10

1492 Words
"Heaven, papasok na kami ni Denise sa klase namin." Ani Henzy. Tumango ako, "Salamat. Magkita nalang ulit tayo mamaya sa dorm." Sagot ko. Nauna na rin sina Arthur, Angelika at saka si Theon. May klase na rin kasi sila. Sina Zander at Luis naman ay kanina pa umalis. Kaya ako nalang mag-isa ngayon. I decided to go at my class kahit na medyo maaga pa naman. Iilan pa lang kaming mga estudyante sa loob ng classroom. "Heaven!" Tawag sa akin ng kaklase ko na si Rhea. "I've heard about your campaign! So how was it?" "Okay lang, medyo nakakapagod din." Umupo si Rhea sa tabi ko. May hawak siyang libro-academic books, so mahilig pala talaga siyang magbasa. Pagkatapos no'n ay naging tahimik na siya. Busy na ulit siya sa pagbabasa ng kanyang books, na biology book. Favorite subject niya talaga ang biology. "Hindi ka ba natatakot?" She said and I heard a deep sighed. "Huh?" Kibit-balikat ako. Nakakatakot? Yes. Natatakot ako lalo na sa tuwing black-out, at wala na naman akong iba pang dapat na katakutan. Wala naman akong natatanggap na death threaths. "Oo nga pala, baguhan ka pa lang dito." Mahinang sabi niya. Napakunot ang noo ko, I know. Alam kong bago lang ako sa Ford University. Katulad ng mga kainigan ko ay pare-parehas lang kaming bago rito. "Hindi mo alam kung ano 'yang pinasok mo, Heaven." Pagpapatuloy niya sa sinabi niya. What the hell? I don't know pero bakit ako kinilabutan sa sinabi niya?! Ngayon ko lang nakita na may side pala siyang gano'on. Sobrang seryoso. "Ano bang ibig mong sabihin?" "Hindi mo dapat kinalaban si Chloe." Aniya pa niya. What? 'Yun lang 'yon?! Hindi ko dapat kinalaban si Chloe? For pete sake, ano namang problema kung kakalabanin ko si Chloe bilang President? "Hindi naman ako natatakot sa kanya." Ngumisi ako, "She's an a*s. Dapat nga ay hindi siya naging student president dito." Napansin ko ang pagtango-tango ni Rhea habang ang mga mata ay nakatingin parin sa pahina ng librong hawak niya. "Marami ka pang hindi nalalaman sa paaralan na ito, Heaven." She deeply said, "Pati sa mga taong nakakasalamuha mo. Hindi mo dapat sila pagkatiwalaan." The hell?! "Kahit ang friends ko na sina Henzy?" Natatawang tanong ko, nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang pagsinghot niya sa tabi ko. "Why are you crying?" Nagtatakang tanong ko. Kumuha ako ng tissue mula sa bag ko at binigay ko sa kanya. "Mawawala na rin ako." I don't get it. I don't really get it! Ano ba itong mga pinagsasasabi niya?! She was my friend. I treat her as a friend kaya curious ako kung bakit umiiyak ang kaibigan ko. May problema ba ito sa pag-ibig? Sa pera? Dumating na ang Professor namin, kinuha ko ang notebook ko at pati na rin ang ballpen. "Do not trust anyone. Heaven." Mariing sabi niya sa akin. "O—Okay?" Ngumiti siya sa akin, pakiramdam ko ay nagingilabot ako sa ngiti niyang iyon, pero pansin ko ang unti-unting panghihina niya. "Are you okay?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay na susi sa palad ko. "Anong gagawin ko dito?" Naguguluhang tanong ko pa rin sa kanya. "Rhea? Anong gagawin ko dit—" Napatigil ako nang makita kong bumubula ang kanyang bibig, "Rhea! Rhea! Hey! Rhea!" "What's happening, Ms. Assistio?" Lumapit sa amin si Professor. Mel, "What happened to her?" I cleared my throat. Hindi ko malaman kung ano ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng iyon kay Rhea ngayon. "Professor. Kailangan ko po siyang maidala sa clinic." Halos natatarantang sabi ko kay Professor habang nakatingin ako kay Rhea. "No need, mamamatay na rin naman yan." Sagot ni Professor. What the f**k? "She's alive, Prof. Nagsusuka lang siya!" Pati 'yung mga classmates namin ay nakatingin lang sa amin. Wala naman akong napapansin na kahit na ano sa kanila, at isa pa ay wala man lang na tumutulong na kahit isa kay Rhea. Tumayo na ako at lumapit kay Rhea dahil kung hindi pa ako kikilos ay baka mas lalong sumama ang lagay ni Rhea, "Rhea! Rhea! Dadalhin kita sa clinic!" Anong klaseng Professor iyon? Sa halip na tulungan si Rhea ay matamang nakatingin lamang siya sa amin. What the hell? Professor ba iyon? Walang puso! Sa hallway ay akay-akay ko si Rhea. Patungo kami sa Clinic nang may kumarga kay Rhea. "Dalian na natin!" Napahinga ako ng malalim nang makita ko si Harold. Ang kaibigan ni Alonzo. Paanong nakarating si Harold sa Building namin? Ang layo-layo kaya ng building nila Harold! "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Harold habang lakad-takbo kaming patungo sa clinic. "Hindi ko alam. Bigla nalang na nangyari sa kanya 'yan." Nang makarating kami sa clinic ay agad kaming pinapasok ni Nurse Leni. Ibinaba ni Harold si Rhea sa kama. Napahawak ako sa labi ko nang makita ko ang kalagayan ni Rhea. "She's dead." Ani Nurse Leni, nang mai-check ni Nurse ang pulse rate ni Rhea. Napalunok ako habang nakatingin sa kawawang kalagayan ng kaibigan ko. Sinong may gawa nito sa kanya? Nagsalita si Nurse sa intercom, "Sir Ricky. May bangkay rito. Kunin mo na." Napa-awang ang labi ko sa gulat. What the f**k?! Bakit ganito ang mga staff ng paaralan? Gano'n lang 'yon? "Students, maaari na kayong lumabas." Sabi ni Nurse Leni, "Kukunin na kasi ang bangyay." I shrugged, "Gano'n lang po ba 'yon, Nurse? After what happened to her ay gano'n lang talaga? Wala man lang explanations kung anong nagyari sa kanya?" Tinapik ni Harold ang balikat ko. "Hey, chill." "Miss Assistio, She's dead. Wala na akong dapat na ipaliwanag sa 'yo. Wala nang kwenta ang tao kapag namatay na, so ano pang hinihingi mong explanations?" Shit! Hindi dapat siya Nurse, eh! "Tara na, Heaven." Ani Harold. Muli kong binalingan ng tingin si Rhea na ngayon ay wala nang buhay. Hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasok sa ideya ko kung sino ang gumawa sa kanya ng gano'n. Wala naman akong nalalaman na may kaaway siya dito sa Ford University. Sa pagkakaalam ko nga ay napakabuti niyang estudyante. Inilagay ko sa bulsa ko ang binigay sa akin ni Rhea kanina na susi sa akin. "Keep calm, Heaven." I nodded, "Hindi ako makapaniwala na malalagasan ako ng kaibigan." Narinig namin ang pagtunog ng bell. Hudyat na breaktime na. Kibit-balikat si Harold at saka ako hinila patungo sa cafeteria. "Alam mo, mas maganda kung ililibre na lang kita ng pagkain," Ani Harold nang makahanap kami ng mape-pwestuhan. "Hindi ako nagugutom." Nawawalan ako ng gana. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nangyari ngayong araw na ito. Sa isang iglap ay nawala si Rhea nang gano'ng kadali. "Sige na. Ililibre naman kita." I sighed, "Sige na, pagbibigyan na kita." "Yes!" Burger with cheese, Pasta and lemon juice para sa akin. "Sabihin mo lang kung kulan pa sa 'yo, 'yan ah?" Sabi sa akin ni Harold habang kumakain ng kanin. "Hindi ko nga alam kung mauubos ko ito." "Ubusin mo 'yan. Nilibre ka ng poging tulad ko kaya kainin mo 'yan." I laughed, "Ang hangin!" Kahit papaano, nawala ng kaunti ang stress ko. Si Harold kasi ay panay ang kwento about himself. "I'm nineteen, single and ready to mingle." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "Insane." Tumawa lamang siya, "Yeah." Mabilis na kumalat ang balita na may namatay na naman sa Ford University. Hindi pankami tapos kumakain ni Harold ay panay na ang pagbubulungan ng mga narito sa Cafeteria. "Holly or Heaven? Ano ba ang gusto mong itawag ko sa 'yo?" Tanong sa akin ni Harold. "Heaven." Sagot ko. Doon kasi ako sanay. "Okay, Heaven." Natapos ma akong kumain, at malapit na rin ang time. It means na malapit na ang next subject ko. "Mauuna na ako, Harold. Salamat sa libre mo." "No prob." Sagot niya sa akin, "Heaven, stay away from Alonzo." Bakas ang pagka-seryoso sa tinig niya, kahit nga ang nakakasilaw na ngiti niya ay kusang nawala. "You can't tell me what to do, Harold." Sagot ko. Hindi ko nga nakaka-usap at nalalapitan si Alonzo, eh. And by the way, "Kaibigan mo si Alonzo, Wala ka bang tiwala sa kanya?" Umiling siya, "Hindi iyon." "Eh ano?" "I like you, Heaven." I was definitely shocked. "Y—You what?" Magsasalita na sa siya nang may lumapit sa amin, and it was Alonzo. He looks so serious. Ano nanaman kayang trip ng lalaking iyon sa buhay at mukha na namang biyernes santo ang mukha. Muli kong ibinaling ang paningin ko kay Harold. Sa puntong ito ay tumawa na siya, "Joke lang!" Shit! "Damn you, Harold! Humalakhak lamang siya at saka ako iniwan na mag-isa. Hell! Hindi pala mag-isa dahil narito sa harapan ko si Alonzo na nakabusangot ang mukha, inis ko siyang inirapan. "What?!" Naiinis na tanong ko. "Akala ko ba crush mo ako?" Ghad! Is he serious?! Marami na nga akong problema na iniisip tapos aatupagin ko pa ang lovelife—lovelife na 'yan! "Dream!" I shouted at him. "Bwisit na 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD