CHAPTER 22

2350 Words
“SOLANA, pinapasabi ni Sir Rufo, dumaan ka raw muna sa office niya bago ka umuwi!” nakataas ang isang kilay na saad sa akin ni Arisa nang lapitan ako nito sa labas ng classroom ng last subject namin sa hapon. Katatapos lang ng klase namin at hinihintay ko na lang si Millie para sabay na kaming umuwi. “Okay. Thank you!” saad ko rito. Pero hindi naman agad ito umalis, sa halip ay seryoso ako nitong tinitigan pagkuwa’y sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Parang may gusto itong sabihin o itanong sa akin pero parang nagdadalawang-isip lang itong gawin. Mayamaya ay ipinag-krus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib nito at nagbuntong-hininga. “Bakit?” kunot ang noo na tanong ko rito nang hindi na ako makatiis. “I’m just wondering kung ano ang ginagawa mo sa office ni Mr. Montague kapag ipinapatawag ka niya at pinapapunta roon. I mean, what are you two doing inside his office?” usisa pang tanong nito. Bahagya akong nakadama ng kaba sa dibdib ko dahil sa naging tanong nito, isama pa ang kakaibang titig nito sa akin ngayon. Tila, parang may iniisip ito na hindi maganda sa akin at kay Rufo. Pero hindi ko ipinahalata rito ang kaba ko. Mayamaya ay nagtaas din ako ng isang kilay ko. “And why are you asking, Arisa?” sa halip ay balik na tanong ko. “Well, gusto ko lang malaman kung fini-flirt mo si Mr. Montague sa loob ng office niya?” Tumawa naman ako ng mapakla. “Alam mo, simula umpisa, Arisa. Wala ka ng ibang ginawa kun’di ang bantayan o punain ang mga ikinikilos ko. Para kang human CCTV ng buhay ko,” sabi ko rito. “At ’yang mga ibinibintang mo sa akin... I don’t know kung saan mo ’yan kinukuha! I’m not flirting with Mr. Montague, Arisa kung ’yan ang ipinipilit mong igiit diyan sa kukuti mo. Kaya sana lubayan mo na ako.” “Oh, my God! Don’t talk to her like that, Solana.” “Huwag kang mangialam dito, Lindsy!” saad ko sa isang kaibigan ni Arisa na nasa tabi nito. “Pareho lang naman kayong dalawa, e! Kailan n’yo ba ako titigilan? Hindi ba kayo nagsasawa na ako lagi ang pinupuna ninyo?” “Hindi,” sagot ni Arisa. “Hanggat hindi ako napapagod na bantayan ka, Solana hindi ako titigil. Lalo na ngayon, may kutob ako na may something between you and Mr. Montague.” Anito at pinanliitan pa ako nito ng mga mata. Kunwari ay natawa ulit ako ng pagak dahil sa mga sinabi nito. “Really? My God, Arisa! Nakakatawa naman ’yang mga sinasabi mo,” wika ko. “Bakit naman ako papatulan ni Mr. Montague? I mean, ikaw na nga mismo ang nagsabi sa akin na hindi ang kagaya ko ang tipo niya, hindi ba? Tapos ngayon, pinag-iisipan mo na pala kaming dalawa ng hindi maganda. My God! I can’t believe it!” umirap pa ako kasabay nang pagbuntong-hininga ko nang malalim. “Bes!” Napatingin ako kay Millie na palabas na ng room. Nang makita nitong kausap ko si Arisa, biglang nangunot ang noo nito. “Ano ang nangyayari?” tanong nito. “Wala. Huwag mo na pansinin ’yan! Halika na at umalis na tayo,” sabi ko na lang at hinila sa kamay si Millie at naglakad na kami palayo. Mayamaya, nang lumingon ako kay Arisa, magkasalubong ang mga kilay nito habang sinusundan kami ng tingin. “Ano ba ang sinabi ni Arisa sa ’yo, bes?” tanong ulit sa akin ni Millie. “Sinabi niya lang na pinapadaan ako ni Mr. Montague sa office niya saglit,” sabi ko na lang. “Bakit daw?” Nagkibit naman ako ng mga balikat ko. “Hindi ko alam.” “Sasamahan na kita,” sabi nito. Bigla naman akong napatingin dito. At magsasalita na sana ako para tumanggi sa offer nito, pero inunahan naman ako nito. “Halika na at wala naman akong gagawin sa bahay kaya okay lang kahit late akong makauwi,” wika pa nito at hinila na ako sa braso ko. Ayoko sanang pasamahin ito dahil sigurado akong may kapilyuhan na namang binabalak na gagawin sa akin si Rufo kaya niya ako pinapapunta sa office niya, pero wala na akong nagawa nang hindi na ako binitawan ni Millie hanggang sa makarating na kami sa labas ng office ni Rufo. “Dito ka na lang sa labas, bes. Hintayin mo na lang ako. Hindi lang ako magtatagal.” Saad ko. “Ano ka ba! Kaya nga ako sumama sa ’yo rito kasi gusto kong masilayan sa huling pagkakataon ngayong hapon ang mukha ng labidabs ko. Para naman masarap ang tulog ko mamaya. Tapos iiwan mo pa ako rito sa labas.” Anito at bahagyang umismid sa akin. “Sige na, katukin mo na at ng makapasok na tayo. Excited na ang puso at mga mata ko na makita ang irog ko.” Bigla ring lumapad ang ngiti nito sa mga labi, ang mga mata ay may heart-heart na naman. Diyos ko ang babaeng ito! Patay na patay nga kay Rufo! Napalunok na lamang ako at napabuntong-hininga nang malalim. At kagaya kanina ay wala na rin akong nagawa kun’di ang kumatok sa pinto at pinihit ko ang doorknob para buksan iyon. Pagkapasok ko pa lang ay kaagad kong nakita ang nakangiting mukha ni Rufo habang nakasandal siya sa kaniyang swivel chair. May hawak siyang stress ball at pinipiga-piga niya iyon sa kanang palad niya. “Hi, baby!” bati niya sa akin. Pero mabilis ko siyang pinanlakihan ng mga mata at saka ko niluwagan ang pagkakabukas sa pinto upang makita niya si Millie na nasa labas. Nang makita niya ang kaibigan ko ay bigla naman siyang napatuwid sa kaniyang puwesto at dali-daling nadampot niya sa ibabaw ng kaniyang mesa ang kaniyang cellphone at dinala iyon sa tapat ng kaniyang tainga. Tumikhim pa siya at nagsalita, “yes, baby! I’ll see you, tonight.” Kunwari ay saad niya sa kausap niya sa kabilang linya. Lihim na lamang akong napahagikhik dahil sa naging hitsura niya. Oh, God! He’s so cute! Para siyang batang gumagawa ng kapilyuhan at sa takot na mahuli ng nanay niya ay biglang gumawa ng alibi para hindi mapagalitan. Bahagya ko ring nilingon si Millie na papasok na rin. “Um, yeah! Okay. See you.” Saad pa niya at tinapunan ako ng tingin, pagkatapos ay si Millie rin. Nang kunwari ay pinatay na niya ang cellphone niya ay inilapag niya ulit iyon sa mesa niya. “Ms. Marinduque!” aniya. Humakbang naman ako palapit sa mesa niya habang nakasunod sa akin si Millie. “Mr. Montague, pinapatawag n’yo raw po ako?” kunwari ay tanong ko at nilingon ulit si Millie na malapad ang pagkakangiti habang titig na titig sa kaniya. “Yeah,” tipid na sagot niya saka muling tumikhim at umayos sa pagkakaupo niya. Bahagya ko namang siniko si Millie kaya napatingin din ito sa akin. “Ah, hello po Mr. Montague!” bati nito kay Rufo na halatang pinipigilan na naman ang kilig nito. Tumango siya kay Millie, “Ms. Andres,” aniya. Bahagya rin akong tumikhim upang tanggalin ang bolang bumara na sa lalamunan ko. “A-ano po ba ang kailangan n’yo sa akin, Mr. Montague?” tanong ko ulit sa kaniya. Bumuntong-hininga siya, “well, I just want to ask you if you’ve finished doing the project I’m telling you about?” Bahagyang nangunot ang noo ko. Ano’ng project? May project ba siyang ibinigay sa amin o sa akin? Nag-isip pa ako tungkol doon. “May project po pala kami sa inyo, sir?” si Millie ang nagtanong. “Wala naman po akong maalala,” sabi pa nito. Nang tumitig siya sa akin, saka ko lang na-gets na alibi niya lang ’yon dahil kasama ko nga ngayon si Millie. Bigla akong tumango at kunwari ay naalala ko ang project na sinasabi niya. “Ah, ’yon po pala, sir,” sabi ko. “Sorry, pero hindi ko pa po kasi nagagawa.” Pagsakay ko sa sinabi niya. “May project ba tayo, bes?” kunot ang noo na tanong din sa akin ni Millie nang tumingin ito sa akin. “Ako lang,” sabi ko. “I mean, ’yong project ’yon na ibinigay ni Mr. Santos sa akin dati kasi nga mababa ang grade ko sa kaniya. Hinihintay kasi ni Mr. Montague dahil sa kaniya ko na ipapasa.” Pagpapaliwanag ko. “Ah! Okay.” Anito na bigla namang naniwala. “Sorry po, Mr. Montague! Pero, ibibigay ko po sa inyo bukas.” Nang muli ko siyang tapunan ng tingin. “Alright. I will wait until tomorrow at three o’clock in the afternoon.” Ngumiti naman ako sa kaniya. “Wala na po ba kayong sasabihin, Mr. Montague?” tanong ko pa sa kaniya. Saglit niyang ipinagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Millie, “wala na,” sabi niya. “Okay po, sir! Aalis na po kami.” Saad ko. “Bye po, Sir Rufo!” kumaway pa si Millie sa kaniya bago ko ito hinila sa braso upang lumabas na kami sa office niya. Nang bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso ni Millie, hinayaan ko itong maunang lumabas habang nagdadahan-dahan naman ako sa paghakbang. At nang lumingon ako sa kaniya, nakita ko siyang sumenyas sa akin kaya napahinto ako. Nangunot pa ang noo ko nang makita kong dali-dali siyang kumuha ng maliit na papel at ballpen at may isinulat siya roon saka siya tumayo at naglakad palapit sa akin. Pasimple niyang iniabot iyon sa akin at hinawakan niya ang baywang ko saka iginiya ako palabas sa office niya. “Take care Ms. Andres,” aniya nang nasa may pinto na siya at tinapunan niya ng tingin si Millie. “Kayo rin po, Sir Rufo! Bye!” malapad ang pagkakangiti na saad nito at halatang pinipigilan lamang nito ang labis na kilig na nararamdaman ngayon. “Ms. Marinduque!” aniya nang ako naman ang tapunan niya ng tingin. Tumango na lamang ako sa kaniya saka bahagyang ngumiti. “Halika na, bes!” kaagad akong tumalikod at yumakap sa braso si Millie. “My God, bes! Kinikilig ako!” impit na tili nito at bahagya pang nagtatalon nang makalayo na kami sa tapat ng opisina ni Rufo. “Take care daw sabi nang labidabs ko!” pulang-pula pa ang mukha nito dahil sa labis na kilig. “Oh, hindi ako makahinga nang maayos, bes! I need air!” anito at ipinangpaypay pa sa mukha ang isang palad nito. Lihim na lamang akong napangiti at umiling. Jezz! Crush ko si Rufo, pero hindi naman ako ganito kung maka-react. I mean, oo kinikilig din ako nang husto, lalo na kapag ngumingiti siya sa akin o hindi kaya ay hinahalikan niya ako, but I can control myself and my feelings. Ayoko kasing ipahalata sa kaniya na kinikilig ako. Pero itong si Millie, kahit nasa harapan niya si Rufo kanina parang kulang na lang ay maglupasay sa sahig. Grabe! “Oh, mamamatay na ata ako, bes!” “Ang oa, a!” saad ko at inismiran ito. “Parang sinabihan ka lang ni Mr. Montague ng take care, mamamatay ka agad?” Inirapan naman ako nito nang tumingin ito sa akin. “Palibhasa’y hindi mo siya type, hindi mo siya crush kaya hindi ka maka-relate sa kilig na nararamdaman ko ngayon, Solana Marinduque.” Anito. Napangiti na lamang akong muli. Mayamaya ay bumitaw ako sa pagkakayakap sa braso nito at tiningnan ko ang papel na iniabot sa akin ni Rufo kanina. Bahagya ko iyong binuksan. I can’t take you home today because I have a meeting with the faculty. But I’ll pick you up later. Let’s have dinner. Napangiti ako habang kagat ko ang pang-ibaba kong labi. Ah, iyon lang pala ang dahilan niya kung bakit niya ako pinapunta sa office niya! Pero, puwede niya naman akong i-text, a! Bakit gumamit pa siya ng sulat para sabihin sa akin na hindi niya ako maihahatid ngayon, at gusto niya akong imbitahan na mag-dinner? Oh, pero ayos na rin. Mas kinilig kasi ako ngayon dahil sa sulat niya kumpara sa mga text messages na natatanggap ko mula sa kaniya. “Ba’t nakangiti ka riyan, bes?” Bigla kong naikuyom ang kamay ko at napatingin kay Millie. “W-wala,” wika ko. Nagsalubong naman ang mga kilay nito. “Wala? E, ngiting-ngiting ka riyan, Solana!” anito. “Ano ba ’yang tinitingnan mo?” tanong pa nito. Akma na sana nitong hahawakan ang kamay ko upang kunin ang hawak kong papel, pero mabilis ko iyong naitago sa likod ko. “Wala nga,” sabi ko pa. “Patingin nga lang, e! Ang damot naman!” inismiran pa ako nito. “Wala nga kasi, bes!” saad ko pa. Inirapan ako nito ulit. “Halika na nga! Pasalamat ka at masaya ako ngayon dahil sa labidabs ko. Dahil kung hindi, kukulitin kita nang kukulitin, ngayon.” Oh, knowing Millie! Makulit talaga ito at madalas hindi ako tinitigilan kapag may gusto itong malaman o makuha mula sa akin. Yumakap na lang ako ulit sa braso nito hanggang sa makalabas na kami ng campus at makasakay ng jeep. NASA SALA ako at nanunuod ng palabas. Hinihintay ko rin kasi ang message sa akin ni Rufo, kasi ang sabi nga niya kanina ay magde-dinner daw kami. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagti-text sa akin. Almost seven na rin ng gabi. Pero mayamaya ay naagaw ang atensyon ko mula sa panunuod ng palabas nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng gate namin. Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang sumilip ako sa bintana. Oh, maybe it’s Rufo! Dali-dali pa akong tumayo sa puwesto ko at lumabas ng bahay upang pagbuksan siya ng gate. “Rufo—” Ngunit bigla akong natigilan at naglaho ang ngiti sa mga labi ko nang pagkabukas ko sa gate ay hindi ang mukha ni Rufo ang nabungaran ko kagaya sa inaasahan ko. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. “Solana!” “G-general?” ang tanging nasambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD