WARNING: This chapter contains mature contents. Please read at your own risks. Victoria's Point Of View "Bitiwan mo ako, Perseus!" Malakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako dahil sa posisyon namin ngayon. May kadiliman ang loob ng kotse, lalo na't walang kuryente sa labas. Nakapatay rin ang ilaw ng kotse at nasa ibaba naman nakatutok ang flashlight ng mga cellphone namin. Ang tanging pinanggagalingan lang ng liwanag ay ang bilog na buwan na nasa kalangitan. "Why should I? You're accountable for my boner right now." Bulong niya. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti dahil sa hininga niyang tumatama sa leeg ko. "Oh my God! Huwag mong isisi sa akin 'yang kabaliwan mo!" Natatarantang saad ko bago sinubukang kumawala sa kaniya. Pero mas lalo akong nanghina nang pihitin niya pa