HOUSE PARTY sa Forbes Park ang pinagdalhan sa kaniya ni Hosea. Katrabaho raw nitong flight stewardess ang may birthday. Isang tingin pa lang ni Sasha sa nakahilerang mamahaling mga kotse sa labas at loob ng bakuran ay alam na niyang hindi siya magiging komportable sa gabing iyon. It was the type of rich kids’ parties that her father never allowed her to attend. Ayaw nitong mapapalapit siya sa mga kaedad niyang maluho ang pamumuhay. Ironic kasi mula pagkabata hanggang kolehiyo pinag-aral siya nito sa mga eskuwelahang pang mayaman. Mukhang napansin ni Hosea na nailang siya kasi ginagap nito ang kamay niya at pinisil iyon. “This is not what you think, Sasha. It’s just a dinner with her friends. Hindi kita dadalhin sa lugar na magiging uncomfortable ka. Gusto lang kita madistract para mabawa