Arc 1 : Chapter 1

2106 Words
After 19 Years. “Aeina! Aeira!” Sigaw ni aming mommy. “Get down now! Hindi niyo ba ako nadidinig!?” Sigaw ulit ni Mommy. Pababa na ako at nakita ko ang aming Daddy sa salas as usual, nanonood ng Detective Drama sa smart TV.   “Mom! Where are you?” Hanap ko sa maganda kong mommy. “I’m here at the dining area anak, come!” Mukang galit? Pero I don’t know. Wala naman kaming bagsak na grades? Hindi din kami nag a-attend ng party na overnight. Grounded nanaman ba kami ni Aeira? Ang hirap pa naman kapag grounded kami. Bawal lahat! Ugh! Patay nanaman ako nito! Tamang bakasyon nanaman sa Manila pag nag kataon.   “Why po ba? Parang galit kayo mom?” Tanong ko. “No. Why would I get be mad? I just want to talk to you both, go get your sister please. now Aeina.”   “Aeira, tawag tayo ni Mom. What did you do? Tell me please.” Pakiusap ko sa ka-kambal ko. Nung pumasok ako sa kwarto niya. “What? No! Nandito lang ako sa bahay the whole time na nasa Taiwan sila! Baka ikaw! Remember nag punta ka sa bahay nila Tita Jeanne? Walang paalam paalam diba!? Ilang araw ka don?”   “Uh....Lagot?” Yon na lang ang naisagot ko sa bintang ni Aeira.   “Girls!!!!!! Where are you!!!!?” Sigaw naman ni Daddy.   “We’re coming Dad!” Sagot ni Aeira.   Nasa harapan kami ng pagkain ng mag tanong si Mom about sa plans namin sa pag aaral. Dalawang taon na kami sa College pero kada sem ay nag shi-shift kami. Unang taon ko sa college ay kumuha ako ng kursong Information Technology habang si Aeira naman ay nag Nursing. Second sem ay nag shift ako sa Nursing habang si Aeira ay nag Electrical Engineering. Sa ngayon ay nag shift nanaman ako sa Fine Arts habang si Aeira ay nag Civil Engineering. Kumuha ako ng bacon ng mag salita ang aming Daddy.   “Girls, please be serious about studies. Mukang kukuhanin nyo lahat ng available courses sa kolehiyo?” Seryosong tanong ni Daddy. “Daddy, I want continue Civil Engineering.” Sabi ni Aeira. “Daddy, Fine Arts are getting interesting. Pero what do you want me to get ba?” Sabi ko. “I won’t allow you to shift to any courses anymore. Baby Aeina just do what you want and be serious about it okay?” Madiin na salita ng aming Daddy. “Kagami! Don’t be too hard on them. Let them find what they want.” Sabi naman ni Mommy na agad pinag kunutan ng noo ni Daddy. “Luna, ako ang nahihirapan sakanilang dalawa. Can we talk privately?” Tanong ni Daddy kay Mommy.   Nag usap silang dalawa sa may sala. Pero mukang hindi naman nag tatalo? Mukang nag tatawanan pa nga sila eh.   “Girls! Come here!” Sigaw ni Mommy.   Nang makalapit kami sakanila ay.   “Happy Birthday!!!!” Bati nilang dalawa samin habang naka ngiti.   Dalawang susi ang inabot saming dalawa. Kotse!? Whoa there! Bestest gift!?   “Pupunta po ba tayo sa sementeryo mamaya, Mom?” Tanong ko. “I thought a new iPhone na hehe!” Sabad ni Aeira. “Yes, we will just visit an old friend.” Sabi ni Mommy. “What’s her/his name mom?” Tanong ni Aeira. “We call her “Hikari” but that’s Tita Hikari for you.” Sagot ni Mommy. “We haven’t visited her for last few years, today is her 19th Death Anniversary.” Mapait na sabi ni Mommy.   Nag kwento si Daddy tungkol sa kaibigan nilang si “Hikari”. Madami kaming hindi alam sa nakaraan simula nung pag kabata namin. The memories seems blurry pero parang ngayon ko lang nalaman lahat ng kwento na ito. Meron din silang pina panood na lumang video. God it’s not even at 720p to be watchable! Siguro kung titingnan baka 640 x 360 lang ito sa sobrang low quality. Pero grabe ung video na pinapanood samin. Something inside me ignited, lalo na nung napanood ko kung pano mag perform ang banda nila Tita Jeanne. Napaka ganda ng vocalist nito at kamukang kamuka nito ang mga mata ko.   “She’s Tita Hikari? She rocks. Damnit, she’s so cool! Sana pala tinuloy ko ang pag gi-gitara and I can be like her.” Sabi ko habang walang kurap na pinapanood ang video nila. Ito raw ang pinaka unang performance ng banda nila Tita Jeanne na sobrang sikat hanggang ngayon. Tumawa ng malakas si Daddy.   “Anak, alam mo ba na sampong taon mahigit yan inaral ni Hikari?” Sabi ni Daddy na napangiwi ako. “That’s not her peak performance, that’s about 40% na lang kasi that time she already had a cancer.” Dugtong pa ni Daddy habang naka yakap kay Mommy.   “Friggin’ awesome, Dad.” Sabi ni Aeira habang wala din kurap sa panonood.   Nagulat ako sa pang apat na kanta, nasa stage si Mommy at sumasayaw kasama si Tita Hikari, napaka ganda nilang parehas. Siguro ang daming naka pila na manliligaw dati sakanilang dalawa? Na pati kapwa babae ay nag kakasala na dahil sa ganda nila? Pano nag katuluyan si Dad at Mom? Grabe! Libo libong kilometro ang layo ng ganda nila kay Dad ah? Gwapo si Dad pero hindi sapat para kay Mom! Haha! Pero biglang nabago ang mood nung fifth song? Parang biglang naging sobrang lungkot ng boses ni Tita Hikari? Parang may kinakantahan siya sa kaliwang stage? Guniguni ko lang siguro. “Eh! Talagang ginayuma si Mommy ni Daddy!!!!!” Sigaw ko na nag patawa kay Mommy ng malakas. “Aeina! Don’t be like that on your Dad!!” Si mommy na hindi mapigil ang tawa. “Bakit mom? Totoo naman!” Sagot ko habang tinatawanan ang reaksyon ng aking ina. “Kayo talaga! Wala ba akong kasangga dito?” Tanong ni daddy habang iniikot ang mga mata niya saamin. “WALA!” Halos sabay na sabay kami ni Mommy. Saka tumawa ng malakas si Daddy sa sagot naming dalawa. Dahil malapit kami sa isa’t isa ay yumakap samin si Daddy. Nag frown si Aeira dahil sa nadinig niya. “Sus!! Daddy is life! Kapa-pangit niyo!” Habang tinuturo ni Aeira kaming dalawa ni Mommy. Muling yumakap ulit ito kay Daddy.   Nakita ko sa video na nag aayos na sila ng mga kable nung pinahinto sila at pina kanta ulit. Nagulat ako nung makita ko si Daddy na kumanta kasama si Tita Hikari. Napanganga ako dahil parang naging mag nobya at nobyo sila? Sa emosyon palang nang kanta nila bagay na bagay sakanila ang kanta. Luma na ito sa panahon na ito pero parang mahihilig ako sa mga lumang rock songs dahil sa napanood ko kanina. “Happy birthday ulit, mga anak.” Bati ulit ni Daddy habang hinalikan kami sa noo nito. “Why don’t we go outside and check your cars?” Alok ni Daddy.   Nag punta kami sa gate at nakita namin ang dalawang sports car. Parehas Mitsubishi Eclipse Racing Type. Modified na ang body kits nito dahil sa maninipis na side kits nito. Mahilig kasi kami ng kambal ko sa Circuit Racing at Drag Race. Ewan. Dito kami nahilig, hindi pambabae pero hindi naman naging hadlang ang parents namin dito. Naka custom na din ang mga upuan nito pati ang mga seat belts na buong katawan mo ang sakop. Agad sumakay si Aeira sa kulay Sunny Orange habang ang sakin ay kulay Icy Blue.   “Whoa!! This is cool!” Sigaw ni Aeira. Bumukas ang gate dahil akala ni Dad ay ipapasok lang namin ito. “Why don’t we go at Tita Paine’s house? Let’s visit Eisenhoward.” Suhestyon ko kay Aeira. “Tara! Let’s spin this.” Sagot niya “Just be careful. Sabi ko na kasi sa Daddy nyo kahit ano na lang, ‘wag lang yan dahil baka ma aksidente kayo.” Salita ni Mommy habang sinikmuraan si Daddy malapit sa Gate. At may binubulong bulong pa si Mommy kay Daddy na natawa ito.   Pag on ko palang sa engine ay ramdam ko na ang excitement dito. Tinapakan ko ang silinyador nito at napaka lakas ng tunog galing sa muffler nito. Dahil racing type ito ay meron itong transmission sa steering wheel, hindi ito automatic.   “You should pack things first!! Don’t leave like that, girls!!” Sigaw ni Mommy.   Pinatay ko ang kotse ko at patakbong nag punta sa kwarto ko. Kinuha ko ang Knapsack type na bag ko, I inserted  3 pairs of randomly picked shirt, pants, undies, sando and jersey shorts. Ayaw ni Daddy kasi na naka short shorts kami lalo na si Mommy. Conservative silang parehas kaya naman sinusunod namin ito dahil maganda naman talaga tingnan. Hindi kulang sa tela ang mga damit namin palagi unless nasa beach kami o pool. Madalas akong mapag kamalan na lesbian dahil sa pananamit ko at style ng buhok ko, kaya naman ilag ang mga lalaki sakin.   Tinawag kami ni Mom at Dad sa salas pag ka empake namin ni Aeira. Sinabi samin na ipapangalan na nila saming dalawa ang Construction Firm namin named “Twin A’s”.   “No!!! Ayoko!!! Bahala kayo ni Dad muna dyan! We don’t even know how to manage that!” Tanggi ko habang napa ngiwi si Mommy at Daddy sa sagot ko. Dahil hindi madaldal si Aeira ay tumawa lang ito ng malakas at sinabing “Sasakit lang ulo ko dyan!”   Patakbo kami halos nag punta sa gate, inantay namin si Mom and Dad bago kami umalis para mag paalam ng pormal. Lahat ng bagay ay nagagawa namin ng ka-kambal ko basta alam nila Mom and Dad. Ang mahigpit lang na bilin nila Dad ay “Just don’t do drugs and everything is fine with us.”   Napaka cool diba? Masipag si Mom and Dad sa kanilang field of work. Si Mom ang owner ng pinaka malaking internet shop chain at Record Label Company na madaming pina sikat na mga Singers, at Banda. Nakapag tapos ng Accountancy at Business Management si Mommy, kaya naman may CPA sa dulo palagi ng pangalan niya. Si Daddy naman ay isang Civil Engineer at sa ngayon ay nag aaral ito bilang Architechture, sabi pa ni Mommy ay graduate din ng Information Technology si Daddy. Wala naman problema sa kanila ang pera. Limitless daw ang pera nilang dalawa, pag yayabang ni Daddy noon.   Humalik kami kina Mom and Dad at umalis, silang dalawa na lang daw ang pupunta sa Cemetery. Tradition na sakanilang dalawa yon simula nung mag ka isip kami ng ka kambal ko. Hindi naman nila kami pinupwersa na mag punta doon dahil birthday daw namin at kelangan namin i enjoy ang araw na ito.    Medyo mahaba ang byahe kaya naman tinawagan ko si Aeira. “Sis, where do we run!? SCTEX o Bulacan?” Tanong ko. “SCTEX!! Let’s try this! Waze mo na lang ang kina Tita Paine.” Sabi niya. “Waze? Sa Cubao lang naman sila diba? Sa Manhattan Tower 1.” “Sige! Let’s race! Pero pa full tank muna tayo.”   Dahil sa Manila na naka stay si Tita Paine at Tito Jheck ay madalang kaming maka punta dito. Hindi pa kasi kami nakaka lipat sa Manila dahil ni re-renovate ang bahay na pinatayo ni Mommy sa Fairview. Nakaka pag stay naman kami kahit saang kaibigan nila Mommy at Daddy, pinaka paborito namin puntahan ay kina Tita Paine. Bukod kasi sa malaki ang condo nila ay nandito si Eisenhoward na best friend namin.   Nasa City proper na kami ng Nueva Ecija at nag papa karga ng gas ng tumawag si Tita Jeanne, tinatanong kung saan kami mag s-stay dahil may gig sila sa Naga City mamayang gabi at plano raw nilang i-drive na lang ang pag punta doon. Wala raw kasama ang anak nitong si Laureen. A 10 year old, na anak ni Tita Jeanne.   “Ilang days kayo kina Paine?” Tanong ni Tita Jeanne. “Mga 3 days lang or less. Test drive lang namin ni Aeira ang binigay ni Dad na car.” Sagot ko. “Ah, so mag bre-break in lang kayo? Magagaling! Spoiled na spoiled kayo sa Mommy niyo no!?” tugon niya sa kabilang linya. “Ganon talaga Tita! In 2 hours nandiyan na kami ni Aeira, we’re running like 120kph eh.” “Wait. What!? Ganon ka bilis!? Ano ba naman si Kagami at Luna!!?” Pasigaw na salita ni Tita Jeanne na parang na hi-high blood. “Chill! Ano pa silbe nito kung hindi aabot ng 120 takbo, pang karera nga e.” Pag dadahilan ko. “So yun parin ba ang sports niyong kambal kayo?” “Oo Tita! It’s super fun. I’ll teach Laureen how to drive, when you go here at Nueva Ecija.” Pag yayabang ko. “Damn it. What’s fun on risking your life when you drive?” Tanong niya “Okay. I’ll wait for you here. I’ll call Paine too para ma notify ko din sila. Sa unit niya na lang siguro pag s-stay-in si Laureen.” Mahabang dagdag pa niya at pinatay ang linya niya. “Who’s that?” Tanong ni Aeira habang inaabot ang isang bottled milk tea. Naka pang racing attire pa pala si Aeira kaya naman pinag titinginan ito sa gas station. Kulay lang sa mata ang pinag kaiba naming dalawa at pananamit. Boyish akong manamit habang si Aeira ay babaeng babae. Naka super slim fit ito na leather pants at jacket kulang sa tela? Na punong puno ng mga logo ng sponsor niya. Habang naka sando na kitang kita ang clevage nito, naka brace din ito dahil inaayos ang tubo ng ngipin niya dahil puro ito sungki. Idagdag mo pa ang mahabang buhok nito na naka puson palagi. Matangkad kaming parehas, 5’10 si Aeira habang ako ay 5’11 naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD