Victoria Evangeline's Point Of View
"Halika na, nak!"
Mabilis akong napatayo nang marinig ko ang pagtawag ni mama sa akin. Nakaupo kami sa isang waiting shed ng isang sikat na fastfood restaurant dito sa probinsya. Suot ko ay isang bag na halos pasira na rin, habang bitbit naman ni mama ang isang maleta na bigay lang ni Aling Sina, kapitbahay namin.
Isang mamahaling kotse ang huminto sa mismong tapat namin. Kulay pula iyon at halos kumikintab pa. Hindi ko maiwasang mamangha dahil ito ang unang beses na nakakita ako nang gan'tong klase ng sasakyan. Tipong isang tingin pa lang, ay masasabi mo nang mamahalin talaga.
Bumukas 'yon at lumabas mula 'ron ang isang lalaki na naka-formal attire. Napaka-pogi nito at nakangiti habang nakatingin sa dereksyon ni mama. Ako naman ay nakatayo pa rin sa kaninang kinatatayuan ko, hindi pa ako gumagalaw dahil nahihiya ako.
Tumingin ako kay mama, kitang-kita ko ang tuwa sa mukha niya nang makita ang lalaki na bumaba galing sa mamahalin na kotse. Nanlambot ang puso ko nang makita ang reaksyon niya, ngayon ko lang ulit nakita si mama na ganiyan kasaya magmula nang mamatay si papa noong thirteen years old pa lang ako.
"Joaquin!"
"Oh Veronica, mi amor! You're finally here." Boses pa lang nang lalaki ay halatang mayaman na. Ang accent nito ay hindi mo makikitaan na pilit, halatado na lumaki ito na may ginintuanh kutsara.
Niyakap nila ang isa't-isa, habang ako naman ay nakatayo pa rin atsaka pinapanuod lang sila. Nang matapos sila sa mainit nilang yakapan, ay humarap sa dereksyon ko si mama atsaka inilahad ang kamay niya.
"Ito ang anak ko, Joaquin..." Pakilala sa akin ni mama.
Nahihiya naman akong lumapit sa kanila, halos nakayuko pa ako at ayaw tumingin sa nakakasilaw na lalaking nasa harap ko.
"What's your name, Ija?" Tanong sa akin ng lalaki.
Nahihiya akong nagangat ng tingin atsaka awkward na ngumiti. "V-Victoria po... Victoria Evangeline Lopez."
Sumilay ang isang ngiti sa labi niya. "Soon to be Velazquez." dugtong niya sa sinabi ko.
Kinikilig na natawa naman si mama kaya natawa na lang din ako. "Ano ka ba Joaquin! Ginugulat mo naman ang anak ko."
Napakamot naman siya sa ulo niya. "Ganoon ba? Pasensya ka na ija, mukhang hindi pa ako napapakilala sa iyo ng mama mo?"
Tumango-tango na lang ako.
Hindi naman na kailangan pa ni mama, dahil sixteen year's old na ako at naiintindihan ko na ang nangyayari pero hindi pa rin ako makapaniwala.
Ang mayaman na lalaking nasa harap ko ngayon ay ang bagong asawa ni mama. Mukhang nakilala niya ito online at palagay ko ay ito rin ang lalaking gabi-gabi niyang kausap sa cellphone.
"Wait, pumasok muna kayo. Let's talk about all of this while we're heading on my place."
Tumango-tango naman kami ni mama, natuod lang ako sa kinatatayuan ko dahil hindi naman ako marunong magbukas nang pinto ng kotse.
At salamat sa diyos, dahil pinagbuksan ako nang pinto ni Sir Joaquin.
—
"And that's how we met, Ija."
Napangiti na lamang ako matapos marinig ang sinabi ni Sir Joaquin. Kinuwento nila sa akin ni mama kung paano sila nagkakilala, aaminin ko—nakakakilig ang lovestory nilang dalawa!
Atsaka, magaan na rin ang loob ko kay Sir Joaquin dahil sa bawat kwento niya ay nararamdaman at nakikita ko na mahal na mahal niya si mama.
Nakaupo ako ngayon sa backseat ng kotse, habang nasa passenger seat naman si mama. Nahihiya pa nga rin akong gumalaw-galaw dahil baka may masira ako. First time ko kasing sasakay ng kotse eh!
"Ayos lang ba sa'yo, na titira na kayo sa bahay ko?"
"Ayos lang po, Sir Joaquin. Basta't mahalin niyo rin po ng husto ang mama ko, ayos na po sa akin."
Natawa naman si mama bago inabot pa ang pisngi ko para pisilin. "Thank you, Tori. Alam kong nagugulat ka sa mga nangyayari dahil binigla kita. Hindi ka naman ba galit kay mama?"
"Hindi ma, 'wag kang magalala. Gusto ko rin na maging masaya ka." Umiiling na sagot ko sa kaniya.
Naging masaya ang byahe namin. Kinuwento pa rin nila sa akin ang lovestory nilang dalawa. At natutuwa ako dahil nakikita ko sa mga mata nila ang pagmamahal nila sa isa't-isa.
Medyo kinakabahan din ako ngayon. Sabi kasi ni Tito Joaquin ay mayroon din siyang anak na lalaki mas matanda sa akin nang dalawang taon. Ang totoo ay na-eexcite akong makilala siya, matagal ko na kasing pinapangarap na magkaroon ng kuya. Pero hindi nagkakatotoo at imposible dahil ako ang panganay at nagiisang anak ni mama. Kaya nang marinig ko na may anak si Sir Joaquin na mas matanda sa akin, ay natuwa ako at na-excite!
Siguradong maitsura rin ang anak ni Sir Joaquin dahil siya pa nga lang, ay masasabi ko nang pogi.
Perfect match pala talaga sila ni mama, mga byuda at byudo. Ang galing naman ni Lord, pinagtagpo niya si mama at Sir Joaquin.
Gabi na nang makarating kami sa bahay ni Sir Joaquin. Halos malaglag pa ang panga ko nang makita ang bahay na sinasabi niya.
Grabe! Hindi lang ito simpleng bahay—mansion na ito sa paningin ko! Napakalaki, at napakaganda. Talaga namang nakapigil hininga kahit nasa labas pa lang kami.
Bumukas na ang malaking gate kaya pumasok na ang kotse. Nakadungaw lang ako sa binta pero hindi ko na maiwasang mamangha, paano pa kaya kapag nakalabas na ako't ka-face to face ko na talaga ang mansion at tanawin na nasa labas?
"We're here." anunsyo ni Sir Joaquin bago bumaba at pinagbuksan kami ni mama ng pinto.
Kinakabahan at nanginginig pa akong bumaba. Nap-pressure ako dahil sa sobrang ganda nang lugar na kinaroroonan namin.
Napasinghap ako nang sa wakas ay nasa harap ko na ang tinitignan ko lang kanina sa loob. Napakaganda nang exterior ng bahay, hindi ko lubos akalain na makakapasok ako sa gan'tong klaseng lugar.
Mayroon din kong natatanaw na pool, pagkatapos ay mayroon pa yatang greenhouse sa may bandang gilid.
Napakapit ako kay mama, natawa pa siya nang maramdaman niya ang panginginig ko. Hinaplos niya ang likod ko pagkatapos ay hinalikan ang noo ko.
"Dito na tayo titira, nak." sabi niya na parang ginigising ako kung sakali na iniisip kong panaginip lang ang lahat ng ito.
Tanging pagtango na lamang ang naisagot ko sa kaniya, hindi ko na kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko 'eh. Sobrang nakaka-overwhelm nang mga nangyayari.
"Let's go." Pag-aya ni Sir Joaquin sa amin. Napangiti pa ako nang kunin niya mula kay mama ang maleta.
Tahimik lang akong nakasunod sa likod nila. Nahihiya pa ako nang tuluyan na kaming makapasok, bumungad sa amin ang iilang kasambahay na naka-hilera at mukhang hinihintay ang pagdating namin.
Sobrang liwanag sa loob, may nakita pa akong chandelier na talaga namang napakaganda. Para akong nasa loob ng isang kastilyo!
Manghang-mangha din ako sa mga tila nagkikintaban na kagamitan, ako na ang nahihiyang tumingin sa mga ito. Grabe, gaano ba kayaman si Sir Joaquin?
Nasa ganoong sitwasyon kami nang marinig namin ang isang malamig na tinig na nagmumula sa taas nang hagdan. May kasabay pa iyong pagpalakpak.
"Nice! Great!"
Nanatili akong nakatago sa likod ni mama and Sir Joaquin.
Sino kaya 'yon? 'Yun na ba yung anak ni Sir Joaquin?
"Nawala lang ako nang tatlong araw and here you are, bringing a thrash inside our house."
"Watch your mouth, Perseus."
Perseus? Ang gandang pangalan, parang pang Greek. Ang lamig din ng boses niya. At teka, galit ba siya?
"Oh really? What a great father you are. Hindi ka man lang nga humingi nang pirmiso sa akin! What the h*ll dad, you're not going to tell me that she's going to be OUR new family member, right?"
"PERSEUS!"
Napaigtad ako dahil sa lakas ng boses ni Sir Joaquin, parang dumagundong ang buong mansion dahil sa malakas na pagsigaw niya. Nakatago pa rin ako sa likod nila, nahihiya kasi ako.
"Hindi kita pinalaking ganiyan, Perseus. Show some respect to your future mom!"
"No! I only have one mom and she's already dead because of you!"
Rinig ko ang pagsinghap ng mga kasambahay na nasa bandang likuran ko. Kita ko rin ang pagkapit ni mama kay Sir Joaquin para pakalmahin ito dahil mukhang hindi maganda ang sinabi ng anak niyang ang pangalan ay Perseus.
Malakas na napabuntong-hininga si Sir Joaquin. "Auis, matanda na ako at kailangan ko na nang makakasama sa buhay. You also need to move on and accept your new mom and sister."
Hindi nagsalita ang anak niya, pero humarap sa akin si Sir Joaquin pagkatapos ay pinaabante ako.
Nahihiya man, ay nakayuko akong naglakad paabante. Nakikita ko ang pares nang binti sa harap ko.
"This is Veronica Lopez, and this is her daughter—Victoria Evangeline Lopez, she's going to be your stepsister. Be nice, Auis. Be nice."
"Veronica, pasensya ka na. Perseus can really be hard sometimes."
Umiling lang naman si mama. "Ikinagagalak kita makilala, Perseus."
Nagangat na ako nang tingin para tignan na rin ang anak ni Sir Joaquin.
Bigla na lang akong natulos sa kinatatayuan nang magtama ang mga mata namin. Parang huminto ang paligid at paghinga ko dahil sa ganda nang mga mata niya. Tama rin ang hinala ko, napaka-pogi ng anak ni Sir. Maputi ito at hindi rin patpatin! Matangkad rin, tipong paglalawayan ng mga babae.
"H-Hello... pwede mo po akong tawagin na Tori." nahihiya kong sabi.
Matiim na napatitig sa akin si Perseus. Wala siyang sinasabi pero parang galit siya kasi kunot na kunot ang noo niya.
Nagulat ako nang bigla na lang umalis sa harap namin ang anak niya. Naglakad ito pabalik sa hagdan kaya naiwan akong nakatanga.
"Perseus! Get back here!" Malakas na sigaw ni Sir Joaquin, pero mukhang hindi siya pinapakingan ng anak niya.
"Oh God... I'm so sorry, Veronica, Victoria." Paghingi ng tawad ni Sir Joaquin bago kami inaya na umupo sa isang mamahaling sofa na nasa salas.
Tahimik lang akong umupo habang naguusap naman sila ni mama.
"Perseus... he still can't move on, on his mom's death. Kaya sana ay magawa niyong intindihin ang ugali niya sa ngayon. I'm sure na makakapag-adjust din siya. So please bear with him for a while."
"Nako, huwag kang magalala Joaquin. Ayos lang sa akin at kay Tori. Kawawa rin naman kasi talaga ang bata, siguradong nagulat din siya. Kaya mabuting pang kausapin mo muna ang anak mo." Nagaalalang sabi naman ni mama.
Lumingon sa akin si Sir Joaquin kaya ngumiti at tumango lang din naman ako bilang pagsang-ayon.
"Alright, then I'll show you your room while I'm at it."
NASA loob na ako nang magiging kwarto ko. Nahihiya pa akong umupo sa isang malambot at halatang mamahalin na kama.
Kulay light blue ang tema ng buong kwarto, malawak ito at amoy mayaman talaga. Ang kwarto naman ni mama ay sa kwarto rin ni Sir Joaquin. Normal lang naman iyon dahil nga magiging mag-asawa na sila.
Halos isang oras na ako dito sa loob ng kwarto pero hindi pa rin ako makatulog. Nakaupo lang ako sa kama at pilit pa ring pinoproseso sa utak ko ang lahat.
Nasa gitna ako nang malalim na pagiisip nang makarinig ako nang sunod-sunod na pagkatok sa pinto.
Agad ko naman iyong binuksan, at bumungad sa akin ang isang hindi inaasahan na tao.
Ang anak 'yon ni Sir Joaquin, nakatitig siya ulit sa akin, pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa.
"You... how old are you?" Biglang tanong niya kaya medyo kinabahan naman ako.
"A-Ano po... sixteen po, ku—"
"Don't you dare call me 'kuya'. I am not your brother and I won't ever accept you as my sister." Agad na pagputol niya sa sasabihin ko kasabay ng isang masamang tingin.
Napalunok naman ako't napakagat na lamang sa labi ko dahil para akong naiiyak sa takot at hiya.
"F*ck this crap." Mariin niyang sabi pagkatapos ay bigla na lang hinila ang braso ko't ang sunod na nangyari ay talaga namang gumulat sa buong sistema ko.
Hinalikan niya ako. Nilapat niya ang labi niya sa labi ko.
Nanlalaki ang mga mata ko nang inilayo niya ang mukha niya sa akin. Nakatitig pa rin siya sa mga mata ko nang ginawa niya 'yon.
"See? I won't accept you as my sister... siblings don't kiss each other." Pagkatapos 'non ay umalis na siya sa harap ko't pumasok sa katapat na kwarto ng kwarto ko.
Naiwan akong nakatunganga lang at hindi maintindihan ang inasal niya.
Hinalikan niya ako. Hinalikan ako ng stepbrother ko! G*go!