Inihilamos nang madiin ni Rim ang malalaki niyang kamay sa buong mukha niya. Humugot siya ng malalim na hininga. Nakatayo siya sa gitna ng kwarto nila ni Ashley. Sinundan ni Ashley si Rim. Pumasok ito sa kwarto at nilapitan ang asawa. Niyakap niya ito ng mahigpit mula sa likod habang patuloy na lumuluha ang kanyang mga mata. “Please, Rim. Pag-usapan nating mabuti ito. Huwag kang padalos-dalos. Huwag mo naman akong iwan para sa kanya,” pagmamakaawa ni Ashley. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa malapad na likod ng mister. “Huwag mo naman itapon basta-basta ‘yung mga alaalang binuo natin ng ilang taon,” pagsusumamo pa niya sa mister. “Nangako tayo na hanggang sa huli ay magsasama tayo. Gusto kong tuparin ang pangako kong iyon sa’yo kaya sana tuparin mo din ‘yung pangako mo sa’kin,” aniya p