Arc 1 : Chapter 2

1982 Words
“What the heck are you wearing!?” Tanong ulit ni Aeira habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Bakit? Kelangan ba ng porma?” Tanong ko sakanya. “Duh!? Ang baduy mo talaga!” Sagot niya. “Tsinelas na Crocs!? Cargo Short!? T-Shirt!? Ano ka Grab Driver!?” Pang lalait niya. “Gago! Hahaha! Kila Tita Paine lang naman tayo pupunta sa ngayon kaya hindi na ko nag bihis." Sagot ko. “Napaka baduy mo talaga! Tapos gupit lesbian pa! Undercut ampota! Yuck! Minsan tinatanong ko na si Mommy kung talaga bang ka-kambal kita e. Ayusin mo Aeina Beatrix Augustos!” Pasigaw na sabi niya at nag walk out. Dinilaan ko na lang ito habang palayo at pumasok ako sa tindahan na nasa likuran lang namin. Bumili ako ng ready made sandwitch at ilang chocolate bars. Nakita ko na madaming lumalapit sa kotse namin ni Aeira at pinag mamasdan ito. Nasa loob na si Aeira nito kaya naman nung nakita ako nitong lumabas sa tindahan ay nag rev na ito ng engine niya. Senyas na umalis na kami. Agad ko nilabas ang susi ko na naka ipit lang sa kanang bewang ko habang ang wallet ko ay nasa kaliwa naman.   Parang nahawi ang mga tao nung pumasok ako sa kotse ko at pina andar ito. Huminto kami ni Aeira sa isle ng mga gas at nag pa full tank. Hindi pa din mawala ang tingin ng mga kabataan samin ni Aeira. 2-lane ang daanan sa city proper kaya naman nakaka sabay ako kay Aeira, mas mabilis kasi itong mag patakbo kaysa sakin at walang traffic ngayon dahil Sunday. Bumusina ako kay Aeira, senyas na mauna na ako sakanya sa hi-way. Dahil dusk na ay nagulat ako sa nangyari sa kotse namin parehas. Automatic na nag on ang mga led lights sa side skirts ng kotse namin. Na mas ikina “wow” ng mga tao sa gas station. Nag rev si Aeira ay bigla itong nag patakbo ng mabilis sa Hi-Way. Napansin ko na nag “Racing” Mode na ang sasakyan nito dahil tatlong beses itong bumaba. Ganon din ang ginawa ko. Bago ako umalis ay ni “Racing” mode ko muna ang sasakyan ko. Ramdam ko ang pag baba ng kotse ko. Nag rev ako at sinundan ko na si Aeira.   Dahil sa bilis ng pag papatakbo namin ni Aeira ay naka rating kami sa entrance ng NLEX ng kulang isang oras lang mula sa City Proper na may layong 100KM. Dahil sanay na sanay kami sa mabilis na takbo ay mistulang naka hinto lahat ng daanan namin na Public Buses. Nag stop over muna kami sa isang 7-11 along NLEX para bumili ng kung ano ano. Hindi na ko nag abala na bumaba sa sasakyan dahil si Aeira lang naman ang madalas bumili sa mga ganito. Binaba ko na lang ang salamin ko nung kumatok si Aeira.   “Sabi ni Mommy tumawag ka raw mamaya pag dating natin kina Tita Paine.” May inabot nanaman itong bottled milk tea. Binuksan ko ito at halos maidura ko sakanya. “What the fuckkk!! Ginger!!! This sucks!! Aeira!!!!!” Sigaw ko habang nag mamadali itong sumakay sa sasakyan niya. Tinapon ko ang milk tea na binigay niya at bumili na lang ako ng bago. Nauna nang lumabas si Aeira sa NLEX, habang naka sunod ako dito. Halos umabot nang 150 kph ang takbo naming dalawa. Wala naman silbe ang speed meter ng NLEX dahil hindi naman ito nag a-alarm. Sa bilis namin, 200 meters palang sa toll gate ay nag mi-minor na kami, halos napapa ngiti palagi ang mga nasa counter ng NLEX lalo na kapag lalaki ito dahil sa ganda ni Aeira. Habang sakin naman ay tamang bati lang. Hindi siguro ako ganon ka attractive katulad ni Aeira kaya naman mas tahimik ang buhay ko sakanya.   Madami kasing umaaligid kay Aeira na manliligaw, pero kahit isa sa kanila ay hindi nito pinapansin. Gusto niya raw ay katulad ni Daddy. Meron pa yatang Dad Complex ang ka kambal ko. Sabagay, halos ayaw umalis ni Aeira kay Daddy nung mga bata pa kami. Kahit sumabit ito sa mga paa ni Daddy para makasama ito kung may lakad man si Dad ay ginagawa ni Aeira. Naawat lang si Aeira sa trabaho niya na yon nung 11 years old na kami. Nag ring ang cellphone ko na naka attached sa car audio ko kaya napalitan ang music na pinapakinggan ko ng boses ni Mommy.   “Mom.” Bati ko. “Nasan na kayo? Gabi na anak, baka hindi niyo na abutan ang Tita Paine nyo.” “NLEX, Bulacan Exit. Malapit na kami Mom. Mga 30 minutes.” “Mag ingat kayo dyan, anak.” “Honey, sexy time!!!” Sigaw ni Daddy sa kabilang linya. “Yuck! Kadiri kayo Mom! Talagang habang tumatawag kayo sakin?” Tanong ko dito. “Hahaha! Hindi pa pala naka baba. Sige na anak. I love you. Mag ingat kayo ha.” “I’m betting Dad’s like an idiot right now.” Sagot ko pa sakanya. “He always is anak. Haha. Oh sige na.” “Okay Mom. I’ll call later when we arrived at Tita Paine’s. I love you too.” Sagot ko.   Nag kakarera kami ni Aeira sa buong NLEX kaya naging sobrang bilis ng byahe namin. Nasa Balintawak na kami, kaya naman nag normal mode na ako. Nakita ko kasi si Aeira na ganon ang ginawa kaya ginaya ko din siya. Hindi ganon ka traffic dito ngayon sa Balintawak kaya naman sandali lang kami halos naka rating ng Cubao. Nag park kami sa Tower 3 dahil meron akong unit dito habang si Aeira naman ay sa may Welcome Rotonda ang unit niya. Inabutan namin si Tita Paine na nag susulat ng post up notes para raw kay Eisen dahil umalis ito. Yumakap ng mahigpit samin si Tita Paine ng makita kami nitong papasok sa unit niya. Nandito din si Laureen, dinala na raw ni Tita Jeanne ito kanina dahil may bibilin pa ang banda nila. Nag bilin lang ito na huwag hahayaan na magkaroon ng party dito sa condo dahil baka mapaalis na sila ng tuluyan dahil kapag aalis daw sila ay nag kakaroon dito ng party si Eisen palagi.   May isang box akong nakita, kulay pula ito at parang ako lang ang nakakakita nito dahil malapit ito kay Aeira pero hindi man lang nito ito nakikita. Siguro dahil busy ito kaka swipe sa cellphone niya? Dinampot ko ito at nakita ko ay isang lumang tablet. Sinubukan ko itong i-on, agad itong nanghingi ng date at nilagay ko naman ito kaagad pero ang pinag tataka ko ay ang sumunod na dialog box. “Are you sure you wanted to go back at 7:33 pm June 22 20xx?” Kinabahan ako sa nabasa ko. Pinindot ko ang cancel button at pinalitan ito ng March 21 200x. Meron nanaman dialog box dito na ang sinasabing “Please input a place where do you want to go.” Nilagay ko ang “Poblacion Public Market. 2nd floor.” Bigla itong lumiwanag. Hindi ako maka paniwala sa mga sumunod na nakita ko.   Napunta ako sa linya kung nasan sila Mommy. Naka tayo ako habang hawak ang tablet. Nakita ko si Daddy at Mommy na nag e-enjoy. Nakita ko din si Tita Mavis. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang isang banda. Sila Tita Paine!? Live!? Bakit ang bata nila!? Sino itong naka hood na kumakanta!? Ang ganda ng boses niya. Parang ka boses niya yung live na pinanood namin kanina? Natanggal ang hood ng babaeng kumakanta at napa nganga ako sa nakita ko. Si Tita Hikari. Did I just travelled back in time!? Agad kong tiningnan ang tablet. Meron nanaman itong dialog box. “You you want to return to present?” Pag tap ko sa Yes button ay nag liwanag ang paligid ko ulit.   Inaalog ako ni Aeira. “Hoy! Natanga ka na dyan! Kanina ka pa kinakausap ni Laureen!” Halos sigawan na ako ni Aeira. “I’m sorry. What was that?” Tanong ko ulit sa batang si Laureen. “I said Ate Aeina, Can you cook for me, please?” “Oh! Sure! What do you wanna have?” “I want your Tuna and Chicken Carbonara!” “Oh geez not that Laureen.” Pag iinarte ni Aeira “Ay wow! Nag salita ang marunong mag luto!” “I’d rather eat a take out! Sawa na ko sa luto mo, sis!” Saka ito umalis.     Nag luto ako ng carbonara para sa dalawang tao lang since hindi hilig ni Aeira ang pasta. Nag take out ito ng Pizza at Burger since madaming fast food at restaurant dito sa Cubao. Saming dalawa kasi ay si Aeira lang ang hindi natutong magluto kahit anong gawing turo ni Dad. Kundi palaging hilaw ang luto nito ay sunog.   “Say Aeira, what if you can travel thru time? What would you do?” Tanong ko kay Aeira na naka higa na sa sofa nila Tita Paine. “Ayan! Kaka nood mo ng anime kung ano ano na iniisip mo! You’re asking an impossible task my dear sister.” Sagot niya. “Kaya nga, what if eh!” Bawi ko naman “Well, I would hop back when Mommy’s giving birth at us?” “Wanna try? You see here, I have this. It can travel thru time...” sabi ko sakanya pero tulog na pala ito. Tumatawag sa FaceTime si Mommy kaya sinagot ko ito. Naka video call, hindi niya yata alam na automatic itong nag o-on.   “Mom!!!!!! What the hell!!!” Sigaw ko nung makita ko si Daddy na butt naked pa sa likuran ni Mommy na naka kumot, halatang walang suot na kahit ano ito. “Ay!!” At agad nawala ang video feed. “Mom!! C’mon! Ano ba naman yan! Hahaha!” Sita ko kay Mommy. “Nag dinner na ba kayo ng sister mo?” Tanong ni Mommy. Nag on na ang video feed. Naka higa na silang parehas ni Daddy. Tapos na siguro sila gumawa ng “Deed”. “Yes mom.” At pina kita ko sa video si Aeira na naka nganga pa. “Aeira! My baby! Miss ka na ni Daddy!” Sigaw ni Daddy sa phone ni Mommy. Agad itong nagising at napa ngiti sa video feed. “Talagang kapag si Daddy nagigising ka kahit anong tulog mo eh no!?” Sigaw ko kay Aeira na biglang nabusangot sa sinabi ko. Agad nitong inagaw ang cellphone ko at nakipag usap kay Daddy. Nag paalam ako kay Mommy na maliligo habang hawak ni Aeira ang cellphone ko.   Napaisip ako, pero pano nga kaya kung maging pulis ako? Maging “Ace of Aces” kaya ako? Or Private Detective? Maging magaling kaya ako sa pag resolba ng mga kaso? Pero parang natatakot ako sa gagawin ko na ito. I mean pano kung masabi ko sa ibang tao sa past na galing ako ng future at mag iwan ako sa certain person na ito ng vital information sa isang magaganap sa hinaharap? God! Andaming pumapasok sa isipan ko. Dahil sanay na si Laureen at Eisen na naiiwanan sa mga tita o tita nito ay hindi na bago sakanila ang pag stay naming mag kambal sa mga unit nila.   Naligo ako at nag palit ng suot ko na damit. Nang bumukas ang pinto ng unit, si Eisen.   “Hey bwo! Sup!” Bati ko dito habang nasa loob pa ng bibig ko ang toothbrush. “Hey bro! Eto, sobrang gwapo pa din!” At nakipag high five pa ito.   Nag kwentuhan kami sa living room nila habang naka nganga si Aeira sa sofa pag tapos ng tawag ni Mommy, kaya naman nasa flooring lang kami naka upo. Tinapik ko si Aeira para pumasok sa guest room pero no avail dahil tulog na tulog ito. Napaka lakas kasi nitong kumain pero hindi naman tumataba, hindi katulad ko. Kung ano ang kina babae ni Aeira sa pananamit ay kabaligtaran nito ang ugali nito kapag nasa bahay na at komportable ito. Nagiging “haragan” ito. Nawawala ang pag ka pino ng mga galaw niya lalo na kapag ito ay sobrang busog o sobrang gutom.   Mabilis lumipas ang oras sa pag kwe-kwentuhan namin ni Eisen, nakita ko na lang si Laureen na pumasok sa Bathroom para maligo at lumabas ng bago na ang suot na damit nito. Tumabi ito kay Aeira at nakatulog ito kaagad habang naka yakap sa kakambal ko. Nag paalam si Eisen na aalis pag katapos maligo nito. Napaisip ako sa tablet na nakuha ko kanina. Bakit meron dito nito sa unit ni Tita Paine? Ano ang purpose bakit parang ako lang ang nakakakita nito? Nagulat ako dahil nag notif ito. May dialog box na lumabas dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD