Victoria'a Point Of View
"Kamusta naman ang tulog mo, Ija?"
Napaigtad ako at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Sir Joaquin. Malalim kasi ang iniisip ko habang kasalukuyan kaming nag-aalmusal ngayon.
Nasa kabilang side siya ng dining table at nasa tabi niya naman si Kuya—I mean si Perseus na tahimik na kumakain at wala man lang lingon-lingon sa amin. Katapat ko siya, habang si mama naman ay katapat niya si Sir Joaquin.
Alanganin akong napangiti. "A-Ayos lang po Sir Joaquin, masarap po ang naging tulog ko." Anong masarap?! Halos hindi ako nakatulog kakaisip sa ginawa nang g*go kong stepbrother!
Hinalikan ba naman ako? Sinong matino ang gagawa 'non. At isa pa, akala ko ba ay galit siya sa amin ni Mama? Kaya bakit nagagawa niya ang ganoong kahalay na bagay sa akin?
Natawa naman si Sir Joaquin. "Ano ka ba, Ija. You can just call me dad from now on dahil anak na rin kita." Bumaling naman siya sa anak niya. "And you can call him kuya since he's your brother now. Right? Auis?"
Pero parang wala lang narinig si Perseus. Patuloy lang siya sa pagkain at nandoon lang ang atensyon niya.
Ngumiti na lang naman ako kay Sir—I mean kay Tito Joaquin bago nagpatuloy ulit sa pagkain.
Sarap na sarap ako sa pagkain at nakikinig sa usapan nila ni mama pero halos manlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng balat ni Perseus sa binti ko.
Napahinto pa ako sa pagsubo bago ay sekretong tumingin sa kaniya. Pero wala man lang ekspresyon ang mukha niya.
Sinadya niya ba 'yon? Hindi naman siguro 'no? Baka hindi niya lang sinasadyang dumampi sa akin.
"How 'bout pumunta tayo sa Palawan next week?" Rinig kong suhesiyon ni Tito Joaquin.
"Oh! Sigurado ka ba? Hindi ba mahal ang mga resort doon?" Nagaalalang tanong naman ni mama.
"Oo naman, don't worry about the money, honey. I could even afford the resort itself if I want too. At isa pa, it's a good timing lalo na't bakasyon at next month pa magsisimula ang school year."
Nagpatuloy ako sa pagkain at nakikinig lang sa kanila. Napapitlag na lamang ako nang maramdaman naman ngayon ang daliri ni Perseus na tila kinikiliti at hinuhuli ang daliri din ng kanang paa ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti kapag dumadampi ang balat niya sa akin. Hindi na rin ako makakain ng maayos dahil sa ginagawa niya.
Sa pagkakataong ito, ay tumingin na talaga akong deretso sa kaniya. Huminto pa ako sa pagkain at nakatitig lang sa kaniya.
Patuloy pa rin siya sa pagkain, pero ang paningin niya ay nasa akin na ngayon. Halos mapasinghap ako nang makita ko ulit ang kulay hazel niyang mga mata. Malamig ang titig na 'yon, pero nakikita ko ang isang pilyong ngisi sa labi niya habang kumakain siya.
Halos mamula ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Sinasadya niya ba ang ginagawa niya?! 'Eh kung sungalngalin ko kaya ng tinidor ang ngala-ngala niya nang tumigil na siya?
"Ayos ka lang ba, baby?"
Napalingon ako kay mama dahil sa biglaang pagtatanong niya. Mukhang nagulat pa siya dahil sa itsura ko ngayon.
"Nilalagnat ka ba? Bakit namumula ang mukha mo?" tanong niya bago hinawakan ang noo ko. "Wala naman, ayos ka lang ba?"
Malalim akong bumuntong-hininga. "A-Ayos lang ako ma, naiinitan lang ako k-kaya ganito."
"Oh? Pasensya na Tori! Wait—" lumingon si Tito Joaquin sa labas ng pinto ng dining area. "Manang?! Manang?! Pwedeng paki-dala ng stand fan dito? Mukhang hindi sapat ang aircon dito sa dining area." Sigaw niya.
Nahiya na lamang ako dahil nag-abala pa si Tito dahil sa kasinungalingan ko. Pasimpleng sinamaan ko na lamang ng tingin ang stepbrother kong may kasalanan ng lahat! Hindi na siya nakatingin sa akin, pero nakangisi siya at tila natutuwa sa mga nangyayari.
Patuloy pa rin siya sa ginagawa niyang pant-trip sa akin. Sinasadya niya pa ring paglaruan ang daliri ko gamit ang daliri niya.
"So ano? Agree ba kayo sa vacation na tinutukoy ko kanina?" Tanong ni Tito Joaquin sa amin ni Perseus.
Sa pagkakataong ito, ay lumingon na si Perseus sa dereksyon ng papa niya. Seryoso ang ekspresyon na nasa mukha niya.
"Yeah, sure. Can I bring along Lucien? It'll be less boring for me if he's there."
Tumaas naman ang isang kilay ni Tito Joaquin. "You're still close with that child?! Diba sinabi kong layuan mo na siya at ang ama niya dahil hindi sila makakabuti para sa'yo? Kailan ka ba matututo at makikinig sa akin? Ha? Persues?!"
"Then hindi ako sasama sa bakasyon niyo."
Akmang sesermunan na ulit ni Tito Joaquin si Persues nang sumabat naman si Mama.
"Ano ka ba, hon. Hayaan mo na ang bata, mas ok rin na may makakasama siyang komportable siya lalo na't alam kong hindi pa siya sanay sa presensya namin ni Tori." mahinahong sabi ni mama.
Tila natauhan naman si Tito Joaquin dahil sa sinabi ni mama. Napabuntong-hininga na lamang siya bago muling binalingin ang anak niya.
"I'll let it slide this time. So don't get into trouble with that cousin of yours! Naiintindihan mo?"
"Yeah, sure."
Nagpatuloy na kami ulit sa pagkain. Akala ko ay mae-enjoy ko na ang pagkain ko. Pero hindi pala dahil mukhang hindi pa rin tapos si Perseus sa pamomurwisyo niya sa akin.
Ilang sandali pa ay hindi na ako nakapagpigil pa. Bigla akong tumayo at masama siyang tinitigan, bago ako lumingon kela mama.
Peke akong ngumiti. "Tapos na po ako, mauuna na po muna akong umakyat sa taas. Masama po kasi ang pakiramdam ko."
Sabay na nagtanguan naman sila mama. "Sige, susunod ako sa kwarto mo mamaya nak. Check ko dahil baka bigla lang lagnatin."
"Sige ma." tanging sagot ko bago hinalikan sa pisngi si mama.
Bago ako umalis ay muli pa akong napabaling kay Perseus. Hindi inaasahan na nakatingin din pala siya sa akin kaya mabilis na akong naglakad palabas ng dining area.
Malakas ang t***k ng puso ko at nagiinit ang buong mukha ko. Nakahawak pa ako sa dibdib ko habang naglalakad ako paakyat ng hagdan.
Anong nangyayari sa akin?
Alam kong galit sa akin ang lalaking 'yon dahil halata naman sa paraan ng pagtingin at pagtrato niya sa amin ni mama. Pero bakit nakakaramdam ako ng ganito?
Pagbagsak akong nahiga sa kama ko, nagtataka pa rin sa nararamdaman ko ngayon.
Malakas nag pintig ng puso ko. Hindi kaya ay natatakot ako sa stepbrother ko?
Nakakatakot nga naman kasi ang malalamig niyang titig sa akin. Nakakapanindig balahibo.
Pero palaisipan pa rin talaga sa akin sa kung bakit niya ako hinalikan, at kung bakit niya ginagawa sa akin ang ganoon.
—
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko sa loob ng kwarto ko. Napabalikwas pa ako ng bangon dahil sa gulat at takot nang may maaninag akong bulto ng tao.
Maliwanag ang buong kwarto ko, malawak at malinis. Inilibot ko ang paningin ko. Wala naman nang tao at nakasarado ang pinto, wala rin namang nagbago at parang wala talagang pumasok.
Bumangon ako at umalis sa kama. Sumilip pa ako sa bintana at doon ko nalaman na hapon na pala dahil papalubog na ang araw sa labas.
Iniyos ko na muna ang sarili ko pagkatapos ay naglakad na palapit ng pinto. At nang eksaktong pagbukas ko ng pintuan, ay siya ring pagbukas ng pintuan ng taong nagmamayari ng katapat kong kwarto.
Taas-kilay niya akong tinignan mula ulo hanggang paa bago siya ngumisi. "Mukhang napasarap ang tulog ng mahal na prinsesa." Sarkastiko niyang sabi.
Naitikom ko na lamang ang bibig ko pagkatapos ay isinara ang pinto ng kwarto ko.
"Kailan ba kayo aalis ng mama mo dito? Kapag nakuha niyo na ang pera ni dad? Pwedeng pakibilisan? Hindi ko na kasi masikmurang makitang pakalat-kalat sa mansyon ang mga basurang katulad niyo."
Para akong nasaktan dahil sa sinabi niya. Bakit ba gan'to ang lalaking 'to?
Napabuntong-hininga na lamang ako bago hinarap siya.
"Huwag ako ang tanungin mo, kuya. Dahil kahit ako, hindi ko rin gugustuhing tumira dito kung ganiyan kasama ang ugali ng magiging kapatid ko." Matapang kong sagot sa kaniya.
"Diba sabi ko 'wag mo akong tatawagin sa salitang 'yan?" mariin niyang sabi kaya naman napaatras ako.
Medyo natakot kasi ako, baka bigla akong sapakin 'eh! Mas matangkad din kasi sa akin ang lalaking 'to, halos balikat niya lang yata ako.
"'Eh anong gusto mong itawag ko sayo? 'Yan naman ang dapat, dahil stepsister mo ako at stepbrother kita. Pasalamat ka nga dahil ginagalang kita kahit g-ginagawan mo ako ng masama!" Kinakabahan pa ako habang nagsasalita, hindi kasi ako sigurado sa mga sasabihin ko sa kaniya.
Malamig pa rin ang emosyon sa mukha niya, pero naka-arko ang labi niya. Mukhang natuwa siya sa narinig niyang sinabi ko.
"Heh..? So you're aware that I'm doing something to you? Himala, dahil nakakapagisip pala ng maayos 'yang maliit mong utak."
Napikon naman ako dahil sa sinabi niya kaya nagkaroon ng gatla ang noo ko. Kulang na nga lang ay umusok ang ilong ko dahil sa inis.
"Paano mo nalaman na maliit ang utak ko? Nakita mo ba? Binuksan mo ba ang ulo ko?! Nakakapikon ka na ha? Hindi por que mas matanda at mas mayaman ka sa akin ay papayag na lang ako na apihin mo. Dahil kahit ano pang gawin mo sa akin, kahit saktan mo pa ako—ay hindi 'non mababago ang katotohanan na mahal ng daddy mo ang mama ko!"
Sorry Lord, alam ko pong masama na pumatol sa mas nakatatanda sa akin. Pero nakakapikon po kasi ang lalaking 'to! Akala mo kung sino 'eh.
"Are you challenging me, pipsqueak?"
"Anong challenging?! Wala akong sinabing gan'yan." Agad na sagot ko. Tanga 'eh, challenging-challenging daw 'eh wala naman akong sinabi na ganoon.
"Let's see... kahit anong gawin ko? Kahit saktan pa kita it'll not change the fact that my father loves you mother? Hmm? You know what? You're maybe two year's younger than me, pero pumapatol ako sa bata." Biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Pagsisisihan mong hinamon mo ako babae. I will make you suffer while you're staying in our house. Sisiguraduhin kong dadating ka sa punto na pipilitin mo na ang mama mong lumayas sa pamamahay na 'to."
Hindi ko alam, pero matapos kong marinig ang sinabi niya ay kinilabutan ako kahit hindi ko naman maintindihan.
Hinahamon? Hindi ko naman siya hinamon. Pero sadyang mataas nag pride ko at hindi ako magpapatalo sa kaniya kahit mas matanda pa siya sa akin. Paano ko irerespeto ang taong hindi naman ako kayang respetuhin, diba?
Matapang kong sinalubong ang mga titig niya. "Sige lang, come what may! Sigurado akong ikaw ang iiyak sa dulo!"
Ngumisi lang naman siya bago tinalikuran na ako. Tinitignan ko lang siyang maglakad palayo sa akin, pero bago pa siya makakalahati sa hallway ay huminto siya bago nagsalita.
"Aius... you can call me that, Tori." saad niya bago muling naglakad.
Gigil na gigil ko namang siyang in-dirty finger habang nakatalikod siya. Dalawang kamay pa ang gamit ko dahil pikon na pikon ako sa kaniya.
G*gong lalaki 'yon! May sapak ba siya sa ulo? Hindi por que sixteen pa ako ay hindi ako papatol sa kaniya. Humanda siya sa akin dahil papatulan ko 'rin siya. Letse!