Kabanata 11: What I Want

2137 Words
Victoria's Point Of View Isang mapagpalang umaga! Masarap ang gising ko. Nakahiga pa rin ako sa kama ko't nagmumuni-muni sa ngayon. May liwanag na nagmumula sa bintana ko, indikasyon na umaga na. Pero naririnig ko rin ang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas. Muli akong nagtaklob ng kumot nang maramdaman ko ang lamig na dulot ng aircon. Inabot ko pa ang remote na nasa bed side table ko bago, bago pinatay ang aircon ng kwarto ko. Malamig. Mukhang masarap kumain ng sopas para sa umagahan. Naupo na ako't inabot naman ng cellphone ko, agad kong inopen ang messenger ko para tignan ang group chat naming mga teacher ng senior high department. Agad na kumurba ang isang gilid ng labi ko nang makita ang announcement ng head teacher. Suspended ang pasok, gawa nang orange rainfall at power interruption sa buong university. Hindi pa rin alam kung ano ang totoong nangyari, lalo na't unexpected na naka-shutdown daw ang mga CCTV sa area na 'yon ng university. Pero isa lang ang sigurado—sinadya 'yon nang kung sino man. Napabuntong-hininga na lamang ako bago binasa ang message ni Sylus. Gumihit ang isang ngiti sa labi ko. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag minessage ka ng long time crush mo diba? [ From: Sir Sylus : Goodmorning, Miss Vic. How are you? I hope nakauwi ka nang ligtas last night. ] Ngiting-ngiti ako habang nagt-type ng reply ko sa kaniya. [ To: Sir Sylus : Goodmorning, Sir Sylus. I just woke up, and yes. Nakauwi naman ako ng ligtas kagabi. My brother took care of me. ] At nang saktong pagka-send ko ng text, ay siya namang pag-flashback ng mga kahalayang ginawa namin ni Auis kagabi. Pagbagsak na nilapag ko sa side table ang cellphone ko bago sinambunutan ang sarili ko. "ARGHH! Baliw ka Tori! Baliw! Baliw! Nasa katinuan ka pero hinayaan mo—AHH!!!" malalakas at pikon na sigaw ko. Oh God! Bakit ba hinayaan ko na namang mangyari ang lahat ng 'yon?! Nasa katinuan na ako pero nangyari pa 'rin. Baliw na ba ako? Hayok na hayok na ba ako sa lalaki kaya ganoon? Kailangan ko na sigurong mag-simba, baka sinasapian na ako ng masamang espirito! For f*ck's sake, hindi normal ang nangyayari sa pagitan namin. We're maybe not related by blood, pero sa mata ng lahat ay magkapatid kami kahit pa sampung taon siyang nawala. Maling-mali na may nangyayaring s*xual sa pagitan naming dalawa ni Persues. Pinakalma ko na lamang ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-inhale at exhale. Hindi lang 'yon ang problema ko ngayon, idagdag pa ang hindi pagkakaintindihan namin nila Mama at Papa. Hindi naman pwedeng habang-buhay na kaming ganito. Mali ba ang naging desisyon ko na pagsalitaan sila ng masama? Mali bang sabihin ko kung ano sa tingin ko na tama. Mali bang i-open ko ang ginagawa nilang nakakasakit na sa akin? Ang daming katanungan sa isip ko. Sumasakit din ang ulo ko dahil sa lamig kaya naman mas minabuti ko nang bumangon. Nag-hilamos na muna ako bago ay nagpalit ng damit. Isang simpleng oversize na t-shirt at pajama lang ang suot ko nang bumaba ako sa kusina. Tahimik ang buong kabahayan, marahil dahil nasa kani-kaniyang kwarto pa ang iba. Masarap nga naman kasi talagang matulog kung ganito kalamig ang klima. Napapitlag ako sa kinatatayuan nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo sa loob ng kusina. Lumabas doon si Manang Celia, isa sa mga kasambahay namin. Napangiti at gulat din siya nang makita niya ako. "Eva! Ang aga mo namang gumising, Ija?" "Goodmorning po, Manang Celia. Yes po, balak ko po sanang magluto ng sopas para sa umagahan." Paalam ko sa kaniya na mas lalong ikinangiti niya. "Aba? Napaka-sweet mo naman, Ija. Pinapatawad mo na ba sila Madam?" Tanong niya sa akin. Napangiti na lamang ako't napakamot sa batok ko. "Alam niyo naman po ako, hindi ko kayang nagkakaganito kami nila Mama. Matatanda na rin kasi sila, baka nga naman mas kailangan na ako ang mag-adjust." may bahid ng lungkot na sagot ko sa kaniya. "Nako, Ija—" "You don't need to please people lalo na kung wala ka namang ginagawang masama." Sabay kaming napalingon ni Manag Celia sa nagsalita. It was Perseus. Mukhang kakagising niya lang dahil humihikab pa siya't magulo ang buhok niya. Derekta siyang nakatitig sa mga mata ko habang naglalakad siya palapit sa pwesto namin. "Tama lang ang ginawa mong pag-open up sa totoong nararamdaman mo. They're doing the wrong thing. Matanda at nasa tamang edad ka na para gumawa ng desisyon para sa sarili mo. They can't keep you in a cage forever. So don't please them too much, it's their responsibility as a parents to understand and respect their own child." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ang sinabi ni Auis. Ito yata ang pinaka-unang beses na natuwa ako sa sinabi niya. Nakakagaan ng loob na marinig na may nakakaintindi sa akin. Then I'm not a bad daughter, right? Napabaling naman ako kay Manag Celia nang hawakan niya ng balikat ko. "Tama ang kuya mo, Ija. Oh siya? Sa tingin ko'y iwanan ko na muna kayo nang makapag-bonding kayong dalawa? Ang mga ingredients na kailangan mo ay naririto lang sa loob ng kusina." Nakangiting tumango naman ako. "Thank you po, Manang. Matulog na rin po muna ulit kayo." Tumango lang naman siya bago naglakad na paalis. "How's your sleep? Hindi naman masakit ang balakang mo?" At 'heto na nga siya. Magsisimula na naman ang kalbaryo ko sa marumi at walang tabal na bibig ni Auis. "Maaga pa, Auis. Please 'wag ngayon." walang-buhay na sabi ko bago lumapit na refrigerator at kinuha ang mga kailangan ko na nasa loob 'non. Nandoon na ang gulay, karne at iba pa kaya naman hindi nga talaga kayo mamomroblema pa. Narinig ko ang paghila niya ng upuan, mukhang umupo siya. Nararamdaman ko rin ang mabibigat na titig niya sa likod ko. Sh*t, tinititigan ba ako ng lalaking 'to?! Para akong natataranta dahil sa nararamdaman ko. Hindi naman ako sigurado kung tinititigan niya nga ako, pero ewan ko—pakiramdam ko kasi ay oo. "When did they start doing that to you?" Bigla ay tanong niya. Alam ko na agad kung tungkol saan ang tinatanong niya, wala sana akong planong sagutin pero mas ok na rin siguro na makipagusap kami diba? Lalo na't gusto ko ring malaman kung bakit nandidito siya. "Simula nang lumayas ka." derektang sagot ko habang inaasikaso ang mga ingredients ng sopas na lulutuin ko. Nakatalikod ako mula sa kaniya kaya naman hindi ko alam kung anong ginagawa, at kung anong klaseng tingin ang ipinupukol niya sakin. Pero sigurado ako na nakatingin siya. "I see... they got afraid na baka umalis ka rin." Natawa naman ako. "Maybe? Ewan ko, hindi ko sila maintindihan. Pero mahal ko silang pareho, that's why hinayaan ko ang pagiging mahigpit nila even though I know na hindi na normal." "And that's where it went wrong. Nagpatuloy kasi hinayaan mo. Maybe it's normal, specially when you're still a minor. Pero twenty six years old ka na, Tori. Hindi normal na kailangan mo pa ring ng pirmiso nila para umattend sa mga gathering and etc na konektado sa trabaho mo. You can even afford your own apartment dahil sa laki ng sahod at naipon mo sa bangko. D*mn, if I were you? Lalayas talaga ako." Hindi ako mapaniwala dahil sa mahabang litanya niya. Pero lihim akong napapangiti lalo na't nasisigurado kong naiintindihan niya talaga ang sitwasyon ko. It's so rare to talk to him like this, kaya why not sulitin ko na 'diba? "Woah, nakakagulat na alam mo ang edad at sitwasyon ko sa trabaho. Saan mo nalaman?" Lumingon ako sa kaniya. "Stalker kita 'no?" Pabiro kong saad. Kitang-kita ko ang unti-unting pag-ngisi niya. Nakahalumbaba siya sa lamesa, at tama nga ang hula ko na nakatingin siya sa akin. "Since day one." Maikling sagot niya habang nakangisi. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay dahil hindi ko siya maintindihan. Dami pang sinasabi 'eh, di na lang ako derektahin. "Saan naman kaya nabagok ang ulo mo't ganito ang trato mo sa akin ngayon? Ha? Perseus? I could still remember kung paanong galit na galit ka sa amin noon ni Mom. Lumayas ka pa ng dahil sa galit mo sa amin." Natapos ko nang hiwain ang mga gulay na kailanganin, sinunod ko naman ang hotdogs. "Baka naman may plano lang masama sa akin ha? Oh wait—you already did one, pinagsamantalahan mo na lasing ako at walang sa tamang pagiisip." May halong inis na saad ko nang maalala ko kung paanong nagtalik kaming dalawa't pinalabas niya na panaginip lang ang lahat. "Hmm? How about last night? Nasa tamang pagiisip at hindi ka lasing, Tori." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. "Don't you think it's not my fault? Given by the fact that you're wanting more." Ang malakas na tunog nang paglapat ng kutsilyo sa chopping board ang umalingawngaw sa buong kusina. Isang pekeng ngiti ang nakapaskil sa mukha ko bago ako lumingon sa kaniya. He still have that cheeky smirk on his face habang titig na titig sa akin. "You know what? Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin kita maintindihan. Seriously? Why are you doing this to me? Ito na ba ang continuation ng banta mo sa akin ten years ago? Huh? That you're going to make everyday of my life miserable so that I'll beg Mom to leave this place?" Bakas ang pagka-seryoso sa boses at mukha ko habang sinasabi ko 'yon. Nawala ang ngisi sa labi niya. "Is that what you think it is?" Malamig na tanong niya sa akin. Nilakasan ko naman ang loob ko't sinalubong ang malalamig niya titig. "Yes it is." "Hindi ka lalayas at mawawala ng sampung taon nang ganon-ganoon na lang, Perseus. You think naniniwala akong nag-aral ka abroad? H*ll no! That's so imposible. Sampung taon na wala man lang kaming balita tungkol sa'yo, then now you're suddenly back?" Of course I know, Perseus. Alam na alam ko ang dahilan kung bakit ka umalis. I was there back then, narinig ko ang lahat. And I can't stop myself to felt guilty about it. Hindi siya sumagot, but then another idea came up to my mind. Gusto ko talagang lumabas na mula sa bibig niya kung ano talaga ang kailangan niya sa akin. Kaya naman sasabihin ko ang lahat nang alam kong makakapagpa-trigger sa kaniya. "Don't you dare tell me na ginagawa mo ang lahat ng ito dahil special ako para sa'yo." Mapakla akong natawa. "Hindi mo ako mapapaniwala Auis. I know that you're the kind of man who can do all fo those sh*ts with every girl that you want." Yes, kaya hindi dapat lumaki ang ulo ko sa mga positibong dahilan. "Kayang-kaya mong humugot ng mga babae na maikakama mo. So why me? Do you hate me that much para gawin sa akin 'to?" Muli akong tumitig sa mga mata niya. "So answer me, Perseus. Napapagod na akong intindihin ka." Halos mabingi ako sa katahimikan na namayani sa pagitan namin. Nakatitig lang kami sa isa't-isa hanggang sa tumayo siya't naglakas palapit sa pwesto ko. Walang salitang lumalabas mula sa bibig niya. Lumapit lang siya pagkatapos ay itinuloy ang kanina ay ginagawa ko. Naka-tanga lang ako sa gilid niya't hinihintay siyang magsalita. "Ten years ago, noong unang beses kitang makita. I don't know what really I felt back then." Kumunot ang noo ko, bakit ba iba na naman ang sagot ng lalaking 'to? "But my heart almost skip a beat when I saw you, Tori. Punong-puno ng emosyon ang dibdib ko, anger, frustration—I am in rage." Muli siyang natahimik, at pinagpatuloy ang ginagawa. Ilang minuto pa ang lumipas at ang ginagawa niya na ay pagsalang ng mga ito para maluto na. "And now that I'm back after the ten hellish years. I still don't know what's this feelings inside my chest." Humarap siya sa akin at biglang hinawakan ang mukha ko. Pinatingala niya ang ulo ko sa kaniya kaya namang gulat na gulat ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "I don't know if I'm still mad of your existence. But one thing is for sure..." Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit pa ako dahil sa isipin na baka halikan niya ako. But I was wrong, dahil naramdaman ako ang hininga niya sa batok ko at kasunod ng pagbulong niya sa gilid ng tenga ko. "I wanted to break you, Tori. I wanted to break you in any ways that I could think of." Nanginig ang buong katawan ko dahil sa tono ng boses niya. Hindi ko na namalayan na umalis na pala siya sa harap ko't lumabas na ng kusina. Naiwan akong nakatulala lang habang iniisip kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. I was wrong, nagbago siya. And he become worser than before.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD