Victoria's Point Of View "Tori..." Nagangat ako ng tingin sa taong tumawag ng pangalan ko. I was silently eating the sopas, beside me was my stepbrother with a fvcked up personality. Bumungad sa akin ang mukha ni Mama. Nasa tapat ko siya't nakatingin sa akin habang may malambot na ekspresyon sa mukha. Lumamlam ang ekspresyon sa mukha ko dahil 'don at pati na rin sa tono ng boses niya. Malambing 'yon at masarap sa pandinig. Sandali kong itinigil ang pagkain ko para lang makipagpalitan ng tingin sa kaniya. "Yes, Ma?" Tanong ko nang sa wakas ay nagkaroon na ako nang lakas ng loob na magtanong. "I'm sorry, Ija." paghingi niya ng tawad na talaga namang ikinagulat ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko kasi inaasahan na darating ang araw n