Kabanata 09: He's Fvcking Insane

2656 Words
Victoria's Point Of View Tahimik ang loob ng kotseng kinaroroonan namin. Walang bahid ng kahit anong ingay maliban sa tunog ng makina ng kotse. Wala akong planong kausapin ang baliw na lalaking nasa tabi ko. At wala rin akong halos balak na tignan siya. Kung pwede nga lang na tumalon na ako ng kotse ay ginawa ko na. Hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyayari sa pagitan naming dalawa. Pati na rin sa mga nangyayari sa loob ng bahay namin! I can't believe it. Nakatalik ko ang stepbrother ko. He got my first time. At naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Bakit nagbalik ang g*gong to? Bakit pumayag si Papa na bumalik siya? Anong ginagawa niya dito?! Gulong-gulo ako at gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader dahil baka nananaginip na naman ako. Oh God! Idagdag pa ang katotohanan na binablackmail niya ako! Paano na lang kung malaman ng iba ang nangyari sa pagitan namin? Paano kung kumalat? Siguradong masisira ang pangalan ni Papa sa business world. Pati na rin ako! Baka matanggal pa ako sa trabaho at maging isang 'huwag tularan' na model ako para sa mga estudyanteng tinuturuan ko. "Care to share your thoughts?" Agad na sumama ang ekspresyon na nakabalatay sa mukha ko nang marinig ko ang boses niya. Hindi ako sumagot, dahil wala akong planong kausapin ang isang g*go na katulad niya! "Hmm? Hindi ko alam na pipi ka na pala." Tumawa siya. "I guess, wala kang planong magtanong sa akin?" Tila may tumunog na bell sa loob ng ulo ko. Puny*ta! Oo nga naman, diba marami kang gustong itanong sa kaniya Tori? Kagat ko ang ibabang labi ko nang humarap ako sa kaniya. Napansin ako ang panandaliang pagtingin niya sa akin bago siya nagsalita at patuloy pa rin sa pagmamaneho. "Inaakit mo ba ako, Victoria?" Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Excuse me?! Nauntog ba 'yang ulo mo't naging isang hambugero ka na rin?" Hindi makapaniwala kong sabi. Mahina naman siyang tumawa. "Not really... gan'yan kalakas ang epekto mo sa akin. Hindi mo pa ako inaakit, pero naaakit na ako sa'yo." Halos malaglag ang panga at lumuwa ang mata ko dahil sa sinabi niya. Baliw talaga ang lalaking 'to. Baliw! "Haha! Joker ka pala Auis 'no? Auis na Auis! Sampung taon kang nawala, bumalik ka nga pero mukhang may deperensya na 'yang utak mo." Mariin kong sabi. Gusto kong damhin niya ang inis ko. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi man lang siya nagsalita. Kaya naman ako na mismo ang lumingon para tignan siya. Mas lalong lumaki ang gatla na nasa noo ko nang makita ang ekspresyon sa mukha niya. Kagat niya ang ibabang labi niya't tila namumula ang pisngi niya. Hindi naman ako ganoon kainosente para hindi malaman kung ano ang nararamdaman niya ngayon. "What the f*ck—are you blushing?!" Gulat na tanong ko sa kaniya. "May sapak talaga 'yang ulo mo 'no?! Alin sa sinasabi ko ang nakaka-blush?! Ha?!" Parang naubos na ang hininga ko sa kakasigaw ko. Malalim na ang bawat paghinga ko. "You, raising your voice and getting mad at me." Humagikhik siya. "Ahh~ naaalala ko kung paanong sumisigaw at umuung*l 'yang boses mo habang nasa ibabaw mo ako't binab*yo ka." "Hah..?" Hindi ko na alam kung anong sasabihin at dapat na maging reaksyon ko sa narinig ko. Parang naalog ang utak ko dahil sa lalaking 'to. "Oh my God..." Tanging nasabi ko na lang sabay humalukipkip sa gilid pinakasulok. Jusko, ano na bang nangyari sa utak ng lalaki 'to. He's f cking insane! Gusto ko na lang kurutin ang sarili ko dahil bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ko. Anong nangyayari sa akin? Yes, he's f cking insane but... but I like it. Namilog ang mga mata ko dahil sa biglang pumasok sa isip ko. Halos masugat na ang braso ko dahil sa pagkurot ko 'ron. Gusto kong gisingin ang sarili ko. Hindi pwedeng nagpapaapekto ako sa baliw na lalaking 'to! Oh God, please guide me. Matino pa ako, ayokong mahawa sa kabaliwan ni Persues! "DON'T WAIT FOR ME!" Ang malakas na boses ko ang maririnig sa parking lot ng university. Nakababa na ako sa kotse at mahigpit na naman ang hawak sa strap ng sling bag ko. Seryoso ang emosyon na nasa mukha ko habang nakatingin kay Auis na nakatayo at nakahamba sa hood ng kotse niya. Suot niya na naman ang sunglasses niya kahit gabi. May sapak talaga, kailan ko kaya siya masasapak? "Why should I listen to you though?" Malalim akong napabuntong-hininga. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero parang pikon talaga ako sa tuwing siya ang kausap ko. Letse! "Utang na loob." Mariing sabi ko. "Pwede bang umalis ka na? Pati ba naman ikaw, lilimitahan mo rin ako?" Seryoso ako. Pakiramdam ko kasi, ay inutusan siya nina Mama na manmanan ako. Malakas ang kutob ko na 'yon ang dahilan kung bakit naririro siya, samantalang halos isumpa niya na ang buong pagkatao ko noon dahil sa galit niya sa amin ni Mama. "Ok. As you wish." Tila nakaginhawa ako ng maluwag matapos marinig ang sinabi niya. Hindi ko inaasahang makikinig siya, pero salamat sa diyos dahil nakinig siya. May bumulong na anghel siguro sa tainga niya kaya naging mabuting tao siya kahit ngayon lang. Agad at walang lingon-lingon na akong naglakad papunta sa gymnasium kung na saan ang venue. Mahaba-habang lakaran pa pero mas minabuti ko nang tumakbo kahit pa naka-heels ako lalo na't three hours late na yata ako. Nang sa wakas ay narating ko na ang gym, bumungad agad sa akin ang malakas na music. Mukhang nagpe-perform na ang mga istudyante ng kani-kaniyang pieces nila. Agad kong hinanap ang pwesto kung na saan ang mga teacher. Ramdam ko pa ang tingin ng nga estudyante kaya ngumiti na lamang ako lalo na't wala naman akong magagawa. Late na nga ako, alangan namang mag-sungit pa ako diba? Nahihiyang lumapit na ako sa pwesto ng mga co-teacher ko sa senior highschool department. Agad akong sinalubong ng nakataas na kilay ni Shaynna. Nakita ko rin ang tingin nina Ella, Angel at Allan. Ngiting-ngiti ang mga ito at tila natatawa pa dahil sa katangahang ginawa ako. Agad akong naupo sa tabi ni Shay, humahagikhik din siya habang tinitignan ang kabado kong mukha. "Anong nangyari? Ngayon ka lang na-late sa event ah?" Agad niyang tanong sa akin. Napabuga na lang ako ng malakas na hangin. "May asungot na umuwi sa bahay." "Anong asungot ba 'yan, Ms. Vic? Grabeng asungot 'yan ha? Nagiwan pa yata ng marka diyan sa sa batok mo." Ngiting-ngiti na saad naman ni Ella, nasa tabi siya ni Shay. Agad na kumunot ang noo ko dahil sa panunudyo niya. "Ha? Anong marka ba yang sinasabi mo?" Tinignan din naman ni Shay ang tinuturo ni Ella. "Hala, oo nga! Oh my—don't tell me nakipag-loving loving ka kaya ka na-late, Tori?" Gulat na gulat na sabi niya pa. Kaya pati tuloy si Allan at Angela ay naki-chismis na rin. Pare-pareho sila na halos lumuwa na ang mata kakatingin sa batok ko. Off-shoulder na black and fitted na may slit sa baba at bandang kanan kasi ang dress na suot ko. "Ano ba 'yon? Picturan niyo nga." Kunot ang noo na tanong ko. Hindi ko kasi ma-gets ang mga sinasabi nila. Saan naman manggagaling ang marka sa batok ko? Hindi naman ako kinagat ng lamok, hindi ko rin naman kinakot dahil hindi naman Makati. Pinicturan 'yon ni Shaynna, bago ipinakita sa akin. Agad ko naman 'yung tinignan. Kunot na kunot ang noo ko, hindi ko kasi talaga alam kung ano 'yon. "Kinagat ba ako ng bubuyog?" Natawa naman silang tatlo. "Hoy! Napakalaking bubuyog naman ang kumagat sa'yo?" Taas-kilay na saad ni Allan. Oo nga pala, miyembro ng l***q+ si Allan kaya naman malapit siya sa amin. "Chikinini 'yan, Victoria." Nanlaki ang mga mata ko. Pamilyar sa akin nag chikinini na word, iyon ay nakukuha kapag nakikipagtalik— Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan na ang lahat. Oh my God! Ang letseng lalaki na 'yon—arghh! Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa inis at hiya na nararamdaman ngayon. Grabe, paano ko dedepensahan ang sarili ko ngayon?! "Hala! Magsabi ka ng totoo, 'wag mong sabihin na may boyfriend ka pala talaga?" Si Shaynna na inaalog pa ang balikat ko. "Sabi na 'eh! Impossible wala, ganyan ba naman kaganda!" Segunda naman ni Angella. Napakamot na lamang ako sa ulo ko bago tumawa. Ayaw kong kontrahin sila, baka sabihin kasi nila na guilty ako. Mabuti na lang din ay maghiyawan ang mga estudyante kaya napukaw ang atensyon namin. Mukhang may bago na namang mag p-perform at talaga namang napaka-cute ng costumes nila. Mukhang sasayaw sila ng waltz. Tumugtog ang isang sikat na music para sa sayaw na waltz. Hindi ko alam kung anong title, pamilyar lang sa akin ang tono niya. Natuon na muna 'ron ang atensyon namin at talaga nang natuwa ako dahil hindi na ulit pinaguusapan pa ang kanina ay topic namin. Kuyom na kuyom ang kamao ko't pikon na pikon ako sa isiping nagiwan ng marka si Auis sa batok ko. Punyeta talaga ang lalaking 'yon! Naiiyak na ako sa inis, pikon na pikon ako't gusto ko nang basagin ang mukha niya. Pero shempre, pinapakalma ko ang sarili ko lalo na't magagawa ko lang naman 'yon sa mismong isip ko. Hindi naman ako pisikal na malakas para gawin sa kaniya 'yon. "Oi! Papalapit si Sylus." Bulong sa akin ni Shaynna kaya agad akong na-alarma at lumingon sa dereksyon na tinuturo niya. Nahiya ako nang makita ang lalaking tinutukoy niya. Bigla ba namang nag-play sa utak ko kung paanong napahiya ako 'non sa gathering. Nakakaloka, sana lamunin na lang ako ng lupa. Bigla dumilim nag paligid, at nag on ang mga party lights. Mukhang hindi ko namalayan na tapos na ang performance. Bumagal yata ang mundo dahil sa lalaking naglalakad palapit sa akin. 'Yan... tama 'yan Victoria. Si Sylus dapat ang lalaking nagpapa-excite sa'yo. Napangiti ako nang tuluyan na siyang makalapit sa pwesto ko. May hawak-hawak pa siyang rosas pagkatapos ay iniabot 'yon sa akin. "Pwede ba kitang isayaw, Victoria?" "Kyahhh! Oo! Oo! Pumapayag siya!" Sigaw ng katabi kong kulang na lang ay magwala na. Nataranta na rin ako dahil sa biglaang paghiyawan ng mga estudyante na pinapanuod pala kami ngayon. Nagulat pa ako dahil nakatutok sa amin ang ilaw, at kitang-kita kami sa malaking screen na nasa stage. Pulang-pula ang mukha ko, nanginginig din ang kamay ko nang tumingin ako sa kaniya "B-Bakit ako, Sylus?" Nahihiya kong tanong. Natawa lang naman siya bago umikot para lumapit sa gilid ko. May lamesa kasi na nakaharang sa pagitan namin kanina. "Kasi, ikaw. Now? Papayag ka ba? Matatapos na ang tugtog." Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko pagkatapos ay hiyang-hiya na tinanggap ang kamay niya't tumayo. May ibang estudyante din naman na sumasayaw sa gitna. Nako, highschool night na naging prom na yata ito. Kitang-kita ko pa ang matalim na titig sa akin ni Shanara mula sa 'di kalayuan. Heh! Mainggit kang impokrita ka. Nakarating na kami sa gitna at nagsimula nang nagsayaw nang bigla na lang namatay ang ilaw. Nahinto kami't nagsihiyawan ang lahat dahil sa sobrang dilim. Napabitaw na rin ako kay Sylus, at kani-kaniyang nag-on ng flashlight nang cellphone ang mga estudyante. "Ang timing naman ng kuryente." Bulong ni Sylus. "Halika, balik muna tayo sa pwesto mo kanina." Tumango lang naman ako pagkatapos ay inalalayan niya ako pabalik sa pwesto namin. "CALM DOWN EVERYONE. MAAARI MO MUNANG MANATILI SA ISANG TABI ANG LAHAT, INAALAM NA PO NG MAINTENANCE NATIN KUNG ANONG NANGYARI. WALA NAMAN KASING ANNOUNCEMENT NA MAGKAKAROON NG POWER SHORTAGE. MAMAYA RIN PO AY BUBUKSAN NA ANG ATING POWER GENERATOR PARA MAGPATULOY ANG ATING EVENT." sigaw ng program organizer. Naghiyawan naman ulit ang mga estudyante dahil sa tuwa. Akala yata nila ay mauudlot na Ang event dahil sa nangyari. Ako naman ay naupo na muna ulit sa upuan, habang si Sylus ay sumunod naman sa maintenance kasama ang ilan pang mga lalaking teacher. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit hindi maganda ang kutob ko sa nangyaring 'to? Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko pagkatapos ay nakipag-kwentuhan ulit kela Shaynna, Ella at Angela para i-distract ang sarili ko. Ilang minuto pa ang hinintay namin nang sa wakas ay bumalik na ang mga maintenance. Hindi maganda ang kutob ko lalo na't tila gulat at hindi makapaniwal ang mga ito. Si Sylus naman ay walang emosyon ang mukha. Kinausap nila ang program organizer. Halata din ang gulat sa mukha nito bago nanghihinayang na humarap sa lahat. "Unfortunately, postpone na po ang next part ng event natin. This is really unexpected, I still can't imagine kung paanong nangyari ito." Napabuntong hininga siya bago humugot ng malalim na hininga. "MAYROON PONG PUMUTOL NG MGA TRANSMISSION LINE NG KURYENTE NANG UNIVERSITY NATIN SA LIKOD. ANG GENERATOR NAMAN PO AY UNEXPECTED NA NAG-SHUT DOWN. I AM AFRAID THAT WE CAN'T CONTINUE THIS EVENT ANYMORE." Lahat ay gulat na gulat. Napapaisip at may mga violent reaction din. Habang ako naman sa gilid ay kinakabahan. Nag kani-kaniyang tayuan na ang mga co-teacher ko bago ay ina-assist ang mga estudyante. Ganoon na rin ang ginawa ko para sa sumunod na isang oras. "Wala ka bang dalang kotse?" Naglalakad na kami ni Sylus papunta sa parking lot ng school. Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala! Hinatid nga pala ako ni Auis. "I think wala. I'll let you—" "Victoria Evangeline Velasquez." Sabay kaming napahinto ni Sylus sa paglalakad dahil sa isang malamig na tinig na tumawag sa akin. Napakapit ako sa strap ng sling bag ko. Hindi ako magkakamali sa boses na 'yon. Mabilis akong napaharap sa likod namin. Laking gulat ko nang makita si Auis. Naka-on ang flashlight ng cellphone niya pero sa baba naman nakatutok kaya hindi masyadong naliliwanagan ang mukha niya. "A-Auis." Gulat na sambit ko sa pangalan niya. "Who's that? Victoria?" Tanong agad ni Sylus sa akin bago inilawan na rin si Auis. Tila nanigas ako sa kitatayuan ko nang salubungin ako ng malalamig niyang titig. He looks so bored, nakapamulsa ang isa niyang kamay. "Nag-black out na't lahat-lahat pero andito ka pa rin." His voice sounds so menacing. Lumakas na naman ang t***k ng puso ko. Paano niya malaman?! Kanina pa ba siya dito? Hindi ba siya umuwi? Naglakad na siya palapit sa akin bago hinawakan ang pulso ko't akmang hihilahin na ako nang hawakan naman ni Sylus ang isa ko pang braso. "Wait, who are you? Saan mo dadalhin si Victoria?" Tinignan ako ni Sylus. "Kilala mo ba siya? Ngayon ko lang siya nakita." Akmang sasagot na ako nang unahan naman ako ni Auis. "My identity is none of your f cking business. Let go of her." malamig at mariin niya namang sabi. Nakaramdam ako ng takot, pero hindi ko alam kung bakit. Ngumiti na lamang ako kay Sylus bago binawi ang braso ko mula sa kaniya. "Don't worry, he's my brother." Nagulat siya, pero hindi na rin siya nagsalita pa. Binitawan na rin ako ni Auis pagkatapos ay nauna nang maglakad sa akin. Nilampasan niya na kami ni Sylus. Ako naman ay nahihiyang ngumiti na lamang bago sumunod sa g*go na nasa harap ko. PUMASOK na kami sa kotse. Naupo ako sa passenger seat at tahimik lang. Napapaisip pa rin ako sa kung bakit may kakaibang kutob ako sa nangyari. "Ahh... I'm pissed." sambit ng katabi ko bago ako biglaang hinatak. Gulat na gulat ako nang namalayan ko na lamang na nasa ibabaw niya na ako. Hawak niya ang isang braso ko't nakahawak ang isa sa bewang ko. Mas mataas ako sa kaniya't nakaluhod ako sa ibabaw niya. Nakakapit naman ko sa isang balikat niya. "A-Anong ginagawa mo?!" He's hazel eyes glittered as he stares at me. "Calm me down, Tori." sambit niya. Akmang magtatanong na ako nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa pagitan ng hita ko. T-T*ngina?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD