Out of the country si Vivian Dela Torre nang mamatay ang ama ni Sasha. Tinawagan niya ito sa mismong araw na inatake ang papa niya para pauwiin ito. Akala niya iiyak at magiging in denial ang mama niya nang sabihin dito ang balita. Pero nadurog ang puso niya at muntik na maihagis ang cellphone sa galit nang kaswal nitong sabihing, “Finally. He’s too old already.” Pagkatapos sinabi nitong hindi pa ito makakauwi kasi ayaw nito ikansela ang kung anong party nito at ng mga kaibigan. Balak pa yata mag celebrate na namatay na ang asawa nito.
Kahapon lang bumalik si Vivian at nang makita na maraming nakikiramay na kilalang mga tao at may media coverage pa, wala nang ginawa kung hindi humagulgol at mag inarte na para bang mahal na mahal nito ang pumanaw na asawa. Nakakagigil kasi halatang nakikisimpatya ang mga tao sa biyuda na para bang hindi lang nagtatanong ang mga ito noong nakaraang mga araw kung bakit wala ito sa burol.
Hanggang matabunan ng lupa ang puntod at unti-unting mabawasan ang mga nakikiramay, hindi umalis sa kinatatayuan niya si Sasha. Parang nilalamutak ang puso niya at may nakabara sa lalamunan niya. Pero kahit na ganoon, ni hindi namasa ang kanyang mga mata.
Mayamaya naramdaman niya ang magaan na tapik ng isang kamay sa balikat niya. Saka lang lumingon si Sasha at hinarap ang abogado ng papa niya. Noon lang niya napansin na wala na palang masyadong tao sa sementeryo. Sa di kalayuan abala ang nanay niyang tanggapin ang condolences at pagpapaalam ng mga personalidad na nakiramay, pati na ang presidente ng Pilipinas at ang mga anak nito. Nakikita niyang nagpapahid pa ng luha si Vivian Dela Torre at ilang beses pa humikbi.
What a b***h, mapait na naisip niya bago ibinalik ang atensiyon kay tito Robert Garcia na bata pa lang siya ay kilala na niya kasi long-time friend ito ng papa niya. Sa mukha nito nakikita niya ang tunay na lungkot at pagluluksa. Medyo naiinggit pa nga siya kasi namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak.
“Sasha, mauuna na kami ng asawa ko. Kailangan mo ba ng kahit anong tulong? Gusto mo ba ng makakasama?”
Umiling siya. “I will be fine alone, tito. Sige na po, umuwi na kayo. I’ll stay here for a little longer.”
“I’ll stay with you.”
Sabay silang napalingon sa nagsalita. Napahugot ng malalim na paghinga si Sasha at muntik na salubungin ng yakap ang matalik niyang kaibigan na si Hosea Garcia. Sa halip pilit siyang ngumiti at umiling. “Hindi na kailangan. May flight kang kailangan habulin, ‘di ba? Hindi mo puwede pabayaan ang trabaho mo. Thankful na ako na nakarating ka sa huling lamay at libing.” Flight attendant kasi ang binata.
“Pero Sasha…”
Umiling uli siya at yumakap sa braso nito nang tuluyang makalapit sa kaniya. “Sumabay ka na kila tito umalis.”
“At ikaw? Don’t tell me magpapaiwan kang mama mo lang ang kasama mo? Hindi ka magiging komportable,” worried na sabi ni Hosea.
Humigpit ang yakap niya sa braso nito. “Don’t worry.”
Sandali pa niyang kinumbinsi ang mag-ama na umuwi na bago pumayag ang mga ito. Hinatid pa niya ang pamilya Garcia sa bahagi ng sementeryo kung saan naka-park ang mga sasakyan. Bago tuluyang pumasok sa kotse si tito Robert ay ipinatong nito ang mga kamay sa magkabilang balikat niya. Pagkatapos seryoso at mahina itong nagsalita, “This might sound urgent pero kailangan ko mag set ng oras at araw para sa pagbabasa ng last will and testament ng papa mo. Kailan ka available?”
Kumirot ang puso niya kasi aware din si Sasha na hindi puwede patagalin ang pagbabasa ng testamento. Hindi lang kayamanan ang naiwan ng papa niya kung hindi maraming trabaho at responsibilidad. “Tito, next week na lang puwede?”
Sympathetic na tumango ito at ngumiti. “Take care of yourself. Tawagan mo kami ng tita mo kung may kailangan ka, okay?”
Tumango si Sasha at hindi na nagsalita. Mayamaya pa umatras na siya at pinagmasdang makalayo ang kotse ng mga ito. Hindi pa siya nagtatagal na mag-isa roon nang marinig niya ang boses ng kanyang ina mula sa likuran niya.
“Anong pinag-uusapan niyo ng abogado ng papa mo? Kung tungkol sa kayamanan ni Damian iyon huwag niyo itatago sa akin. Hindi niyo ako puwede utakan.”
Mariing tumikom ang bibig ni Sasha, dahan-dahang lumingon at kinuyom ang mga kamao nang makitang tapos na umarteng nagluluksa ang nanay niya. Naniningkit na ang mga mata nito sa pagdududa. “Too excited for your inheritance, mama?” sarcastic na tanong niya.
Tumaas ang kilay ni Vivian Dela Torre, dumeretso ng tayo at itinaas ang noo. “Gusto ko lang makuha ang dapat ay akin bilang asawa niya.”
Gustong humalakhak ni Sasha kasi basta usaping yaman lang nagiging ‘asawa’ ang mama niya para sa kanyang ama. Normally abala ito sa mga kaibigan at lalaki nito para pagtuunan sila ng atensiyon. Tumingin siya sa wristwatch niya. Wala na siyang oras para makipag argumento sa ina. “Don’t worry. Tito Robert will probably contact you. My father loved you too much I’m sure he left you a fortune enough to do whatever you want for the rest of your life…” Nag-angat siya ng tingin. “Unfortunately.”
Nanlaki ang mga mata ni Vivian Dela Torre at namula ang mukha. “How dare you? I’m your mother!”
Mapait na ngumiti si Sasha. “Again, unfortunately.” Pagkatapos tumalikod na siya at naglakad palapit sa sarili niyang kotse.
“Saan ka pupunta?!”
Pumasok siya sa loob ng sasakyan imbes na sagutin ang ina. Binuhay niya ang makina ng kotse at pinaharurot iyon palayo ng sementeryo. Ni hindi niya inabalang silipin mula sa side mirror kung ano ang naging reaksiyon ng nanay niya. Alam ni Sasha na magtatalo lang sila kapag nagtagal pa silang magkasama. Masyado nang mabigat ang pakiramdam niya dahil sa pagkawala ng papa niya at pagod din siya sa ilang araw na halos wala siyang tulog at pahinga. Ayaw niyang idagdag pa sa stress niya ang matandang babae.
Hindi sa bahay nila nagpunta si Sasha kasi masasakal siya ng katahimikan at lungkot doon. Kaya bumiyahe siya palabas ng Maynila. Kailangan niya lumayo at mapag-isa. Kailangan niya ng distraction. She needs her mind to be blown away. She needs a hard, wild and intense f*****g session until she forgets everything that happened for the past week. Kahit panandalian lang.