Chapter 6

1132 Words
Chapter 6   "Shawn, kukuha ba 'ko ng pineapple juice mo?" I asked. Nasa harap ako ng salamin at inaayos ang blouse ko.   I sighed. Itutuloy ko na ngayon ang pagpunta sa super market dahil nga tinangka kong tumakas kahapon.   "Yeah." He coldly answered. Walang pasok si Shawn sa opisina kaya naman nasa kama palang siya at tinatapos ang breakfast na inihanda ko para sa kanya.   Somehow I feel sad. My Shawn's gone again. Tumango nalang ako at magpapaalam na sana, kaso lang may hinabol siya.   "My friends will be here at night."   "Uhm, dito ba sila kakain for dinner?"    He shook his head. "No. Just buy some ingredients that you'll use in making our- what was that?"   "Pulutan?"   "Yeah. Yeah that's it. Now go."   I smiled and nodded. Hindi pa rin niya alam ang pulutan.         …         Tinignan ko ulit ang mga kinuha kong groceries. Baka kapag may nakalimutan ako, mananagot na naman ako.   Agad akong tumungo sa mga seasonings nang maalala kong hindi pa pala ako nakakakuha ng iba doon. Mabuti nalang talaga magaling akong magluto. Mabuti nalang magaling magturo si tita Alice.   I miss her.   "Oh hey bitch."   Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng mga salitang 'yon. I was shocked but then I just looked down. It's Ivan, Isabelle's brother. I wonder why they're siblings. Magkaiba sila ng ugali. May kasama pa siyang dalawang lalake at malamang mga kaibigan niya 'yon.   "Excuse me." I almost whispered. Nakaharang kasi sila sa aisle I'm about to pass through them but then one of his friends spoke.   "Yeah. She's the excellent dancer in the club, Ivan." He said while smirking.   "Pwede mo ba kaming paligayahin manlang miss?" The other one said, insulting.   Nagtawanan sila kaya naman halos tumingin na lahat sa amin ang ibang bumibili. Hinuhusgahan na naman ako. Wala naman akong ginagawa. Pinunasan ko ang luhang tumulo at naglakad nalang sa ibang aisle palayo sa kanila. Naririnig ko pa ang mga pagsigaw nila at pagtawag sa 'kin ng kung ano ano pero hinayaan ko nalang.   Dumeretso nalang ako sa cashier at binayaran lahat ng nasa cart ko. May babae pang nagtanong kung okay lang daw ba ako. I just sheepishly nodded. Gano’n ba 'ko kahirap respetuhin?         …         Pagkauwi ko galing super market, wala si Shawn sa bahay. Hindi siya umuwi maghapon kaya naman nagtrabaho nalang ako. Nakakapagod nga lang dahil lahat ng trabaho ginawa ko at malaki ang bahay ni Shawn. Wala naman kasing katulong dito.   I was cooking our foods for dinner when he suddenly appeared in the kitchen. Nagulat pa 'ko pero hindi ko nalang ipinahalata.   "Shawn, saan ka galing?" I asked.   He's only with his jeans, sneakers, and black shirt. I know hindi siya umalis para magtrabaho.   Hindi siya nagsalita at nagpunta nalang sa counter niya. "Cook us foods. My friends are here." He coldly said before leaving.   "Kumain kana ba?!" Pahabol kong sigaw pero hindi na siya sumagot. Ginawa ko nalang ang utos niya. Nilutuan ko nalang sila ng sisig at ibang finger foods.   Sino naman kayang kaibigan niya ang mga meron? Sila Harvey?   Nakarinig ako ng ilang tunog ng sasakyan kaya naman sumilip ako sa bintana ng kusina. Nagsidatingan na nga ang mga kaibigan ni Shawn. Pero bakit si Harvey lang ang kilala ko? Bago sa akin ang mukha ng tatlo pa. Harvey is Shawn's best friend. Alam niya lahat ng tungkol sa amin.   I hurriedly put the foods on plates. Magagalit na naman si Shawn kung mabagal ako. Inayos ko muna ang suot kong shorts at T-shirt bago tuluyang lumabas.   I sighed. Dahan dahan akong lumapit sa garden kung saan sila nag-iinuman. They all looked at my direction. I just looked down and placed the foods on their table.   "Sophia?"   I looked at Harvey and smiled at him. "Hello Harvey." I said.   "Wow. Nice to see you again." He said and stood up. He's about to approach me but then Shawn pulled me to sit on his lap. Napailing nalang si Harvey saka umupo at yumuko nalang ako.   Shawn embraced me and started to plant kisses on my neck.   "Woah, get inside your room Stevens." One of his friends spoke.   Pinipilit kong alisin ang mga braso niya sa katawan ko pero mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin. Nahihiya ako dahil lahat sila sa amin na nakatingin, maliban si Harvey.   I accidentally glanced at the guy who is sitting across us and found him looking at me. Not on my face... but on my breast. I just looked down and didn't bother to look at him again.   "Anyways Sophia, this is Timothy, Aaron and Chance." Harvey introduced while pointing them.   I just smiled at them. Gustuhin ko mang makipag-kamay, hindi naman ako binibitawan ni Shawn.   "Hmm. You got a nice fling Shawn." Chance, the guy sitting across us said.   Napatigil naman si Shawn sa ginagawa niya at tumitig sa lalaki. "Fling?" He firmly asked.   "You know, I watch her almost every night in that club. She's a very good teaser and dancer. I wanna take her to bed but then she's a snob. Lucky you."   I was stunned. Hindi na 'ko magtataka kung maraming nakakakilala sa 'kin. Sikat kasi talaga ang club na 'yon.   I looked down and tried to remove his arms because it's getting tighter.   "Hey. Maybe she's Shawn's girlfriend and he's taking her seriously." Timothy said.   "Yeah. f**k off Chance." Aaron simply said.   Harvey faked a cough. "Guys, she is Shawn's wife. Watch your words." He said.   "Wife?" Chance mockingly asked. "He married that kind of girl? But well maybe she's that good in bed."   Pinipilit kong alisin ang mga kamay ni Shawn dahil alam kong hindi niya 'ko ipagtatanggol pero mas humigpit ang hawak niya sa braso ko.   “Shawn.” I whispered, pleaded.   "Shut it up Chance." Aaron said.   "Yeah. She's really good in bed. But sorry, she's mine." Shawn said before kissing me for a while and grabbing my breast.   A tear fell. Tama bang gano’n ang sabihin at gawin niya sa harapan ng mga kaibigan niyang lalake?   "Hey Shawn..." Harvey said.   "What? I can't deny the fact that my wife is a p********e because he himself saw her in the club." He said like it was nothing.   "My God Shawn." Timothy murmured.   Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko at ang mga luha ko. Bakit niya kailangan sabihin sa bawat tao 'yon?   Kaagad akong umalis sa kandungan niya at tumakbo papasok ng bahay. In there, I burst into tears.   Hindi ako katulad ng iba na basta nalang nagpapagamit. Hindi ako p********e! Alam kong malinis ako pero sino’ng maniniwala kung mismong asawa ko, maduming babae ang pagkakaalam sa 'kin.   Ang sakit sakit! Sana naman hindi niya 'ko binastos at pinahiya sa harap ng mga kaibigan niya. Bakit ba ganito ang buhay ko?         …
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD