Abala si Ashley sa paglilinis ng buong bahay. Gusto niyang makalimot kahit sandali kaya ginagawa niyang abala ang kanyang sarili. Pinunasan ni Ashley ang pawis sa kanyang noo. Tumutulo din sa gilid ng maliit niyang mukha ang butil ng pawis at pati na rin ang kanyang leeg at mga braso ay nangingintab din sa pawis pero mabango pa rin siya dahil sa ginagamit niyang body wash kapag siya’y naliligo. Nakasuot siya ng white tank-top na humuhubog sa kanyang magandang katawan at maikling maong na short na hanggang itaas ng kanyang makinis na hita ang haba. Naka-pony tail ang buhok niya para hindi siya masyadong mainitan lalo na at maalinsangan din ang panahon sa labas na pumapasok sa loob ng bahay. Matapos linisin ang living room ay nagpunta naman si Ashley sa kusina. Sinimulan na rin niyang lini