chapter three

1954 Words
Padabog akong bumalik sa Opisina ko. Hinihilot-hilot ko ang aking sentildo habang pumaparito't pumaparoon ako habang nakahawak ako sa isang bewang ko. Hindi pa rin ako makapaniwala kung anong nangyayari. Like, what the hell?! Pinaalis nila ako sa posisyon ko bilang CEO ng Grand & Empress! At ang bagong may-ari nito ay ang lalaking iyon?! Si Fabian Wu! Ano ba talagang problema niya at binili niya ang shares ng kumpanya ko?! Hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang iparating pero iisa lang nasisiguro ko, ginagantihan niya ako! Napabaling ako sa pinto ng opisina na ito nang nagbukas ito. Natigilan lang ako nang tumambad sa akin ang bulto ng lalaki na kinaiinisan ko. At may gana pa siyang sumulpot sa harap ko pagkatapos ng ginawa niya! "What are you doing here?" matigas kong tanong sa kaniya. Bago niyang sagutin ang tanong ko ay binutones niya ang kaniyang suit habang naglalakad siya palapit sa akin. Hanggang nasa mismong harap ko na siya. Wala akong mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi matanggal ang titigan namin sa isa't isa. Kung siya seryoso, nanlilisik naman ang mga mata ko sa kaniya. Sarap niyang upakan, sa totoo lang. "I presume, this is the CEO's office." he said. "And I'm the new boss. Gusto ko lang makita ang hitsura ng magiging Opisina ko." aniya. I swallowed hard. Lihim ko kinagat ang aking labi, kasabay na kinuyom ang aking kamao. Unti-unti na nabubuo ang pagkainis ko sa lalaking ito. "Kinuha mo ang kumpanya ko para gumanti sa akin, tama ba?" lakas-loob kong tanong. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Ang kanina ay seryoso siyang nakatingin sa akin, ngayon ay napalitan na iyon ng pagiging kaswal. "Not really. I was just interested in your company, baberette." he answered. Kumunot ang noo ko. "Interisado ka saan?" He just give me a devilish grinned. "I have already everything about you. Especially in business magazines. Hmm, you have no plans in a relationships. You love being a single. You hate conflicts." wika pa niya. Ipinasok niya ang magkabilang kamay niya sa magkabilang bulsa ng kaniyang slacks. "Hindi ko makuha ang ibig mong sabihin, Mr. Fabian Wu." mariin kong saad. "Gumawa ako ng paraan para mas lalo ako mapalapit sa iyo, Sarette." muli niya ako ginamitan ng seryosong tono. Humakbang siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. But hell, nasa likod ko na pala ang desk at tagumpay akong naikulong ni Fabian dahil nasa makabilang gilid ko na ang mga braso niya. Nakahawak na siya sa desk. Nanlalaki ng mga mata ko. He moved closer to me, heart started beating fast. What the hell is happening here?! "Umalis ako ng Stoneford para masundan lang kita sa Cavite, baberette. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para malaman mong baliw ako sa iyo?" Ano daw?! Hindi makapaniwalang tingin ang iginawad ko sa kaniya nang marinig ko mula sa kaniya ang mga bagay na iyon. Kaya pala noon nasa Kolehiyo kami, kusa siyang lumipat kahit naman ang pamilya niya ang isa sa mga nagtatag ng isang kilalang Unibersidad sa Maynila?! "Everything you heard is true." dumapo ang mga tingin niya sa aking mga labi. He was looking at me with a very flirty eyes, kinda he's seducing me! Pero hindi pa rin ako nagpatinag. Binuhos ko ang buong lakas ko para maitulak ko siya't makalayo ako sa kaniya. "Hinding hindi ako maniniwala sa iyo. You jerk!" inis kong sabi. Tamad niya akong sinundan ng tingin. Binasa ng dila niya ang mga labi niya, parang doon nalang niya binuhos ang pagkairita niya. Napameywang siya sa harap ko. "What do you want, Sarette?" seryoso niyang tanong. "Ibalik mo sa akin ang kumpanya ko, Fabian. Hindi mo alam kung gaano ako naghirap para mamahala dito. Kung ano ang pinagdaanan ko para mabigyan ako ng tiwala ng dating Grande Matriarch! Iyon! Iyon ang gusto ko." nanggagalaiti kong tugon. Tumango siya na akala mo ay nakuha niya ang ibig kong sabihin. "Okay, I will do that in one condition." Para akong nabingi. "W-what?" Humalukipkip siya. "Narinig mo ako. Ibabalik ko ang kumpanya na ito sa iyo pero sa isang kondisyon." Tumayo ako ng tuwid sa harap niya. Na taas-noo ko siyang tiningnan. "Anong kondisyon iyan?" Let me accept this f*****g challenge! Sumilay ang mala-demonyo niyang ngisi. "Work for me." nilapitan niya leather chair at prente siyang umupo doon. "You'll be my secretary and I'm your boss." Para akong nanghina. Parang kakapusin ako ng hininga. All I know about him, he was the perfect son, managing the some biggest companies. Charming to all who could met him. Handsome and smiling and polite. On the outside, he was the perfect Wu prince. Ngunit, nagkakamali ako... ** I was like a sober when I stared the shot of scotch whisky. I made a sad face. Pero sa totoo lang, napupuno na ako. Punung-puno na ako sa pagiging hambog ng lalaking iyon! Mabilis kong ininom ang alak. Nakauwi na ako dito sa Penthouse ko. Nasabi ko na din kina Debbie at Nora na ako muna ang papalit sa mga trabaho nila. Kahit sila ay hindi makapaniwala kung ano ang naging deal namin ni Fabian. But I assure them na sa oras na mabawi ko ang kumpanya, kukunin ko pa sila bilang mga assistant ko. Syempre, pinapahalagahan ko ang mga tulad nila dahil sa simula't sapul, sila na ang mga nakakasama at umaalalay sa aking sa trabaho ko bilang CEO. Good thing is, naitindihan nila ang kalagayan ko ngayon. Kaya sa ngayon ay maghahanap na nalang daw muna siya ng trabaho, temporary nga lang. Padabog kong ipinatong ang shot glass sa bar counter. I was wearing a silky pink kimono long robe and a fluffy slippers. Nagsalin ulit ako ng alak sa shot glass at marahas ko ulit iyon ininom. I licked my lips. Namumungay na din ang mga mata ko na hudyat na para tumigil na ako sa pag-inom. Umalis ako mula sa kinuupuan kong high stool. Kahit pagewang-gewang na, sinikap kong marating ang aking kuwarto at dinaluhan ang aking kama. Umupo ako sa gilid hanggang sa nakahiga an ako. Kahit na kada-doble-doble na ang aking paningin, nagaw ako pa rin makipagtitigan sa kisame. Marahas akong huminga. "Ahma....Sorry." hindi ko mapigilang humikbi habang nakipagtitigan ako sa kisame. "Sorry kung napabayaan ko ang Grand & Empress. Hindi ko po sinasadya... Hindi ko nagawa ang pangako ko sa i-inyo..." Tumigilid ako ng higa at niyakap ko ang aking mga binti. Sige pa rin ang iyak ko. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng masasakit na nangyari sa akin ngayong araw. Para sa oras na makaharap ko na naman ang Fabian Wu na iyon, magagawa ko nang balewalain kung anuman ang magiging aksyon niya! ** Nagawa kong gumising ng maaga. Nakapagkape at nakapag-almusal na din ako. Pagkatapos ay naligo't nagbihis na. Dahil ito ang unang araw na magiging sekretarya ako ni Mr. Fabian Wu, ang isa sa mga kilalang businessman. Ang pamilya niya lang ang may kakayahan na pantayan ang mga Ho at mga Chua. Binawasan ko na din ang pagsusuot ko ng mga branded na damit dahil sekretarya lang ang posisyon ko, hindi na CEO. Pero hindi ibig sabihin n'on ay pababayaan ko na ang sarili ko. Nang matapos na ang mga dapat kong tapusin, lumabas na ako sa Penthouse at dinaluhan na ang sasakyan ko. Pumasok ako sa loob at inilagay ko sa katabing upuan ang mga gamit ko. Binuhay ko ang makina ng sasakyan. Humigpit ang pagkahawak ko sa manibela. "You can do this, Sarette." pangungumbinsi ko sa aking sarili. Tinapakan ko ang gas pedal at humarurot na ako ng takbo palayo sa lugar na iyon. ** Malaking pasasalamat ko dahil hindi nagbago ang tingin sa akin ng mga empleyado na nakakasalubong ko pagpasok ko dito sa Grand & Empress. Isa-isa ay binabati ako. Binati ko din sila pabalik na may kasamang matatamis na ngiti. I check my wrist watch, wala pang alas otso ng umaga. So I still have time to prepare, bago man dumating ang bagong CEO. Itinuro na din sa akin nina Debbie at Nora ang mga susunod na meeting ngayong linggo sa gayon ay masabi ko din kay Fabian tungkol dito sa oras na makakausap ko siya. Kung ano pa ang mga commitment niya na may kinalaman sa hotel & resort na ito. Nagtimpla na din ako ng kape thru coffee maker, inayos ang mga dokyumento na pag-aaralan niya. Kinuha ko na din ang mga iilang papeles mula sa mga department. My goodness! Good thing, I am physically fit, kaya hindi mahirap para sa akin ang physical demand ng trabaho na ito. Nasa harap ako ngayon ng desktop. Pinag-aaralan ko ang mga email at iba pang nakatagong documents. Napatingin ako sa elevator na bigla iyon tumunog. Agad ako napatayo dahil alam ko na kung sino ang lalabas mula doon. Nang nagbukas iyon ay tumambad sa akin si Fabian nga ang lumabas mula doon. He's wearing a color grey pairs of business suits. Hawak naman niya ang kaniyang attaché case habang may kausap ito sa telepono. Kaya hindi agad ako makapabati sa kaniya. "Yes, tito Jaxon. Please send me all the documents I need from New York. I need to check all of them. I need to prepare the summit for next month." rinig ko mula sa kaniya. "Wait, tito Harold will come, too, right? Yeah, please send him a regard from me. Bye." hindi siya agad pumasok sa loob ng Opisina dahil tumigil siya't tumingin sa aking direksyon. I clasped my hands. Pormal akong nakatayo sa kaniyang gilid. Sinikap kong ngumiti sa kaniya kahit para sa akin ay awkward. "G-good morning, sir." pormal ko ding bati. Wala akong makuhang sagot mula sa kaniya. Sa halip ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na tila pinag-aaralan niya ang kabuuan ko. Bakit? May problema ba sa suot ko? Ginagaya ko lang naman kung ano ang madalas na sinusuot nina Debbie at Nora. "I'll prepare your coffee, sir." ang tanging nasabi ko para mabawasan ang ilang namin sa isa't isa.  He drew a small smile over his face. "Yes, please." saka tuluyan na siyang nakapasok sa loob. Doon na rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makahinga ng maluwag. Agad ko dinaluhan ang coffee maker para magsalin ng kape sa tasa. Wait, kailangan ba niya ng creamer or black coffee lang talaga? Ugh, bahala na nga! Pagkatapos ay maingat akong pumasok sa loob. Nadatnan ko siyang nasa harap na niya ang kaniyang laptop. Seryoso siyang nagtitipa doon. Nilapitan ko ang desk at ipinatong ko ang tasa ng kape sa gilid. "Thank you for the coffee, Sarette. What's my schedule for today?" he asked while his eyes were on the screen of his laptop. Tumikhim ako't umayos ng tayo. "You have few meetings for today, sir." panimula ko. "In ten in the morning, you have an Executive Management Team meeting. It will done for an hour and half. You have a lunch meeting with a Business Magazine editor at Mecha Uma, it will take two hours. And in three thirty in the afternoon, you have a formal meeting along with board members until five, sir." Napatigil siya sa kaniyang ginagawa. Tumingin siya sa akin na hindi makapaniwala. Ako naman ay nagtataka kung bakit ganoon ang ekpresyon ng kaniyang mukha. "There's any problem, sir?" pormal kong tanong. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Umiling siya. "Nothing. I was just... surprise. Lalo na't wala kang dalang note..." Kinabisado ko kasi habang wala siya kanina! "I just doing my job your secretary, sir." Sumandal siyang sa leather chair pero hindi maalis ang tingin niya sa akin. "Tomorrow, do you have a to-do list? If so, put me on it." Napangiwi ako. "I'm so sorry but I have to decline that kind of order, Mr. Wu." Whatever, Fabian Wu. Would you please, back off?! He grinned. "Whatever you say, whatever you do, I keep fallin' for you, babette." Babette? Mga nakaraang araw ko pa naririnig iyan, ha! Sarette ang pangalan ko, hindi Babette! "Sorry, but what's with Baberette?" kunot-noo kong tanong. "Baby Sarette." simple niyang sagot na dahilan magtambol ang aking dibdib! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD