“I’m sorry, Sasha.” Kumurap siya at saka lang pumihit paharap kay tito Robert. Bakas ang simpatya sa mukha ng matanda nang magpatuloy sa pagsasalita, “Hindi ko rin gusto na marami siyang nilagay na kondisyon para sa ‘yo. Sinubukan ko siyang kumbinsihin na huwag iatang sa ‘yo ang mga responsibilidad na baka hindi mo naman gustong gawin. Pero hindi siya nakinig sa akin, hija.” Napahugot siya ng malalim na paghinga at pinilit na ngumiti. “It’s okay tito. Wala na tayong magagawa pa sa laman ng testamento kasi final na ‘yan.” Naging mataman ang titig ng matandang abogado sa kaniya. “Pero wala kang interes sa politika. Bata ka pa rin Sasha. Kahit na tumakbo ka sa eleksyon two years from now, maliit lang ang tiyansa na mananalo ka at makakapaglingkod ng isang termino. The way your father cre