Chapter 29

1787 Words

Ilang ulit pang napalunok na ako ng sariling laway doon matapos na mahigit ang aking hininga. Gulantang pa rin at hindi alam kung ano ang tamang reaction sa sinabi niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid na para bang wala akong narinig, pero ang totoo ay inaabala ko lang ang aking sariling gawin iyon upang kumalma. Sa totoo lang ay ilang na ilang na ako sa kanya. Sa sobrang awkward sa mesa namin ay parang nais kong magpaalam na gagamit ng banyo kahit hindi naman totoo. Nais kong takasan ang pakiramdam na iyon. Gaga ka kasi, Sanna, bakit ka nagsabi noon sa kanya kanina kahit na hindi totoo? Ayan, magdusa ka! Panindigan mo iyan sa kanya! Maya-maya pa ay ilang ulit akong gumalaw sa aking upuan, umayos ng pwesto. Maingat na binuhat ang baso ng tubig upang laklaki na ito. Ni sa hinagap ay hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD