Victoria's Point Of View
"Tori! Tori!"
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagsigaw at pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Mabilis akong napabangon at halos inaantok pa nang tumayo at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin si mama na nakasuot ng sunglasses at naka sunflower theme na dress. Napangiwi pa ako nang makita ang itsura niya, may suot rin siyang mamahalin na shoulder bag.
Tila nagulat din sa nang makitang kakagising ko lang. "Hala?! Bakit hindi ka pa nakapagbihis?"
"Huh? Bakit ma, saan ba tayo pupunta?" Kunot ang noo na tanong ko na lang din sa kaniya.
"Diba nga, pupunta tayong Palawan? Hindi ka ba nakikinig sa pinaguusapan natin 'nong nakaraang araw?"
Namilog na lamang ang mga mata ko dahil sa gulat. Nawala ang antok ko dahil sa narinig kong sinabi niya.
"Ngayon 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Natawa na lang si mama dahil sa ekspresyon na nasa mukha ko. "Oo nak, ngayon 'yon."
"Sige ma, pwedeng pahintay saglit? Magbibihis lang ako at magiimpake." Paalam ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya. "Sige nak, don't worry dahil hinihintay pa naman natin si Kuya Perseus mo. Mukhang sinundo niya pa ang pinsan niya."
Tanging pagtango na lang ang naisagot ko sa kaniya.
Sinara ko na ang pinto bago sinimulang magimpake muna ng mga gamit.
Grabe, gan'to pala kapag maraming pera 'no? Kahit biglaang plano, ay siguradong matutuloy.
Nakakapaninago dahil kahit pagpunta nga sa bayan 'non ay nahihirapan kami, pero ngayon—napapadali ang lahat dahil dito.
Nakakaloka at the same time ay nakakatuwa rin. Sinong magaakala na makakaranas pala kami ng ganitong karangyang buhay? Diba?
Pumasok na muna ako sa banyo dala ang tuwalya ko. Ginawa ko ang morning routine ko sa loob 'non.
Hindi ko nakita kahapon si Auis sa loob ng mansyon. Mas mabuti nga 'yon para sa akin, dahil talagang hindi ko kayang magtagal na kausap niya. Inis na inis ako sa kaniya dahil sa ugali niya.
Ganoon niya ba kagustong umalis kami ni mama kaya ginaganon niya ako? s****l abuse na ba ang tawag sa ginagawa niya sa akin?
Pero... paano kung gusto ko—hoy! Anong gusto?! Hala, mag-hunos dili ka nga Vitoria Angeline!
Naiiling na lamang ako habang sinasabunan ang katawan ko. Mas binilisan ko na lamang ang pagligo dahil nahihiya ako sa tuwing may naghihintay sa akin.
Inilagay ko na ang mga simpleng damit ko sa loob ng isang traveling bag na nakita ko lang din dito sa loob ng cabinet.
Halos isang linggo na rin kaming naninirahan dito pero hindi pa rin ako sanay. Sanay kasi ako sa buhay na simple. Simpleng bahay, simpleng mga damit, simpleng mga gamit at simpleng pamumuhay. Kaya baka matatagalan pa bago ako makakapag-adjust.
Patapos na ako sa pagaayos nang may kumatok na naman sa pinto ng kwarto ko. Sinara ko na ang traveling bag bago ako tumayo, lumapit sa pinto at bago iyon binuksan.
Natulos ako sa kinatatayuan nang bumungad sa akin si Auis. Nakasuot siya ng isang simpleng oversize na shirt pagkatapos ay corduroy na short. Nakababa ang tingin niya sa akin dahil nga mas matangkad siya. Nakapamulsa din siya at kumikislap ang hikaw na nasa kaliwang tainga niya.
"Ang bagal mo naman. Bilisan mo, dahil hinahanap ka na nang matandang lalaki!" Galit na sabi niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ikaw ba ang matandang lalaki?" Sarkastiko kong sabi.
Mas kumunot naman ang noo niya kesa sa akin. "Oh shut up!" pikon na sabi niya bago nauna nang naglakad.
Napahagikhik na lamang ako bago ni-lock ang pinto ng kwarto ko.
Baliw talaga ang lalaking 'yon. May sayad yata ang ulo! Kakakita ko pa lang sa kaniya pero pikon na pikon na rin ako, nako!
Nag-marcha na ako papunta at pababa nang hagdan. Nakaramdam pa ako ng hiya nang makita kong nakaupo sa sofa sila mama at tila hinihintay ako. Kausap niya si Tito Joaquin, habang si Auis naman ay naglalakad palabas ng pinto at may nakasunod sa kaniyang lalaki na kulay platinum ang buhok.
Tila napansin ni mama ang presensya ko dahil tumingin siya sa dereksyon ko. Sumilay ang isang ngiti sa labi niya.
"Ang ganda naman ng anak ko kahit napaka-simple lang." Papuri niya kaya napaharap na rin si Tito Joaquin sa akin.
"You look so pretty Ija, why don't you try to wear a more fashionable clothes? I'll buy you on our way there."
"Hindi na po Tito, ayos na po sa akin ang simpleng mga kasuotan." Pagtanggi ko.
Hindi na rin humaba pa ang usapan namin, nagkaayaan na kaming lumabas at sumakay sa van dahil pupunta pa raw kami ng airport.
Kinakabahan pa nga ako, kasi narinig ko na private plane daw ang sasakyan namin mula sa Manila papunta sa Puerto Princesa. Hindi ko naman alam kung saan ang lugar na 'yon, pero bahala na si Lord! Ang hirap pala kapag mayaman, ang daming pinupuntahan 'eh!
PIGIL ang paghinga ko nang makasakay ako sa loob ng van. Kulang na lang ay himatayin na ako dahil halos hindi na ako humihinga.
Nasa tabi ko lang naman si Auis. Nasa ikatlong row kami ng van, habang nasa harap naman namin sila mama at Tito Joaquin.
Nasa kanang gilid ako ng pwesto namin, katabi ko si Auis at katabi niya naman ang lalaki na hindi ko pa alam ang pangalan—pero pinsan niya raw.
Nakaharap lang ako sa bintana at dikit na dikit talaga. Hindi na ako halos humihinga dahil ayaw kong maagaw ang atensyon ng lalaking katabi ko.
"Who's that pretty girl beside you? Auis?"
Natuod ako sa kinauupuan nang maranig na magsalita ang lalaking katabi niya. Naramdaman ko ang pagsandal ni Auis sa upuan kaya mas lalo akong sumiksik sa gilid.
"Who knows? Try asking her." Letse talaga ang lalaking 'to! Kahit kailan talaga!
Narinig ko naman ang pagtawa ni Tito Joaquin.
"See? Pati si Lucien ay nagagandahan sayo Tori. You should be more confident, right hon?"
"Yes, shempre naman. Mana sa akin ang anak ko kaya kakaiba nah kagandahang taglay niya."
Napangiwi na lamang ako dahil sa ka-sweetan nilang dalawa ni mama. Hindi ako sanay, pero kailangang sikmurahin para sa future.
"Disgusting." rinig kong bulong netong katabi kong kupal.
Gumalaw naman ako at pa-sekretong humarap sa dereksyon nila. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang na nakatingin din pala silang dalawa sa akin.
Nakasandal si Auis sa upuan habang nakababa ang tingin sa akin, habang ang katabi niya naman ay nakahalumbaba habang nakapatong ang braso sa binti ni Auis. Nakangiti ito habang nakatingin din sa akin.
Gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Bakit ba naman kasi nakatingin sa akin ang mga mokong na 'to?! Letsugas talaga 'eh.
"Ganda! Ikaw na ba ang magiging kapatid ng mokong na 'to?" Agad na tanong sa akin ng pinsan ni Auis na Lucien ang pangalan.
Nagaalangang ngumiti na lamang ako sa kaniya. "O-Opo."
Tumango-tango naman ito. "Buti nakayanan no 'yang lalaking 'yan?" Dinuro niya ang mukha ni Auis. "Sira-ulo 'yan 'eh."
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa sinabi niya, maikling pagtawa lang 'yon. Wala sa sariling napatingin naman ako kay Auis at natigil ang pagtawa ko nang makita ang malamig na ekspresyon sa mukha niya.
"Would the two of you please shut-up? Manahimik na lang kayo, mahaba pa ang byahe." malamig niyang sabi kaya bumalik ako sa pwesto ko kanina at hindi na muling lumingon sa kanila kahit pa super nakakangalay.
"BLERGH!" Mamamatay na ba ako? Hindi na ba ako aabot sa susunod na pagsikat ng araw?
Lupaypay ako habang nasa loob ng banyo. Para na akong mamamatay kaka-suka!
Mukhang nanibago ang buong sistema ko sa mahabang byahe. Sumakay ng van, sumakay ng eroplano, pagkatapos ay sumakay ulit ng kotse. Hindi ko na alam kung ilang oras nag naging byahe namin. Malapit ko nang makalimutan ang sarili ko dahil sa pagsusuka na ginagawa ko ngayon.
"The fuxk! Hindi ka pa ba tapos diyan?!" Ayan, ayan ang boses ng demonyito kong stepbrother.
Kanina pa yan! Pang-sampu na nga yata niyang pagtatanong fr. reklamo 'yan 'eh.
Andito na kami sa resort na napagusapan. Hindi ko pa halos na-enjoy at nakita ang buong lugar dahil sa banyo agad ang punta ko.
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa malakas na kalampag sa pinto. Tangina talaga ng lalaking 'to!
"Ano? Di ka pa rin tapos?!" Sigaw niya na naman mula sa labas.
Naiiyak na inayos ko na lamang ang sarili ko bago lumabas ng banyo at masama ang loob. Bakas na bakas sa mukha ko ang sama ng loob ko nang tignan ko siya. Pero mas lalo lang yatang sumama ang loob ko nang makita ko na nag-eenjoy siya sa nakikita niya.
"Grabe na talaga nag mga matatanda ngayon." parinig ko sa kaniya bago nauna nang naglakad.
Napawi ang bigat ng dibdib ko nang sa wakas ay matignan ko na ng maayos ang buong lugar. Maraming bulaklak ang mga pader na nadadaanan ko, meron 'din akong natanaw na swimming pool sa di kalayuan at may ibang mga tao na naliligo 'ron.
Sa gitna ng paglalakad ay nakalimutan kong hindi ko nga pala alam kung saan ang cottage namin!
Napahinto na lang ako at na-pressure sa mga daanang nasa harap ko. Para akong nahihilo at kulang na lang ay matumba na ako kakaisip.
Pero bago pa man mangyari 'yon, ay nakaramdam ang ng mga palad na humawak sa likod ko para alalayan ako.
Agad akong nagangat ng tingin at bumungad sa akin ang mukha ng lalaking kinaiinisan ko.
"You're as dumb as a cockroach." panglalait niya sa akin kaya agad akong lumayo sa kaniya.
Nanghihina ako't wala na akong gana na patulan pa siya. "Tara na kela mama... susundan kita." Mahinahong sabi ko.
Walang sabi-sabi na naglakad na rin naman siya. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami malapit sa baybayin.
Namangha ako dahil sa ganda ng tanawin. Papalubog na ang araw at kulay orange na ang langit. May ilaw na rin ang luxury floating cottage na pupuntahan namin dahil andoon sila mama. Sa di kalayuan ay nakikita ko rin na nagtatampisaw na sa dagat si Lucien habang naka-topless lang. May hila-hila itong kayak na kulay blue.
"Bilisan mo naman mag-lakad! Pagong ka ba?"
Ayan na naman siya. Ako na lang palagi ang nakikitang pagtripan ng letseng 'to!
"Eh ikaw? Giraffe ka ba?!" Pikon kong sabi bago kumaripas na ng takbo para unahan siya.
Pumasok na ako sa floating cottage. Bakit floating? Kasi para siyang lumulutang sa ibabaw ng tubig! Pero nang makalapit na ako ay may nakikita akong poste na nakaalalay sa ilalim.
Naiiling na lang ako habang naglalakad sa tulay na makintab na kahoy palapit sa pinto. Nako! Nako! Akala ko naman 'eh floating talaga.
Malaki ang floating cottage, halos kalahati ng mansion na tinitirahan namin ang laki. Ewan nga nga kung bakit cottage pa ang tawag dito 'eh kasing laki naman na ng bahay!
Ayaw ko na ring tanungin ang presyo kung magkano ang renta. Baka kasi bigla akong himatayin 'eh.
"Ayos ka na ba anak?" Salubong na tanong agad sa akin ni mama. Tumayo siya mula sa sofa na kinauupuan niya, pati na rin si Tito Joaquin.
"Ok na po ako ma, kailangan ko lang po sigurong magpahinga." nakangiti kong saad.
Ang totoo ay nasusuka pa rin ako. Pero kailangang tiisin, baka kasi masira ang bakasyon na 'to kung magsasakit-sakitan ako.
"Tsk, weak." rinig kong sabi ng magaling kong stepbrother bago niya kami nilampasan at dumeretso na paakyat sa hagdan. Mukhang pupunta ng kwarto.
Grabe, kakaiba talaga ang floating cottage na 'to! Nakaka-bother na cottage nag tawag kahit mukha namang bahay.
"Sige, umakyat ka muna sa kwarto mo at magpahinga saglit. Aakyat ako para tawagin ka kapag may pagkain na tayo." malambing na sabi ni mama sa akin.
Sumangayon naman ako atsaka umakyat na rin. Nanghihina pa rin ako pero wala akong magagawa, gan'to talaga 'eh. Nanibago ang sanay sa kahirapan kong katawan sa mga byahe na ginawa namin. Nakakabilib nga si mama 'eh, buti kinaya niyang bumyahe ng ganoon ka-haba!
Mahaba ang hallway ng second floor. Kung gaanong kalawak ang first floor ay ganoon din kahaba ang hallway. May apat na kwarto 'rin, dalawang magkakatapat. Ang totoo ay hindi ko alam kung na saan ang kwarto ko. Pero mabuti na lang ay nakaiwang nakabukas ang mga kwartong walang tao kaya naman inisa-isa ko.
Napunta ako sa bandang kanan at dulo na kwarto, mukhang ito na ang kwarto ko't katabi ko na naman ang kwarto ni Auis na nakasara ang pinto. Andoon siguro siya sa loob since umakyat siya ng hagdan kanina.
Dere-deretso na akong pumasok at tumalon sa kama. Para akong nakaginhawa ng maayos nang maramdaman ko ang malambot na kama.
Grabe, gan'to pala kasarap ang pakiramdam kapag mayaman!
Malapit na akong makatulog nang makarinig ako nang malalakas na sigaw mula sa kabilang kwarto.
Napabangon talaga ako dahil sa gulat. At dahil chismosa ako, napabangon pa ako't idinikit ang tainga ko dingding na gawa sa makapal na kahoy. Nakakapagtaka lang dahil umaabot dito ang tingin kaya napakapa-kapa ako—at ayon naman pala! May maliit na butas ang dingding kayo ganoon.
"Akala mo ba ay hindi ko alam 'yang mga gan'yang galawan mo?! Ha, Perseus?!" Malakas na sigaw ni Tito Joaquin.
Nako, mukhang may kasalanan 'tong si mokong ah?
"What?! Ano na naman ba dad?" Boses 'yon ni Auis, at may kalakasan.
"You know what I mean, Perseus. Alam kong hindi makitid 'yang utak mo para maintindihan mo ang gusto kong iparating."
Tumawa si Auis. "Oh? Really? Then what? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?!"
"You're ruining the family! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na 'be nice!"
"Be nice?" Malamig na tumawa si Auis. "Nag-asawa ka nang hindi ko alam, Dad. And you expect me to be nice? You betrayed Mom and—!" Sandaling huminto sa pagsasalita si Auis, para bang may ayaw siyang banggitin.
"You know what I mean, Dad. Tapos ngayon patitirahin mo na 'yang asawa at sabit nang babaeng 'yan sa puder natin na para bang isa tayong masayang pamilya? Well, news flash, Dad. We aren't! At hindi ko ituturing na ina iyang bago mong asawa tulad ng gusto mo. She will never be my mother. She's just a cheap woman who might be a gold digger—"
Kumirot ang puso ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Nagulat din ako sa tila ay tunog ng malakas na pagsampal sa kaniya ni Tito Joaquin.
"I'm sorry Perseus, hindi ko sinasadya—wait, where are you going?! Hindi pa tayo tapos magusap!"
"Away from you and your so called new family!"
Matapos ang pangyayari na 'yon, napagdesisyonan ko na sanang magbingi-bingihan at umakto na lang na wala akong narinig. Buo na ang desisyon ko na manahimik at hayaan na si Auis.
Pero hindi ko inaasahan na ang pagkakataong iyon na pala ang huling beses na maririnig ko ang boses niya. Dahil matapos ang alitan na 'yon sa pagitan nila ng ama niya, ay tinotoo niya ang sinabi niya.
Umalis si Auis kasama si Lucien. Kaming tatlo na lang ni mama at Tito Joaquin ang naiwan sa Palawan. Iba rin ang kwento ni Tito Joaquin kay mama, sinabi niyang umalis at magaaral na sa ibang bansa si Auis kaya ito nawala.
Ang araw ay lumipas at naging linggo, ang linggo ay naging buwan, at ang buwan ay naging isang taon.
And now... it's been ten years since then. Pero wala pa ring Auis na umuuwi.