Prologue
Sino nga ba si Sunshine Bea Trixie Montealegre - Dizon? Isang tanong din na hindi ko masagot dahil pati ako ay hindi ko na alam kung sino nga ba ako at kung ano nga ba ako dito sa mundong ito. Mula pag ka bata hanggang sa maka graduate ako ng kolehiyo ay naging sunod sunuran ako sa mga magulang ko. Marangya naman ang pamumuhay namin pero mahirap na kasi na may masabi ang ibang tao sayo. Judge ang aking Nanay habang ang tatay ko naman ay isang Fiscal. Gusto nila na maging abogada din sana ako pero mas pinili ko na tapusin ang Information Technology. Naka dalawang taon ako sa Political Science, at nag shift ako sa Information Technology dahil hindi ko talaga gusto ang pagiging abogada.
Sa edad ko na dalawangpung taon, naka tapos ako ng IT. Dahil pwede naman itong gamitin bilang Pre-Law Course sinubukan ko mag Law at sa edad na dalawangput lima natapos ko ito. Hindi pa ako nakaka pag bar examination dahil hindi pa ako handa sa magiging responsibilidad ko bilang abogada. Tulad ng ibang kabataan, madami din akong naging kalokohan sa buhay ko. Isa na dito ang nasubukan kong makipag talik ng wala sa hustong edad dahil sa kalasingan at droga. Ano pa nga ba ang nagagawa ng isang dalaga na frustrated sa buhay niya at madaming pera? Simple lang, nag kabarkada ako ng hindi maganda. Pero lahat naman yon ay hindi ko pinag sisihan dahil naniniwala ako na lahat ng ito ay mangyayari talaga. Hindi ako na buntis sa pagiging mapusok ko. Kaya habang nag ta-take ako ng Law noon sinasabay ko ang mga parties o ano mang event na may kinalaman sa pag sasaya.
Madaming nag sasabi saakin na matalino ako at namana ko ang talino ng aking mga magulang. Oo totoo yon pero dahil ako ay isang walang tyagang tao, mabilis akong mainip sa mga bagay bagay. Nakilala ko si Ramon Dizon sa pamamagitan ng aking mga magulang. Arranged Marriage ang nangyari samin. Civil Engineer si Ramon, habang ako naman ay mag ta-take na sana ng Bar Examination sa Manila nung kinasal kami. Dahil sunod sunuran ako sa aking mga magulang, ako ay sumunod na lang ako sa kanilang gusto. Para na din daw ito sa ikakaganda ng mga negosyo nila, ng mga magulang ko at magulang ni Ramon.
Mabait si Ramon, yun nga lang may hindi ako maunawaan sakanya. Sa tuwing gabi na mag kasama kami sa iisang kama ay palagi siyang naka talikod sakin. Mabibilang palang sa daliri ko kung ilang beses kami nag talik haggang sa dumating sa punto na kaylangan na niyang mag punta sa US at bumase doon. Bago siya umalis, nag patayo muna siya ng computer shop para sakin, para hindi daw ako mainip at may pag kaabalahan. Dito na nag simula ang mga pang yayari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan.
Nakilala ko si Kagami. Isang siya sa mga napakadaming aplikante na nag sumite ng kanilang mga resume dahil kaylangan ko ng katulong sa shop. Hindi ko pa naranasan mag ka gusto sa isang tao o mag bigay ng pansin sa dami ng aking manliligaw. Ewan hindi ko alam bakit ganon. Siguro nasanay ako na umiikot lang sa One Night Stand lahat ng lalaki sa buhay ko. Nakilala mo ngayon bukas estranghero na kayo sa isa't isa. Meron kasing kakaiba sakanya na hindi ko makita sa mga lalaking umaligid sakin. Lahat naman sila gwapo, mayaman, pero dito kay Kagami lang ako nabihag talaga.
Eto siguro ung pakiramdam na mayroon ka nang gusto sa ibang tao, kaso hindi na pwede dahil naka tali ka na sa taong hindi mo naman gusto o wala kang nararamdaman na espesyal para sakanya. Sana lahat ng bagay sa mundo nabibili ng pera para naman mabawasan ang pera ng mga magulang ko. Kung pwede ko lang bilin si Kagami ginawa ko na para walang ibang taong maka angkin sakanya kundi ako lang. Sabihin na nating makasarili ako, pero ganon na lang ang nararamdaman ko kay Kagami.
Yung pakiramdam na kaylangan mo bilin o kuhanin ang isang bagay, ung sayong sayo lang? Ganong pakiramdam. Ngayon lang ako nag ka ganito. Kakaiba ang pakiramdam na ito. Alam ko ang limitasyon ko bilang may asawa na, pero may mga bagay talaga na hindi natin maikakaila na nagagawa pa din natin kahit alam na nating sobrang mali kahit saang mata at batas mo tingnan. Mata man ng tao o mata man ng diyos. Sa batas ng tao o sa batas din ng diyos.
Sinubukan ko na balewalain ang nararamdaman ko na ito para sakanya pero habang pinipigil ko mas lalong nag susumigaw ang damdamin ko na huwag ko siyang pigilan dahil ito ang unang beses na nakadama ako nito sa talambuhay ko. Wala naman kasi akong ibang ginagawa simula nung natapos ko ang Law Course ko, dahil sa kagustuhan na din ng mga magulang ko na mapabuti ang kanilang kalagayan at ayoko din na mapahiya ako sakanila ay sinunod ko na lang sila ng walang pag tatanong o pag dududa. Hinayaan ko na lang ang agos ng buhay kung san man ako dalin nito, pero yun pala ang malaking pag kakamali ko. Hindi ako kumalas sa kadena na binigay sakin ng mga magulang ko. Naging sunod sunod-an ako sa mga gusto nilang gawin sa buhay ko.
Wala kasi akong lakas ng loob para labanan sila sa mga desisyon ko sa buhay. Kaya eto, nung naramdaman ko na parang iba to, dahil ito ay estranghero sakin ay nagulo talaga ni Kagami ang buhay ko. May mga oras na halos tulala na lang ako sa labas ng hardin namin, hindi ako makakain ng maayos dahil iniisip ko kung kamusta na ba si Kagami don sa shop, kung madaming tao ba, kung madaming players, kung kumain na ba siya. Kaya madalas sabay na din kaming kumain ni Kagami dahil kapag hindi, ay paniguradong hindi nanaman ako makakakain ng maayos. Kaya ang ginagawa ko na lang ay nag papa dala ako sa katulong namin ng pagkain doon sa shop na pang dalawang tao.
Maalalahanin si Kagami, sobrang tahimik niya na ikinadagdag ng pagka misteryoso niya. Wala naman akong ibang nakikita sakanya, tipikal na binata, sa standards ko hindi siya pasado pero may kung anong haplos sa puso ko kasi sa twing nakikita ko siyang nag aalala. Siguro alam niya ang pakiramdam ng wala kaya ganon siya. Ako kasi hindi eh. Nasakin na lahat ng bagay na hilingin ko basta nabibili ng pera. Wala akong naging kaibigan, no joke. Dahil nga sa sobrang strict ng mga magulang ko, hindi ako nakipag kaibigan sa kahit na sino. Pwede kasing sila ang maging dahilan upang malaman ng mga magulang ko na hindi ako ung perpektong anak na inaakala nila. Akala nila libro o modular ang hawak ko twing gabi nung nasa Maynila ako para kumuha ng kursong Law, pero ang hindi nila alam ay palihim akong nag pupunta sa Clubs, Bars, o kahit saang lugar na may kapusukan.
I was alone in my whole life. Bilang ko sa mga daliri ko ang mga nakaka salamuha ko sa buong buhay ko, ung tumatagal sakin ng dalawa o tatlong buwan. Pero iba talaga tong si Kagami. Inabot na kami ng taon na mag kasama dito sa computer shop pero eto at nandito pa din siya. Napag kasunduan namin na ako na ang mag papa aral sakanya, dahil nakita ko pagkalipas ng isang buwan, na walang kakayahan ang kanyang tatay na ibigay ang kanyang kailangan katulad na lang ng pag papa aral, at para mag tapos siya para sa sarili niya. Pero siyempre lahat ng pabor ko sakanya ay may kapalit. Napag usapan namin ito ng pribado at walang lalabas sa kahit kanino, na i tre-treat niya ako bilang kanyang nobya kapag malayo kami dito sa Nueva Ecija at pwede niya gawin lahat sakin. Oo we have this s****l relationship, pero hanggang doon lang para sakanya yon habang ako ay palaging ginugulo ng bawat desisyon ko sa buhay kapag siya ang nakasalalay dito.
Madalas ako mag “Maintenance” ng computer shop, halos bi-monthly kahit hindi naman kaylangan talaga na tumatagal ng 2 hanggang 3 araw. Ang alam ng mga magulang ko ay kaylangan talaga ito pero ito lang ang oras ko para ma solo ko si Kagami. Mag pupunta kami kung saan saan, ung lugar kung saan hindi kami kilala at sa paraan na yon ko siya nasosolo. Hindi makalimutan ng katawan ko ang koryente na dumadaloy dito habang hinahalik halikan ako ni Kagami sa twing kami ay mag ka ulayaw sa iisang kama.
Naging maayos kami ni Kagami na mag kasama sa computer shop, naging kaibigan na din namin ang mga costumer namin na madalas mag laro kahit na maingay sila. Computer shop ito at hindi talaga maiiwasan yon, lalo na kapag merong pustahan na nagaganap sa DoTA o Counter Strike. Naging malapit sakin ang mga players ng shop na dumating pa sa punto na nag aambagan kami para sa inuman, para sa outing, o kung ano mang activity ang gagawin namin outside of Nueva Ecija lalo na kung mayroong tournament sa DoTA.
Pero talagang mayroong magiging hadlang sa bawat kasiyahan na meron ka o kayo. Ito ung araw na dumating dito ang mga dela Merced. Si Luna. Sobrang nasasaktan ako palagi kapag kasama niya si Kagami sa kahit anong bagay. Malakas din ang loob ni Luna na ipakitang gusto niya si Kagami. Napapansin ko ito dahil merong araw na ayaw ako galawin ni Kagami. Magkatabi lang kami sa kwarto sa shop pero hanggang doon lang. Na love at first sight silang parehas sa isa’t isa. Kaya naman ganon na lang ang pag mamahalan nila.
Hindi man lang sumagi sa isip ko na ang ginagawa ko na ito ay “masama”. Dahil sa nakikita ko sa magulang ko at sa mga ilang kliyente nila, na haggang hindi ka nahuhuli ng batas ng tao, malaya ka at hindi “masama” ang ginagawa mo. Hindi mo kaylangan ipaliwanag ang lahat sakanila, gawin mo ang kelangan mong gawin, kung naintindihan nila ang mga kilos mo edi maganda, kung hindi edi hindi. Buhay ko naman ito at gagawin ko ito, tama man o mali.
Madalas ko isama si Kagami sa kahit anong lakad ko kapag ang pinag uusapan na ay ang computer shop namin. Dahil hinihingi ko ang kanyang mga suhestiyon at payo pag dating sa ikakaganda ng computer shop.
“Lies are always be lies and some secrets must be kept hidden forever.” Yan ang kataga na binigay sakin ni Hikari nung nalaman niya ang relasyon namin ni Kagami, wala kasi akong bukang bibig sakanila kapag nag kaka usap usap kami tungkol sa computer shop. Sa totoo lang malakas naman ang computer shop kumita, halos kumikita ako ng dalawang libo kada araw. Ang kita ng isang linggo minsan ay binibigay ko lang kay Kagami para sa kanyang pag aaral. “Sugar-Mom” ang dating ko kay Kagami. Kahit pinipilit ko ang sarili ko na hindi ako ganon sakanya, pero yon at yon pa din talaga ang lumalabas.
Kung ano kasi ang kulang sayo yon ang pinapadama mo sa iba. Dahil alam na alam mo ang pakiramdam ng may kulang sa buhay. Eto ang hindi ko makalimutan na salita ni Luna kay Kagami ng minsan silang nagtalo nung nag iinuman kami. Syempre ako tong si gaga, todo ngisi lang dahil alam ko naman na kapag ganon ang sitwasyon, eh sakin ang bagsak ni Kagami, kahit na alam ko na gagamitin niya lang ako para ulit maging “Okay” ang pakiramdam niya. Para akong laruan na kung kaylan mo lang gustong gamitin saka mo lang ako gagamitin, sobrang naging okay nito sakin dahil unang una hindi naman na ako pwedeng mag habol pa sa mga ganitong bagay.
Para akong demonyo na humihiling na palaging mag talo si Kagami at Luna o kaya naman dumating bigla si Hikari. Eto lang kasi ang paraan para lumapit sakin si Kagami, para mapansin niya ako. Kung hindi kasi ito mangyayari, hindi nanaman ako mapapansin kahit na sobrang daming bagay na materyal na ang nabigay ko kay Kagami. Ganon talaga yata ang buhay ko, ung mga bagay na gusto ko ay “hindi na pwedeng makuha in any way”.
Hindi ko na nahubad ang maskara at kadena na inilapat mismo ng mga magulang ko kaya nung naka kita na ako ng taong gustong gusto ko hindi ko na siya pwedeng makuha. Naging masaya naman ang buhay ko, dahil atleast, bago ako “nawala” ay nagawa ko lahat ng gusto ko, maramdaman ang gusto ko, at sinubukan ko na hubarin ang imahe at ang maskarang binigay sakin ng mga magulang ko na napag tagumpayan ko naman habang naging saksi dito si Hikari. Naging sandalan ko si Hikari, nalaman niya ang lahat ng bagay na ito pero mas pinili niya na itago na lang.
Ayon sa kwento niya naging “Heart Donor” siya nung nalaman niya sa Canada na meron siyang Hodkin’s lymphoma. Hindi ko lubos na maisip na meron na pala siyang nilalaban na ganong sakit. Hindi naman ako Medical Graduate para malaman ang mga ganong bagay. Kaya pala parang palagi siyang merong hinahabol, yun pala ay bilang na ang kanyang mga oras dito sa mundo. Napansin ko din ang memory lapses niya at parang meron siyang short term memory lost. Pero humanga ako sa kanyang mga desisyon sa buhay.
“Why are you chasing the person that is always choosing someone besides you? Why?” ang tanong ko na hindi na nasagot ni Hikari. Kaya pala ganon siya. May mga bagay siyang nakakalimutan, may mga “reminders” din siya madalas sa kanyang pulsuhan katulad ng “Ngayon”, “Med buy”, “Evidence”, “Dra.2PM”, at ang huling nakita ko sa palapulsuhan niya, “Ends, NOW!” na parang sulat bata. At yun na din pala ang huling beses na makikita ko siya at makakausap.
“Was leaving me felt great? Did it complete you or your life? You only bought pain to me.” Hindi ko makalimutan ang oras na sinabi ko yan kay Kagami. Dahil sa pag ka desperada ko sakanya kung ano ano ang nagawa ko at sinabi ko sakanya. Alam ko na maling manumbat pero sa mga mata ko yon lang ang tamang gawin ko. Tanging matang galit na galit lang ang nakita ko noong oras na yon kay Kagami. Wala naman kasi sa usapan namin na mahalin niya din ako pabalik at alam ko naman na hindi din siya papayag don.
Madaming nakaka kita na sobrang close kami ni Kagami nung mga panahong nasa ospital siya palagi nung nag che-cheomotheraphy si Hikari, kasama niya kasi ako palagi. Kasama ako ni Kagami dahil kaibigan ko si Hikari at siya lang ang may alam kung ano talaga kami, nakita ko din kung pano na lang natulala si Hikari nung umamin ako sakanya. Hindi ako naka ramdam ng awa ng mga oras na yon kay Hikari kasi wala naman akong alam sa kondisyon niya. Basta nakita ko na lang na tumingala siya at kahit ganon ang posisyon niya ay lumabas pa din ang luhang pinipigilan niya.
Napansin ni Luna ang sobrang pagiging close ko kay Kagami nung nasa ospital kami pareparehas. Pero nagawa ko pa din na itago ito kay Luna. Unang nag duda samin si Luna nung namili kami ni Kagami sa Maynila ng spare parts ng PC. Bakas sa muka niya ang pag dududa pag uwi namin ni Kagami makalipas ang apat na araw sa Maynila. Si Luna din ang unang tao na naka pansin na nag dadalang tao ako, pwera sakin siyempre. Nag congrats pa siya sakin nung mga oras na yon, habang ako ay hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag o saan ako mag sisimula ng paliwanag kapag hindi ako naka lusot sa kapusukan na pinasok ko.
“Alam ko na ang pag mamahal at trahedya ay magkaakibat. Hindi pwedeng isa lang. Pero nag tataka pa din ako sa sarili ko kung patas nga ba talaga to.” Nadinig ko na sinabi ni Nana yon kay Luna nung minsan na naabutan ko siya sa shop na umiiyak. Dito ko na realized na patas talaga ang mundo, ang mga tao lang ang hindi dahil ang mga tao ang siya mismong nag papahirap sa iba. Kahit anong paraan pa yan. Naniniwala din ako sa kasabihang “Ang mga mayayaman lang talaga ang yumayaman.” Napaka ironic kasi naman talaga. Parang Ecosystem. Kung sino ang nasa taas siya lang ang nasa taas at kahit kaylan hindi ito bababa dahil nasakanya ang kapangyarihan. Nasa kanya ang pera.
Ganon naman talaga ang buhay eh, kung sino may madaming pera, siya ang nasa taas, sila ang tinitingala. Pero despite all of this swerte pa din tayo bilang mga tao. Nagagawa natin ang mga bagay na hindi kaya ng ibang nilalang dito sa mundo. Meron tayong emosyon, naawa tayo, nag mamahal tayo, nasasaktan tayo ng emotionally, umiiyak tayo kapag malungkot tayo, umiiyak tayo sa sobrang saya. Mga ganong bagay na wala sa ibang nilalang at tanging tao lang ang makakagawa.
Naalala ko pa yung pagkanta nila sa fiesta kung pano niyanig ni Hikari ang buong Poblacion sa galing niya sa pag kanta, pag ka tapos ng set nila nakita kong may nag i-interview sakanila. Nakita ko na kung pano sila mag practice nila Lanz, they can practice for almost 8 hours. Sobrang ganda ng boses ni Hikari, halos kaboses niya si Lisa Loeb, dahil pati ang mga guest na banda eh napa hanga nila sa frontal act nila.
Sumikat ang mga Videos ni Hikari sa internet, madaming sikat na tao mula sa music industry ang naghanap sakanya dahil sa mga videos niya nung nag pra-practice sila at isa sa video na nagustuhan ng maraming tao ay ung pag tugtog niya sa Grand Piano bago mag fiesta. May program kasi sa bisperas ng fiesta para sa mga Alumni ng isang Catholic School at dahil Alumni si Hikari don ay naka tugtog siya. The Promise at Somnus Ultimatum ang title nung tinugtog nila ng bestfriend niya na si Jeanne.
Napaka lungkot ng recital nilang dalawa. Basta punong puno ito ng lungkot. Pero may parte sa piano piece na yon na parang sobrang lungkot dahil hindi yata niya nakuha o nakita ang pakay niya. Dahil nga sumikat ang banda nila na tinayo, may mga kumukuha sakanila, mall show, gigs, sa mga fiesta. Yun nga lang wala na ang orihinal na bokalista nito. Si Hikari. Pinalitan siya ni Jeanne at Paine. Ang mga miyembro nito ay sina Lanz, Khalil, Jheck, Paine at si Jeanne.
Hikari died at June 22nd. Birthday niya. She’s only 24 years old. Ang kanyang mga mata at puso, was to be donated. Aeina Beatrix received her eyes while, Luna received her heart. Aeina Beatrix has congenital blindness. Tanging kami lang na mga kaibigan niya ang nakaka alam nito. Ilang buwan na lang pala ang itatagal niya simula nung dumating siya dito sa Pilipinas. And yes. I named the twins after the two Nurses that took care of Hikari and me.
Kagami and Luna survived an accident(?) while the baby inside Luna didn’t. It happened after the one year and second month of Hikari’s Death. It was Paine’s birthday. I was one of the witnessed of their accident(?). I was a convoy dahil naka sakay sakin sina Lanz, Jheck, Khalil and Jeanne that time. The truck overspeed on intersection, causing to crash on the car, that Luna was driving and the car that my parents are on too. Kagami recovered after two months of Comatose while Luna recovered in just two weeks. Both of my parents died, so lahat ng ari arian nila ay napunta sakin after their passing. They left with lots of fortune, businesses that I cannot handle, so I sold the stocks to the stockholders and left the company.
Luna was traumatized not by the accident(?) but the lost of a baby. Hindi alam ni Luna na nag dadalang tao na siya, kaya ganon na lang ang gulat niya nung nalaman niya na meron na pala siyang dinada sa sinapupunan niya, at ang mas kinagulat niya ay may chance na hindi na siya maka pag buntis pang muli ayon sa doktor.
Two months after the incident, Luna cannot give birth. She cried for she cannot bear the pain of not giving Kagami the gift every husband and wife wanted. I remembered how intense her crying was, naka tulala lang siya for 2 weeks due to depression, hindi siya maka usap ng kahit na sino. Kumakain lang siya kapag si Kagami ang nag papakain sakanya at siya ang nag luto. Napaka laking trial non para sa newly wed. Parang pinag sukluban siya ng langit at lupa. I felt the sadness she has, the emptiness, ung pakiramdam na gusto na niyang sumuko ng mga oras na yon. Ramdam na ramdam ko yon bilang babae.
Kagami and Luna, parehas silang masipag sa trabaho nila at talaga naman na Yin and Yang silang dalawa sa business. One cannot do anything without the other. Luna is by far the most loving person I know. Sobrang down to earth niya. It’s the exact opposite when it comes to business. She’s a “Tyrant” or “Tycoon” at the business world. A risk-taker that’s why napaka successful ng mga businesses niya.
What’s left with me? Nothing. I talked to Ramon what happened, after that? I killed myself afterwards. Many speculated na ang reason ko na pag kawala ko is that I can’t accept my parent’s death. Mali sila. My guilt consumed me. Buhay ko ang naging kapalit ng lahat ng mga kasalanan ko. Guilt consumed me far more significant than I can imagine. I became depressed despite everything has happened na tinanggap pa din ako ni Ramon. No one knew me where I had my suicide. No ID’s no anything para hindi makilala. I didn’t even care at all if it goes public. Ang gusto ko lang ng mga oras na yon ay mawala. After telling Ramon na his finally free from my burden, I drove for 6 hours, and when I found this forest alam ko na dito ang huling destinasyon ko sa buhay. Habang nasa loob ng kotse ko, binuksan ko ang glove compartment. Lumabas dito ang baril na ni regalo ni Papa, .45 Magnum Revolver at tinutok ko ito sa aking tenga at pinutok. “Pasensya na tao lang”