Ngumiti ako sa babaeng huling sumakay sa jet ski kung saan ang kasama n'yang lalake ang nag-drive. Lumingon ako sa likuran ko para makita kung may ibang tao pa ba na narito pero wala na akong nakita at hindi pa rin natatapos ang alarm. Maybe the main island knows that we are still in here. Kami ni Kristian ang huling umalis sa maliit na isla na ito pero hindi kagaya kanina, hindi na kami nag-race pabalik sa main island. "Follow me!" Dinig kong sigaw n'ya kaya nilingon ko s'ya. Malawak ang ngisi sa mukha n'ya habang sinasabi sa akin na sumunod ako sa kaniya. Well, mas kabisado naman n'ya ang luugar na ito kaysa sa akin kaya agad kong dinala ang jet ski ko kasunod ni Kristian. May kalayuan na s'ya sa akin nang lumingon s'ya at bumagal. Napangiti ako nang makita ang paghinto n'ya at paghi