CHAPTER 5

1089 Words

Nasa likod ng bahay si Ashley. Isa-isa niyang inaamoy ang mga damit na hinubad ni Rim na nasa laundry basket. Para siyang aso na inaamoy ang bawat isa at tinitingnan kung may kakaiba siyang maaamoy sa mga ito. Hindi mapigilan ni Ashley na gawin ito. Labis pa rin siyang nag-iisip at naghihinala. Hindi man ito maganda ngunit hindi naman niya mapigilan ang kanyang sarili. Para siyang may sakit na walang lunas. Ilang sandali pa ay pabalag na hinagis ni Ashley ang maroon polo shirt ni Rim sa laundy basket. Malakas siyang nagbuga nang hininga. “Wala namang kakaibang amoy,” bulong ni Ashley. Wala siyang naamoy na pabango na pambabae o kahit anumang kakaiba. Pabango lang ni Rim ang naamoy niya. Napahinga ulit siya ng malalim. Maya-maya ay muling kinuha ni Ashley ang mga damit ni Rim at isa-isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD