“When mo ba hihiwalayan ang boring mong asawa?” nag-iinarteng tanong ni Sasha kay Rim. Magkatabi silang nakahiga sa ibabaw ng kama. Nasa loob sila ng penthouse suite ng isang five-star hotel. Nakaunan ang ulo ng una sa matambok na dibdib ng huli habang nilalaro niya ng kanyang hintuturong daliri ang kanang dibdib ni Rim. Hindi na mabilang ang minuto na lumipas matapos ang pag-iisa nila. Parehas pa rin silang hubad at walang saplot sa ilalim ng makapal na kumot. Ngumiti naman si Rim. Mahigpit niyang niyakap ang maliit na baywang ni Sasha. “Huwag kang mag-alala, malapit ko na rin siyang hiwalayan,” paniniguro niya kay Sasha. “Kumukuha lang ako ng tamang tiyempo,” dugtong niya pa. Napanguso naman ang may kakapalang labi ni Sasha. “Ganyan naman lagi ang sinasabi mo. Ang tagal mo nang sinisig