito pa rin ako hanggang ngayon. Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na rin naman siya at bihis na rin siya. Hindi naman kami naka-suot ng mga uniform namin dahil wash day namin ngayong araw. "Pupuntahan natin ang mga kaibigan mo, at sasabihan na huwag basta-basta kumain mamaya."  "Huh?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. "Huwag kayong magtitiwala sa ibibigay na pagkain sa gaganaping seminar mamaya." Aniya. Hindi na lang ako sumagot, naglakad kami palabas sa lugar na ito. Noong makalapit-lapit kami sa building namin ay nakita ko na agad ang mga kapwa ko estudyante na palakad-lakad sa mga hallway, 'yung iba naman ay naka-upo sa bench, 'yung iba ay nagkakantiyawan at naglolokohan sa gitna ng daan, at 'yung iba ay nag-rereview sa middle park. "Everyone.... Please go to our gymnasium for our seminar. Attendance is a must." Boses ng aming guidance councilor na si Ma'am Mayeth gamit ang isang speaker. "Everyone.... Please go to our gymnasium for our seminar. Attendance is a must." "Everyone.... Please go to our gymnasium for our seminar. Attendance is a must." Paulit-ulit iyon, nagalakad na ako patungo sa gymnasium pero ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang kamay ni Alonzo sa balikat ko. "Kailangan nating puntahan ang mga kaibigan mo, Hindi maganda ang mangyayari ngayon." Oo nga pala, ilang beses na akong pina-alalahanan ni Alonzo na kailangan naming sabihan ang mga kaibigan ko. "Bossing!" Si Harold, na kasama si William at Angelo "Nasaan na ang mga kaibigan ni Heaven?" Seryosong tanong ni Alonzo sa kanila. "Huh? Eh boss... Pumunta na sila sa gymnasium eh. Hinihintay nila si Heaven." "f**k!" Naguguluhan ko siyang tinignan, "Bakit ba ganyan ka? Wala naman sigurong problema kung pupunta sila sa gymnasium diba? Kaya tara na." Maglalakad na sana ako nang pigilan na naman ako ni Alonzo. "Huwag kang pupunta 'don heaven." "Bakit ba?" Kunot-noong tanong ko, tinignan ko ang mga kapwa ko estudyante na pumapasok na sa gymnasium, "Kung ayaw mong um-attend ng seminar eh di wag! Hindi ka naman pinipilit na pumunta don." Sabi ko sa kanya at saka mabilis na naglakad patungo sa gymnasium. Pagpasok ko sa loob ay sobrang dami ng estudyante. Habang inililibot ko ang mata ko ay nakita si sila Henzy at Denise, Kasama din si Zander at Luis. Noong papalapit ako sa kanila ay may narinig akong kakaiba pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. "Heaven! Saan ka ba pumunta kagabi? Alalang-alala kami sayo!" Ani Denise nang makita ako. "Mabuti na lang at safe ka. May namatay kagabi na third yeard IT students. Pinatay kagabi." Magsasalita pa sana ako nang biglang dumilim ang paligid. Napatingin ako sa paligid nang marinig ko na nagsisigawan ang mga tao. "Anong nangyayari?" Ani Luis. Napalunok ako nang makita kong unti-unting nagsasara ang gymanium. Nanlaki ang mata ko at naisip ko agad ang bagay na ibinabala sa akin ni Alonzo. Mabilis kong hinarap ang mga kaibigan ko,"Kailangan nating makalabas dito! Tara" Mabilis na sabi ko at sabay-sabay kaming tumakbo papalabas. Sobrang dami naming mga estudyante na tumatakbo palabas, konting-konti na lang ay tuluyan nang magsasara ang gymnasium kaya talagang sumisinol na ang kaba sa dibdib ko. "Henzy Dali!" Noong makita kong makalabas sila Zander ay kinuha na nila sila Henzy at Denise, at noong hahawakan na sana nila ang kamay ko ay may humila sa buhok ko. Ang sakit! "Walangya kang babae ka! Maiwan ka dito!" Boses iyon ni Chloe. Nakahiga na ako sa semento at nandidilim na ang mata ko sa sakit na idinulot ng pagkakasabunot sa akin ni Chloe. "Heaven, Dali!" Sigaw ni Henzy. Unti-unti nang sumasara ang gymnasium, kaunti na lang din ang tao sa loob. Pagtayo ko ay agad akong tumakbo papalabas, pero hindi na ako kasya sa nakaharang na bakal. "Heaven!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD