Walang sabi na agad ko inalayo ang sarili ko kay Fabian. Hinarap ko siya na nakaguhit sa aking mukha ang pagkairita. Kahit na malakas ang tama ko, sapat na siguro sa ang lakas ko para tagumpay ako makawala sa kaniya. Pero imbis na magalit siya sa aking inasta ay tila kabaliktaran pa ang nangyari. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin nang diretso. Na para bang pinag-aaralan niya ako sa mga tingin niyang iyon. Hindi ko magawang magsalita. Kahit na dumodoble na ang paningin ko, hindi ako nagpatinag.
Pinili ko na lagpasan nalang siya pero nahuli niya ang isang kamay ko na medyo ikinagulat ko. "Let me go, Mr. Wu." matigas kong utos sa kaniya.
Tumaas ang isang kilay niya, nagtama ang mga mata namin. Naroon ang kaseryosohan. Parang sinasabi sa akin na ako ang masusunod sa gusto niya! I could sense also the tension within that gaze. "Not quite, Ms. Ho." mas matigas niyang turan. "You're drunk. Sumama ka sa akin." maawtoridad niyang sambit.
"No way." pinaghalong tigas at sarkastiko kong sambit.
He grinned. "Yes. Way." matigas niyang sambit at walang pakundangan na binuhat niya ako na animo'y isang sakot ng bigas! Dahil sa inis na bumuhay sa aking sistema ay pinaghahampas ko ang kaniyang likod pero wala man lang ako narinig na daing mula sa kaniya. At alam ko na kung bakit, ang tigas ng likod niya! Halatang nagji-gym ang isang ito! Pero hindi, hindi pwedeng makasama ko ang lalaking ito!
"Fabian? Atsi Sarette?" rinig kong boses ni Vesna, sa bandang likuran ni Fabian. Kahit na namumungay na ang mga mata ko dahil sa tama ng alak ay kita ko kung papaano siya nagtataka sa nangyayari. "What happend?"
Magsasalita sana ako nang inunahan ako ng siraulong Wu na ito! "Hey, Miss Vesna, can you tell Rowan Ho na hihiramin ko muna ang kakambal niya? I need to talk this woman."
Pakurap-kurap muna si Vesna na parang iniitindi niya ang pinagsasabi ng lalaking ito. Tumango siya. "Oh, sure. I will. Pakihatid na din si ate Sarette." sabay ngumisi siya nang nakakaloko sa akin. Isang makahulugang ngisi iyon! Hinding ako nagkakamali.
Biglang gumalaw si Fabian na buhat-buhat pa rin niya ako. Ilang beses na akong nagpupumiglas para maibaba niya ako ngunit tila bingi siya sa mga hinanaing ko! Dire-diretso siyang sa paglalakad. Kahit ang mga ibang bisita na nakakasalubong namin ay napapatingin at nagtataka na sa amin pero akala mo walang pakialam sa paligid ang lalaking buhat-buhat ako. What the hell, wala bang pakiramdam ng isang ito?!
Nang napadpad na kami sa Parking Lot ay doon na niya ako nagawang ibaba. Dahil pa rin sa inis ay sinuntok ko ang dibdib niya pero mukhang hindi tumalab sa kaniya iyon. What the?!
Tamad niyang binuksan ang pinto ng kotse na nasa gilid namin. Napatingin ako na kunot ang noo. Ibinalik ko din sa kaniya ang tingin ko. "Wait, this is not my car, Mr. Wu." I hissed.
Nakatingin siya sa akin. "I know. And I want you to ride here in my car. You're drunk and I don't want something happend bad to you, Baberette." he said casually. "And don't worry, ihahatid kita sa Penthouse mo."
Dahil sa umaapaw na inis sa aking katawan ay inilabas ko iyon sa pamamagitan ng pagpapadyak ko. Sa huli ay wala na akong magawa kungdi pumasok sa frontseat ng kaniyang Lamborghini. Nahuli ko ang ngisi niya bago ko man isinandal ang ulo ko sa head rest ng upuan. Pakiramdam ko ay unti-unti nawawala ang lakas ko. Siguro nauubos iyon dahil pakikibaka ko sa isang Mr. Fabian Wu. Dahil nakainom na ako, pero siya hindi pa!
Nang nakaupo na siya sa driver's seat ay nagsalita ako. "How about my car?" nanghihina kong tanong.
"May mapag-uutusan naman ako para ihatid ang sasakyan mo sa Penthouse, Baberette." he said. "For now, you can take a nap." binuhay na niya ang makina ng kaniyang sasakyan hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis ng Resort.
**
Napaungol ako nang narinig ko ang tunog ng digital alarm clock sa aking tabi. Iginalaw ko ang isa kong kamay para kapain ang orasan kahit na nakapikit ako. Nang tuluyan ko itong napatay, unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Kumurap pa ako ng ilan bago ako nakabangon. Kahit masakit ang ulo ko dahil sa hang over ay hindi ko iyon ininda. Napasulyap ako sa bintana saka muli kumurap. Napahilamos ako ng mukha bago ko man napagpasyahan na umalis sa ibabaw ng kama.
Naghilamos at nagsipilyo ako bago mana ko nakalabas ng kuwarto. Dahil weekend naman ngayon, wala ngayon ang mga maid ko. Binibigyan ko kasi sila ng day off. Ang gusto ko kasi kapag narito lang ako sa bahay ay mag-isa lang ako. I don't know, I just want some peace.
Napasapo ako sa aking noo habang papunta ako sa Kusina para magtimpa ng kape. Then I checked my groceries on the refrigerator. I bite my lips. Inilabas ko veggie salad na ginawa ko. Hindi naman siya madaling masira dahil nasa ref lang naman. Madalas ay ito ang breakfast ko. Inilabas din ako ng strawberry water. Lahat ng mga iyon ay ipinatong ko sa counter. Kumuha ako ng tinidor mula sa kitchen organizer. Nagsimula na akong kumain. Naka-tatlong subo lang ako nang bigla akong napasigaw dahil may napagtanto ako.
Hinatid ako ni Fabian Wu dito sa Penthouse ko!
It means...
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may nagdoorbell. Kusang kumunot ang noo ko. Binitawan ko muna ang hawak kong tinidor at uminom muna ng strawberry water bago ko dinaluhan ang pinto.
Hanggang sa binuksan ko ang pinto. Isang bouquet ang tumambad sa akin. Napangiwi ako nang makit ako kung sino ang may hawak ng mga iyon. Speaking of the Devil—it's Fabian Wu.
Humalukipkip ako sa harap niya sabay tumalikwas ang isang kilay ko. "And what are you doing here, Mr. Wu?"
"Pay some visit, of course." kaswal niyang sagot. "When I bring flowers, it's so they can see what true beauty really is." tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. "Like you."
I groaned as I rolled my eyes. "Pumunta ka lang dito para ipakita mo sa akin ang kakornihan mo, ganoon ba?" iritada kong sabi. "Please lang, ayoko ng gulo. Hindi maganda ang gising ko, okay? Kasalanan ng cocktail na gawa mo."
"I see. So next time, no alcoholic beverages for you, lady." then he offer me his sweetest smile. "May dala din akong pagkain dito."
"No, thanks but I'm fine with salad." tamad kong sabi. "You may now go."
"Sige gagawin ko kung anong gusto mo. Pero tanggapin mo muna ito." pahabol pa niya.
Para matahimik na siya, tinanggap ko ang mga pagkain at ang bouquet until he left. Finally! Panatag na ako sa wakas! Walang Fabian Wu na eepal sa buhay ko ngayon.
**
Hanggang sa sumapit ang Lunes ay mas nasiyahan ako dahil ni isang beses ay wala akong natanggap na pangungulit ni Fabian Wu. Tuluyan nang natahimik ang buhay ko. Mabuti naman dahil wala akong balak patulan ang isang tulad niya. Ewan ko, naiinis kasi ako sa presensya niya. Nahahanginan ako sa kaniya na ewan. Basta.
Tulad ng nakagawian, trabaho, spa, ang mga kasiyahan sa buhay ang nangyayari sa buhay ko. Good thing, hindi ako kinukulit ng mga pinsan ko. Dahil sa pagkaaalam ko ay may alam si Versna dahil siya mismo ay nakita niya kung papaano ako binuhat ni Fabian na akala mo ay isang sako ng bigas! Mukhang hindi rin naman nagtatanong ang mga kapatid ko na sina Rowan at River. Parang laylo lang. Dahil ang alam ko, sa oras na may nalalaman sila na may love interest ang isa sa amin, inuulanan nila iyon ng pang-aasar.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga nang sabay tiklop ko sa na kakatapos ko lang din mapirmahan para sa proposal, sa mga approval. Sa lahat.
Pinindot ko ang intercom upang tawagin si Debbie. Ilang saglit pa ay pumasok siya.
"Yes, Miss Sarette?" nakangiting bati niya.
"Tapos ko nang pirmahan ang mga iyan. Pupwede mo nang ibalik sa kanila iyan. May kailangan pa ba akong asikasuhin mamaya? Meeting? Appointment?"
Bago niya sagutin ang tanong ko ay sinilip niya ang kaniyang cellphone. Minsan ay doon din niya nilalagay ang schedule ko. "May bibisita daw po sa inyo, Miss Sarette."
"Who?" kunot-noo kong tanong.
"Eh, Miss Sarette. Ang sabi niya po, surprise daw po. At saka, ang sabi daw po ni Sir Finlay, may biglaang conference meeting po mamaya." sabi niya. "Around three in the afternoon po."
"Oh, okay. Tungkol saan naman daw ang conference meeting?" then I leaned my back on my swivel chair.
Napangiwi siya. "Sorry po, Miss Sarette. Hindi rin po kasi nabanggit ni Sir Finlay kung para saan po ang meeting na iyon. Pero ang sabi, aasahan daw po na pupunta ang mga Hochengco pati na din po ang mga Chua." tugon niya.
Muli ako napabuntong-hininga. Ngumiti ako at tumango. "Alright. You may now leave. Maghahanda nalang ako para meeting." bumaling ako sa wall clock dito sa Opsina ko. Thirty minutes left before three in the afternoon! Hindi ko man lang namamalayan ang oras!
Wala na akong sinayang na panahon. Agad ako nagretouch ng mukha pagkatapos ay pinusod ko ang aking buhok. Inayos ko din nang mabuti ang aking corporate attire. Ilang saglit ay nakahanda na ako. Tumayo na ako't lumabas ng Opisina ko na dala ko lang ay ang cellphone ko. Just in case of emergency or something.
Nakasunod lang sa aking likuran sina Debbie at Nora. Pababa na kami para pumunta sa Conference Hall. Nag-iwan din ako ng mensahe kay papa. Tinatanong ko kasi sa kaniya kung anong ganp ngayon ay bakit nagpapatawag sila ng Conference meeting. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi sila basta-basta mapgpapatawag ng ganito kalaki na meeting kung hindi importante. Kaya naman mas lalo bumubuhay ang kuryusidad ko.
Nakarating na kami sa Conference Hall. Tumambad sa akin ang angkan ng mga Hochengco at mga Chua. Unang bumalti sa akin si tito Mikhail, kasama ang kaniyang asawa na si tita Cresha. Binati ko din sila pabalik hanggang pati na din ng ibang myembro ng pamilya ay binati ko din kahit na nakasunod lang sa akin ang dalawang sekretrarya ko.
Until I got a chance to talk to my dad, he's with my two brothers. Si mama daw kasi kasama niya sina tita Laraya at tita Tarrah sa mga oras na ito.
"Papa, anong meron?" hanggang ngayon ay nagtataka ako kung ano ba talaga ang nangyayari. Lalo na't may mga press sa paligid. Tingin ko ay hindi ito basta-basta meeting lang.
Imbis sagutin ako ni baba ay sabay kaming napatingin entrahada ng Conference Hall. Laglag ang panga ko nang makita ko ang bulto ng isnag lalaki na naka-corporate attire. Guarded by four men with black suits na tingin ko ay mga bodyguard niya. He looked serious. I was suddenly feel intimidated by him. I can sense his dominant like the Grande Patriarch, Angkong Damien Hochengco!
"Baba, invited ba ang Wu?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya, maski sa mga kapatid ko.
"Sarette..." hindi na naituloy ang sasabihin ni baba nang nasa harap na namin si Fabian Wu!
"Good afternoon, Mr. Finaly Ho." pormal na bati ni Fabian sa aking ama. Sabay lahad niya ang kaniyang palad. Buong-loob na tinanggap ni baba ang kaniyang kamay.
"Mr. Wu, it's nice to meet you." pormal na balik-bati ni papa sa kaniya. Kahit sa mga kapatid ko ay nakipagkamay siya. "It's a good thing, you attend this kind of event even you're busy."
Malapad na ngumiti si Fabian kay papa. "Hindi ko pupwedeng ipagliban ang meeting na ito, Mr. Ho. This will be one of biggest part of my responsibility." he answered.
"Papa! Ano ba talagang nangyayari?!" hindi ko na mapigilan ang sarili kong magtanong kahit na malakas pa ang boses ko. Naguguluhan na ako sa nangyayari!
Sabay silang napatingin. Si Fabian naman ay parang wala lang sa akin kung ano ang naging reaksyon ko. Sa halip ay hindi mabura sa mga labi niya ang ngiti. Hindi ko malaman kung para saan ba ang ngiti na iyon.
"May I have your attention please?" bigla namin narinig ang emcee sa stage. "Ladies and gentlemen, let's all welcome, the new owner of Grand & Empress Hotel and Resort, Mr. Fabian Alexandre Wu! Please give him an around of applause!
Para akong nanigas sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang bagay na iyon. Kulang nalang ay hindi ako makahinga. Sabihin ninyo, panaginip lang ito!
"He bought the largest stock of this company, atsi." bulong ni River nang iniwan kami ni Fabian dito at umakyat ng stage. "So automatically, he's the new owner—the new CEO."
Don't tell me, ginagantihan mo ako, Fabian Wu?! You, jerk!