Bumuga ako ng isang malalim na buntong-hininga nang naayos ko na ang mga papeles. May mga pirma na ni Fabian ang mga ito at bukas ng umaga ay ipapasa ko na ito sa mga department. Napasulyap ako sa aking oras na nasa pulsuhan. Pasado alas singko na dahil kakatapos lang din ng formal meeting na kasama ang mga board members. Noong una ay ayaw ko sanang dumalo dahil hindi na ako ang CEO ng hotel and resort na ito. Para sa akin ay malaking kahihiyan ang inabot ko buhat nang si Fabian Wu na ang namahala nito. Yeah, yeah, dahil mas malaki ang shares niya dito! Damn it.
Lumipat ang tingin ko kay Fabian na nasa loob pa rin ng opisina. Seryoso siyang nakatingin sa kaniyang laptop, na para bang may binabasa siya doon. Binawi ko din ang aking tingin saka nagkibit-balikat. Isinuot ko na ang aking sling bag. Humakbang ako palapit sa Opisina para magpaalam na sa kaniya na aalis na ako. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Sa pagtapak ng mga paa ko sa Opisina ay nakuha ko ang kaniyang atensyon. Tumayo siya ng tuwid sabay nakatingin siya ng diretso sa akin.
"Sir, I gotta go..." mahinahon kong paalam sa kaniya.
"Oh! I'll go with you." he said.
Napangiwi ako. "N-naku, kahit huwag na... Baka may ginagawa pa po kayo..." dahil gusto ko nang umuwi sa Penthouse, at ayokong makita ang pagmumukha mo. So, please, makiramdam ka naman!
Ngumisi siya. "Sa tingin mo, bakit ako nakatunganga dito sa loob?" he suddenly asked. "Hinihintay ko lang na matapos ka sa ginagawa mo."
Umaawang ang bibig ko sa sinabi niya. What? It means, wala talaga siyang ginagawa dito sa loob? Nakatunganga lang talaga siya? Ang akala ko pa man din ay busy siya sa pagbabasa ng mga kung anu-ano. Wala lang pala siya ginagawa! Wengya! Muli ako nagbuntong-hininga. Umaayos ako ng tayo at pormal na tingin ang iginawad ko sa kaniya. "Well, kailangan ko na pong umuwi, Sir Fabian." maski sa tono ng pananalita ko ay pilit kong maging formal. Tinalikuran ko na siya hanggang sa nakalabas na ako ng opisna.
Dumiretso ako sa elevator pero biglang may isang braso na pumulupot sa aking bewang. Gulat akong tumingin kung sino ang nagmamay-ari n'on. Napasinghap at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko na si Fabian! Nahabol pa niya ako. Tatanggalin ko sana ang kamay niya sa akin pero huli na. Mabilis kaming nakarating ng elevator. Siya pa ang pumindot ng buton. Pinindot niya ang basement. Humalukipkip ako't pilit ko siyang huwag kibuin.
"Ihahatid na kita sa bahay ninyo." bigla niyang sabi.
"No need. I have my own car." pagtatanggi ko.
"Oh, I see." he said cooly. Ano bang problema ng isang ito? Nakuha na nga niya mula sa akin ang kompanya ko, hindi pa rin niya ako tinitigilan?!
Tumunog ang elevator na hudyat nasa tamang palapag na kami. Agad ko dinaluhan ang aking Ferrari pero napasapo ako sa aking bibig nang makita ko ang kalunos-lunos na sitwasyon ng aking sasakyan! Puros wala nang mga gulong ang mga iyon! What the hell?! Sino ang may pakana ng mga ito?!
"What happend?" bigla na naman sumulpot si Fabian sa gilid ko. Nakapamulsa siya sa kaniyang magkabilang bulsa. Nakapatingin din siya sa aking sasakyan. Rinig ko pa ang pagsinghap niya. "Ohh... What happend to your car?" painosente niyang tanong, akala niya, hindi ko mahahalata na exaggerated siya sa ekspresyon niya!
Inis akong bumaling sa kaniya. "Don't try to play innocent here, Fabian. What did you do to my car?!" napalakas ang boses ko dahil sa pagkairita. "Sabihin mo ang totoo, planado mo ito, ano?!"
Tumaas ang mga kilay niya nang tumingin siya sa akin. Tumikhim siya sa akin. Tinuro niya ang sasakyan ko na wala nang mga gulong. "Bakit ako naging suspek dito? I'm concern citizen here, ya know." sabay kamot siya sa kaniyang batok.
I gritted my teeth and shut my eyes hard. Nagtitimpi ako na hindi saktan ng pisikal ang siraulo na ito dahil sa sitwasyon na ito ay boss ko siya. I clenched my fist. "Fine, I'll call a grab." inilabas ko ang cellphone mula sa aking bag pero biglang inagaw naman niya ang telepono ko. Sinigawan ko na naman siya pero mukhang wala naman siyang pakialam. Sabay hinawakan niya ang isang kamay ko at kinaladkad niya ako papunta sa kaniyang sasakyan. Sinubukan kong magpumiglas pero masyado siyang malakas! Seryoso niyang binuksan ang pinto ng frontseat at isinakay niya ako doon hanggang nakaupo na siya sa driver's seat.
Humarap ako sa kaniya na inis na inis. "Ano ba talagang gusto mo, Fabian?!" singhal ko sa kaniya.
Seryoso pa rin ang mukha niya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at umaribas siya ng takbo paalis sa luhar na ito.
**
Ang buong akala ko pa man din ay ihahatid niya ako sa bahay! Dinala niya ako sa isang Fine Dining dito sa Makati. Sa Mireio Terrace! At ano naman ang gagawin namin dito?! We reached the 9th floor of Raffles Makai. Pero hindi ko inaasahan kung ano ang madadatnan ko sa lugar na ito. This fine dining is an elegant brasserie-style. If I'm not mistaken, Mireio is a famous poem by the Nobel Prize winner poet Frederic Mistral. And the story tells about the journey and frobidden love story of a wealthy farmer's daughter named Mireio, who falls inlove with a humble basketmaker, Vincent.
May mga nakasulat sa pader ng restaurant na ito. Kaya binabasa ko ang mga ito habang kinausap ni Fabian ang isang receptionist tapos ay nilapitan kami ng waiter para ihatid kami sa mesa kung saan nagpareserved talaga ang kasama ko. Medyo tamad akong sumunod. Hinila ni Fabian ang upuan para sa akin. Walang imik akong umupo. Binigyan kami ng menu. Nang nakapili na ako kung anong kakainin ay sinabi ko din iyon sa waiter, ganoon din si Fabian. Nang umalis na ang waiter at tamad akong bumaling sa lalaki na nasa harap ko na ngayon ay malapad ang ngiti.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Kailangan mo talaga ako dalhin dito nang sapilitan?"
Nagkibit-balikat siya. "Kung hindi ko rin gagawin iyon, hindi ka rin sasama." kaswal niyang sabi. "Hindi ba, ang sabi ko rin sa iyo, gusto rin kita makadate?"
"But I'm not interested, Mr. Wu." matigas pero mahina kong sambit.
He gave me an amusing smile. "You're not interested in a relationships?" sunod niyang tanong. "Why? Masarap daw mainlove, sabi nila?"
Napangiwi ako. "Eww, talagang galing pa sa iyo, Mr. Wu?"
Ngumuso siya. "Well, my mom and dad were very much inlove with each other. Though, marami din sila pinagdaan bago man nila nakamit ang happy ever after nila."
Marahas akong kumawala ang buntong-hininga. "Well, ganoon din sina mama at baba. Umabot sila ng ten years bago sila nagkatuluyan."
He leaned himself forward. Mukhang mas naging interisado pa siya sa sinabi ko. "Really? Umabot pa ng ten years? How?"
"Well, my father, Finlay Manius Ho is a full -chinese, but he considered himself as a chinese-filipino dahil dito siya lumaki sa Pilipinas. Si mama is a spanish-filipino. Syempre, ang Grande Matriarch, sagad sa buto ang pagkatutol niya sa relasyon nila. Nagkahiwalay sila pero nalaman ni mama na buntis siya sa amin ng kakambal ko na si Rowan. In ten years, naging single mom siya. Hanggang sa nagkrus na naman sila ng landas ni babae. Nakakatuwang isipin na mahal pa rin ni baba si mama kahit sobrang tagal na silang hindi nagkita. Hindi siya lalo umalis sa tabi ni mama dahil nalaman niya ang tungkol sa amin ng kakambal ko." hindi ko na namalayan na napakwento na ako! Napasapo na ako sa aking bibig.
Hindi mawala ang ngiti ni Fabian sa akin. "Wonderful story. Samatalang sina mama at papa, umabot ng thirteen years."
My eyes wided. Ako naman ang naging interisado. "Really? Sobrang tagal naman."
"Like your father, sobrang mahal niya si mama. Well, marami ding komplikadong sitwasyon na pinagdaanan nilang dalawa. But the more I loved in their lovestory, nang nasa bingit ng kamatayan si papa, si mama ang nag-opera sa kaniya kahit na malalagay naman sa alangin ang lisensya niya. Kahit na may posibilidad na mamatay si papa sa mga kamay niya, still, nagawa niyang pagalingin si papa. That day, we starting to believed in miracles."
Umaawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha nang marinig ko ang lovestory ng mga magulang niya. "Ang galing... Kahit kamatayan, hindi sila sumusuko." mahina kong turan.
"Yeah, kaya sobrang hanga si ate Siannah kaya pinupursue niya ang pagiging doktor dahil iniidolo niya si mama."
Hindi ko na alam kung saan napunta ang kwentuhan namin. Kahit na dumating na ang pagkain ay hindi pa rin kami nagpapaawat si Fabian sa kwentuhan. Hindi ko na rin namamalayan na natatawa na ako sa mga jokes niya. After namin kumain ay napgpasya naman kaming pumunta sa rooftop.
Hindi mawala sa aking mga labi nang masilayan ko ang lugar na ito. There's a view that overlook the Makati Skyline. All I could say is, this place is very romantic. May mga tugtugin din. May mga couple na sumasayaw sa iba't ibang sulok. Lumapit kami sa bar counter para uminom. Pareho naming trip ngayon iyon. Tutal naman ay nakapagdinner na din naman kami.
Mireio ang inorder kong cocktail, samantalang si Fabian naman ay Vincen. Ewan ko kung nagkataon lang ba iyon ang mga inorder namin dahil ang mga pangalan ng mga inumin ay hango sa pangalan ng dalawang nag-iibigan na sina Mireio at Vincent.
"Cheers!" sabay naming sabi na nakangiti. Sabay din namin ininom ang cocktail.
Panay kwentuhan naming dalawa sa kung anu-anong bagay. May mga nalaman ako tungkol sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Nagshare din ako sa kaniya ng mga bagay na tungkol sa akin. Pareho na kami nakakaramdam ng hilo, mukhang lasing na kami. Ramdam ko din na mainit na ang magkabilang pisngi ko.
"Oy, Fabian." tawag ko sa kaniya, kahit na namumungay na ang mga mata ko, pilit ko pa rin tumingin. Kahit doble-doble na ang mga nasa paligid ko!
Bumaling siya sa akin. "Hmm?"
Ngumuso ako. "Shabihen mo... Gaano mo ako kagushto?" diretsahan kong tanong.
Bago man niya ako sagutin ay ngumiti siya sa akin. "Alright... I wanna make a confession tonight... You know before I met you, I used to laugh at people who fell inlove. I used to make fun of them... I did not believe in the concept of love. But... That day I saw you, I have the chance to tell you... you have have completely changed my notion in life..." marahan niyang hinawakan ang aking kamay. Nakatitig siya doon. "I don't want you to go... You made my heart skipped a beat..."
Kinagat ko ang aking labi. Ng ilang segundo. "If you love me, you should marry me." wala sa sarili kong sambitin iyon.
Tumingin siya sa akin. Umaawang nang bahagya ang kaniyang bibig dahil sa sinabi ko. "If that so... Are you willing to be my wife?"
I gave him a devilish grinned. "Why not? I have my great grandpa's ring here. Family heirloom, I think. Ang sabi sa akin ng Grande Matriarch, ibibigay ko daw ang singsing na ito sa lalaking gusto kong makasama habang buhay. Because it symbolize timeless love..."
"I have my great grandma's ring here, too. She told me about that too. Actually, namana ko pa ito sa kaniya."
"So we have ring here, kulang nalang kasal." pahayag ko sa mapaglarong tono.
Kita ko kung papaano niya kinagat ang kaniyang labi. Tumayo siya. "Tonight, marry me, Baberette."
"I'm glady accept the offer, Mr. Wu."
May kakilala daw siyang judge. Ito ang nagkasal sa amin. Talagang sinugod pa namin ito sa bahay nito. Dalawa ang witness namin. Ang asawa niya at ang kasambahay nila. Walang alinlangan na pinirmahan namin ni Fabian kung ano ang mga dapat pirmahan. Pilit namin maging normal sa harap nila kahit ang totoo ay gusto na namin matulog.
Hanggang sa marating na namin ang Penthouse ko. Walang kaabog-abog na sinunggaban na niya ako ng halik. Tila natanggay na nang tuluyan ang aking katinuan. Pareho na kami wala na sa huwisyo.
"How many kids do you want?" he huskily asked between our kisses.
Kinagat ko ang aking labi. "It's up to you, Mr. Wu."
"Simula ngayon, akin ka na." pahabol pa niya. "Mrs. Sarette Hochengco-Wu."
Hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon pa magsalita dahil muli na naman niya ako sinunggaban ng halik...