"Aaah!" Alam ko na dumadagundong sa loob ng cave na ito ang malakas kong boses sa pagsigaw. "Putang*na!" Napapikit lang ako at hindi ko na nakikita si Kristian dahil parang ayaw kong makita ang sarili kong nakalutang. Leche! Ano ba ito! Parang bumabaligtad ang sikmura dahil sa mabilis na ikot ng katawan ko. Ni hindi ko alam kung umuusad ba ako o nasa isang direksyon lang ako umiikot. Ferris Wheel ang isa sa pinaka-ayaw kong sakyan na rides dahil alam kong gigilingin ang sikmura ko. Tang*na! Akala ba ng lalakeng iyon nag-eenjoy ako sa nangyayaring 'to? Pisti! "Kristian! What the f*ck! Where are ---- aaaah!" Napa-ubo ako sa bigla kong pag-ahon nang bigla na lang din akong bumagsak sa tubig habang sumisigaw pa. Ano ba! Hinihingal akong napahilamos gamit ang dalawang kamay ko sa inis.