11

1556 Words
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Tila nagtatakhang tanong sa akin ni Henzy nang makabalik ako sa pwesto namin. "Inaaway ka ba ng Alonzo na 'yon ah?" Ani Zander. Umiling naman ako, tinignan ko ang paligid namin. Malayo-layo sa amin ang ilang mga estudyante. Mukhang wala namang makakarinig sa sasabihin ko. "Heaven! Tulala ka, anyare?" Si Denise pala ang nagsalita. Muli akong napabuntong hininga. Mamaya ko na lang sasabihin kapag nasa dorm na kami. Pag-uwi namin sa dorm namin ay kanya-kanya na kami ng gawain. Sila Zander at Luis ay nag-uusap. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Sila Henzy naman at si Denise ay may ginagawa. Totoo kayang may mamamatay bukas?  Wang! Wang! Wang! Wang! "Zander, i-lock n'yo na yung pinto." Ani Denise habang nililigpit ang mga gamit. Madilim na yung buong kwarto kaya binuksan ni Luis ang flashlight. "Naka-lock naman, eh." Sa ganitong oras kapag black out ay natutulog na kami. Sa ilang linggo namin dito sa Ford University ay unti-unti na rin naman kaming nasasanay. Kapag black out ay dapat nasa sariling kwarto, naka-lock. "'Yung sa program daw pala bukas, kailangan talaga nating um-attend sabi ni Prof. Theo." Sabi ni Henzy nang makahiga siya sa kama. "Pupunta naman talaga tayo, seminar 'yon eh." Napahinga ako ng malalim, "Sabi ni Alonzo sa akin, walang magaganap na program bukas. Palabas lang nila iyon dahil free to kill day bukas.." Napatingin silang lahat sa akin, "Huh? Free to kill day? Eh di ba, hindi naman black out kapag umaga?" Ani Zander. Tumango ako, "Four hundred fifty student ang puwedeng mamatay bukas." "What the hell? Four hundred fifty? Parang ang hirap paniwalaan, Heaven." Sabi ni Luis. "Kahit naman ako, eh. Hindi ko rin maisip kung paano nila sabay-sabay na patayin ang four hundred fifty student bukas. Pero mas maganda na rin kung mag-iingat pa rin tayo." "Eh paano 'yan? Seven thousand students na lang mayroon ang Ford University. Minus four hundred fifty? Posible kayang madamay tayo?" Sabi ni Denise. Blag! Blag! Blag! Napatahimik kami nang marinig namin ang ingay na iyon sa may pintuan. Nanlaki ang mata ko at halos lamunin na ako sa kaba nang makita ko kung paano gumalaw ang pintuan. Pinipilit iyong buksan nang kung sino mang tao na nasa labas. "Oh my gosh! Malapit nang masira yung pintuan!" Bulong ni Denise na halatang kinakabahan. Mariin akong napapikit at saka binalingan ng tingin ang mga boys. May hawak silang arnis na ginagamit namin sa tuwing p.e namin. "Magtago kayo." Mahinang sabi ni Zander sa amin. Nakita ko si Henzy na umiiyak na, nagtago siya sa ilalim ng kama at gayundin naman si Denise. Habang ako? Hindi ko pa alam. Pumunta ako sa may bandang kusina at naghanap ng pwede kong mapagtaguan. Kutsilyo? Nang makakita ako ng kutsilyo ay agad kong kinuha iyon at saka nagtago sa ilalim ng mesa. Mariin akong napapikit. Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang maramdaman kong may tumabi sa akin mula sa ilalim ng lamesa. "Sssshhhh..." Si Zander pala, akala ko naman ay kung sino na. "Si Luis naroon pa rin?" Tanong ko sa kanya. "Nandoon siya kina Henzy at Denise. Umiiyak na 'yung dalawa." Nakatingin lang kami sa pintuan, naririnig din namin ang paggalaw ng doorknob. Talagang pinipilit buksan ng kung sino ang pintuan ng dorm namin. Pagbukas ng pintuan, mayroong pumasok na tatlong tao. Sa sobrang dilim ay hindi ko maaninag kung lalaki iyon o babae, basta ang alam ko ay naka-maskara sila. Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang sipain ng isa ang study table namin. Hinawakan ni Zander ang bibig ko, "Huwag kang maingay, Heaven." "Lumabas na kayo riyan." Lalaki ang boses na iyon. Sobrang bilis ng paghinga ko, marahil siguro ay sa sobrang kaba. May pumasok na isa pa, "K. Ako nang bahala kay Heaven." Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. "Sigurado ka ba?" "Oo, sige na. Ako nang bahala dito." Noong umalis na 'yung tatlo ay mag-isa na lang siyang natira, Sinara niya 'yung pintuan at saka nagbukas ng flash light. "Heaven? Nasaan ka?" Mariin akong napapikit at saka hinawakan ng mahigpit ang kutsilyo na hawak ko. Si Zander na nasa tabi ko ay tinatakpan ang bibig ko. Nang mawala ang lalaki sa paningin namin ay mas lalong sumibol ang kaba sa dibdib ko. Paniguradong naroon siya sa kwarto namin, at tama nga ang hinala ko dahil narinig ko ang boses nila Henzy. "Please, huwag mo kaming patayin." Narinig ko ang pag-iyak nila Denise. "Hindi naman talaga," May narinig akong pagtawa, "Pinadala ako dito si Boss, may ibibigay lang kay Heaven. Nasaan ba siya?" "Kilala mo ba 'yung lalaki, heaven?" Bulong sa akin ni Zander. Umiling ako, pamilyar lang naman 'yung boses niya sa akin. Halos mamilog ang mata ko nang makita ko si Denise at Henzy na naglalakad palapit sa kusina, "Heaven, nasaan ka?" Nakita ko din 'yung lalaking naka-maskara. Naglakad siya patungo sa pwesto namin. Napalabi ako nang tumigil siya sa halos katapat namin. "Dito ka lang, Heaven." Ani Zander, lumabas siya mula sa pinagtataguan namin at akmang ihahampas na niya ang arnis na hawak niya nang pigilan siya nila Henzy. "Huwag, Zander! Si Harold 'yan!" Napahinga ako ng malalim. Nang marinig ko ang pangalan na yun ay agad kong itinago ang kutsilyo na hawak ko. Lumabas ako sa pinagtataguan at nang makita ko ang isang lalaking naka-maskara ay napatawa ito. Tinanggal niya ang maskara niya, "Pinapunta ako ni Alonzo dito." Tumango ako, "Sino 'yung mga lalaking narito kanina? Bakit sila pumasok sa dorm namin?" "'Yung mga pumasok dito kanina, member iyon ng Black Mask Org. Saka ko nalang ipapaliwanag kapag naka-alis na tayo dito sa dorm niyo." "Paano tayo lalabas dito kung black out? Maraming killer sa labas." May kinuha si Harold mula sa maliit na bag na dala niya, mga maskara iyon katulad ng pinasuot sa akin ni Alonzo noong una. Binigay niya sa amin ang maskara, "Nasaan 'yung isa pang lalaki kanina rito?" "Si Luis ba?" Tanong ni Zander habang sinusuot ang maskara. "Oo siya nga, nasaan ba?" Tanong pa niya kay Zander. Lumapit na rin si Luis sa amin na nagbabantay pala sa may pintuan, "Kayong dalawa, samahan n'yo sina Henzy at Denise. Pumunta kayo sa Student Headquarters, naroon 'yung ibang mga students." "Sigurado ka ba? Paano pag puro killers 'yung naroon?" Tanong ni Henzy. "Meeting iyon para bukas. Si Chloe 'yung nag-organized. Bilisan n'yo lang dahil baka makita din kayo ng security at ng mga Prof. Hindi kasi nila alam na may meeting ang students ngayon." Sabi pa niya, "Sasamahan naman kayo nila William at Angelo. Nasa labas lang sila ng dorm niyo." "Eh ako? Saan ako?" Tanong ko. "Sumama ka sa akin.. Kanina ka pa pinapahanap ni Alonzo," Aniya. Napahinga naman ako ng malalim, "Ano namang trip niya at hinahanap niya ako?" "Mauna na kami, Harold." Sabi ni Luis, "Iingatan mo naman yung kaibigan namin di ba?" "Oo naman, pre." Lumapit naman si Zander sa akin, "Mag-ingat ka, Heaven." Sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako. Pag-labas nila ay kami nalang ni Harold ang natira sa loob ng dorm. "Sa Student Headquarters din ba tayo pupunta?" "Hindi, Kay Alonzo." Lumabas na kami ng Dorm. Katulad ni Harold ay may suot din akong mask. "Bakit pala kailangan nating mag-mask? Kapag lalabas sa tuwing black out?" Tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang kasi dahil palagi na lang na kailangang mag masakara sa tuwing lalabas kapag black out. "Mayroong organization na ang tawag ay Black Mask Org. Member ako doon, pero hindi kami 'yung killers sa tuwing gabi. May isa pang grupo na ang tawag namin ay anonymous. Sila ang tunay na pumapatay kapag black out.." "Eh 'yung grupo niyo? Hindi ba pumapatay iyon?" Hindi siya sumagot. Sa halip ay iniba na lamang niya ang usapan, "Sa forest lake tayo pupunta. Nandoon kasi si Alonzo." "Sigurado ka ba? Eh sa may gubat iyon ah?" Tumango naman siya, "Huwag kang mag-alala. Wala namang mananakit sa 'yo don." Ngayon lang ako naka-apak sa lugar na 'to. Mapuno at hindi simentado ang lugar. Sa pagkaka-alam ko ay hindi pwedeng pumunta ang mga estudyante dito. May nakita ako na naglalakad, papunta sa amin. "Ang init ng ulo ni Bossing. Ang tagal-tagal mo raw." Sabi ng isang lalaki. Tumawa naman si Harold, "Kasama ko na naman, eh." Napakunot ang noo ko nang makita kong mayroon palang building dito? Lumang building. Pumasok kami sa loob, maraming mga palakad-lakad. Lahat ng tao sa loob ay hindi na naka-maskara. 'Yung ilan pa nga ay nakikilala ko pa dahil naging kaklase ko sa ilang subject. "Lahat ba ng nandito member ng organization?" Tumango siya at kasaba no'n ang pagtanggal niya ng maskara, "Tanggalin mo na rin 'yung sa 'yo." Bago ko pa matanggal ang maskara ko ay nakita ko na si Alonzo, na kumakain ng mag-isa. Napatigil lamang siya sa pagkain nang makita niya kami, "Boss, Narito na love of your life mo." "f**k you!" Tumayo naman si Alonzo at lumapit sa amin, "Tara, kain tayo?" "Ano ba talagang gagawin ko dito, huh? Pumunta ba ako dito para kumain?" I said and rolled my eyes. Ngumiti naman siya, "I will be your security guard remember? So.... be nice to me." Napa-irap na lamang ako. Tumikhim si Alonzo, at nagtinginan naman ang lahat ng narito. "I'd like you to meet.. Heaven and everyone who dared to hurt her will die."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD